Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Totoo ba ang aswang?

Story Rating:

May asawa na ako ngaun at kasalukuyang nagdadalang tao. Naka......

Mama Double Ganger

Story Rating:

1996 nung lumipat kami sa bahay sa Silang Cavite village ito......

Balagtas-Horror Facial Clinic

Story Rating:

Clinic Assistant ako dun for 7months isa sa pinaka memorable......

WHO'S KNOCKING???

Story Rating:

It first started when I was still in my second year of colle......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi na tinungo ang kanilang banyo.
"Positive! Yes thanks God magkakababy na kami ni Nico. Naku sigurado magugulat siya sa ibabalita ko mamaya"
Hinawakan ni Angie ang sinapupunan at dinama ang baby na nanduon kahit di pa alam kung ilang month na & days dahil irregular ang menstration nito...
"Baby your the best gift for our anniversary matagal kana naming hinihintay ni papa"
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Angie tsaka lumabas na ng banyo upang magbihis. Nang makabihis lumabas na ng kwarto at naghanda ng hapunan nilang mag-asawa. 3 years na silang kasal at ngayun lang sila mabibiyayaan ng isang angel. Walang hinangad si Angie kundi ang magkaroon sila ng baby ni Nico gabi-gabi siyang magdadasal sa poong maykapal upang mabigyan sila ng anak at ito na nga. Nakahanda na ang hapag kainan ng marinig niya ang ugong ng sasakyan ni Nico na papasok sa garahe. Nagrerent lang silang mag-asawa sa isang 2 stored townhouse.
"Hi honey!"
Bati ni Angie sa asawa ng mapagbuksan niya ito ng pinto sabay halik sa mga labi nito. Hinapit naman siya ng asawa at inamoy. Kung ang sweetness nilang dalawa ang pagbabasiha di mo makakaila na mahal na mahal nila ang isat-isa.
"Uhmm... mukhang masaya yata asawa ko.. ano meron?"
"Secret muna hon, magbihis kana naka handa na ang mesa"
"Ikaw talaga mahilig sa surprises kahit kailan"
Ngingitian lang ni Angie ang asawa at umupo uli sa sofa at hinintay ito bumaba. Hindi nagtagal bumaba na rin ito at magkasabay na nagtungo sa habang kainan na isang malaking divider lang ang pagitan ng sala nila.

"Wow puro favorite food ko ang naka handa mapasabak ako nito huh with matching candle light pa sa gitna"
"Simpre huh especial ang gabing ito para sa atin"
"Bakit anniversary na ba natin sa darating na linggo pa di ba?"
Sabay subo ng mainit init pang kanin....
"Hon, im pregnant"
Medyo nagulat din si Nico pagkarinig ng sinabi ni Angie sa kanya...
"Talaga hon?!"
Makikita ang exciment sa mga mata at tinig nito. Tumango si Angie sa kanya habang naka ngiti...
"Yes!...yes!...magkaka baby na kami"
Sabay tayo ni Nico at nilapitan ang asawa tsaka nilapit ang mga labi sa tyan nito. Kinausap pa nito tsaka niyakap si Angie....

3 months ang lumipas at nasa 5 buwan na ang dinadala ni angie walang araw na hindi nila ito kinakausap na mag-asawa lalong lalo na si Angie mapa bahay, ipisina o Mall. Nang araw na iyon busy silang mag-asawa sa paghahanda para sa kaarawan ni Nico. Nagbibihis na si Angie dahil tapos na silang mag-asawa sa paghanda at ilang oras at darating na ang pamilya nilang pareho. Isusuot na sana ni Angie ang damit ng mamataan ang nakaumbok na tyan sa salamin kaya lumapit siya dito. Hinimas-himas ito at sinino ang magkabilang gilid. Dahil mahilig din ito kumanta lage niya pa itong kinakantahan ng nursery rym na songs...
"Baby ang laki mo na ilang buwan na lang at makakasama kana namin ni papa. Di mo lang alam kung gaano mo kami pinasaya. I love You baby"
"Hon! Tapos kana ba andito na sina papa at mama"
Narinig niyang sigaw ni Nico sa baba. Kaya dali-dali na siya nag suot ng damit at hinayaan ang buhok na naka lugay na nilagyan ng clip tsaka lumabas ng kwarto.
"Hi ma.. hi pa"
Bati niya sa ina ni Nico at humalik dito
"Ang laki na niya iha.. excited na ang lahat sa paglabas ni baby"
"Oo nga ma, 5 months pa lang ang bigat na"
"Pano kasi hon, ang takaw mo pati ikaw ang taba-taba mo na"
"Naku Iho ganyan-ganyan din ang mama mo nung nagbuntis sayo"
Nagkatawanan na lang ang lahat at di nagtagal dumating na rin ang magulang ni Angie tsaka iba pa nilang bisita. Huling dumating ang bestfriend niya na si Alex kasama ang bf nito na si Christian.
"Naku sis buti pa kayo magkaka baby na ni Nico ako ito naghihintay kung kailan ako yayain ng Christian na yan"
"Oo nga, bakit di pa kayo magpakasal tagal niyo na rin di ba"
"Ewan ko dyan kung ano pa hinihintay siguro kung magputi na pareho buhok namin"
"Ikaw talaga sis wag ka mag-alala baka bukas yayain kana rin niyan"
"Sana nga sis magdilang angel ka"
Nagkatawanan nalang silang magkaibigan. Gabi na ng magsiuwian ang lahat pwera lang sa Magulang ni Nico dahil tumulong pa ang mga ito sa pagliligpit. Pagkatapos maligpit nagpahinga na rin ang lahat...

Bandang ala dos ng madaling araw ng makaramdam ng pananakit ng tyan si Angie hindi niya na ginising si Nico na tinungo ang banyo. Pakiramdam niya na umiikot ang kanyang ulo at nasusuka siya. Bigla na lang siya nagulat at nanghina ng Maramdaman ang dugong umaagos sa kanyang binti bigla siyang kinahaban at napahawak sa glass sliding wall ng shower room at unti-unti pumadausdus pababa...
"No... please my baby no!!!"
Umiiyak na siya dahil sa dami na ng dugo ang lumabas sa kanya.
"Hon!!!..."
Sumigaw na siya sa asawa dahil subrang bigat na rin ng kanyang ulo at sakit ng sinapupunan. Naalimpungatan si Nico sa sigaw ni Angie dali-dali naman itong pinuntahan sa CR at nabungaran ang asawa na nakaupo sa sahig na maraming habang umiiyak. Nataranta naman si Nico na binuhat agad ang asawa at inilabas ng kwarto habang tinatawag ang magulang sa kabilang kwarto. Nagising si Angie na nasa hospital na siya....
"Hon? Kamusta na pakiramdam mo?"
"Hon yung baby natin, anong nangyari sa kanya?"
Umiiyak na tanong ni Angie kay Nico habang inaalo naman siya nito...
"Hon please tel me ano nangyari sa baby ko!"
"Hon im sorry wala na tayong magagawa she's gone"
"No....!!!!! Ang baby ko... hindi maaari...!!"
Nagwawala na si Angie sa loob ng kwarto niya sa ospital kaya tumawag na ng nurse ang mama ni Nico pagpasok nito kasama niya ang nurse at nilapatan siya ng pampatulog"
Tinitignan ni Nico si Angie na natutulog awang-awa siya dito dahil alam niya kung gaano nito katagal hinintay na magkaroon sila ng baby. Kung gaano nito alagaan sa araw-araw. Ginagap niya ang kamay n asawa at dinala sa labi...
"Hon kung masakit sayo ganun din sa akin pero wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang lahat. Ipasa diyos na lang natin ang lahat hon"
Paggising ulit ni Angie hindi na ito nagwala ngunit hindi pa rin tumigil sa pag-iyak...

Sa loob ng 6 na buwan naging malungkutin ito di kumokibo at dinamdam ng subra ang pagkawala ng kanyang anak. Kaya pinasya ni Nico na lumipat na lang sa bagong bahay na binili sa probinsya. Doon sila magsisimula ulit na mag-asawa.
"Hon, what do you think ang ganda di ba?"
"Yes hon.. ang ganda pero mukhang malaki madyado para sa ating mag-asawa"
"Nagulat nga ako kasi mura lang nung binenta ito sa akin"
"Uhmm pero tama lang para may place ka sa pagpipinta"
"Oo nga hon, tignan mo may mga gamit pa dito hindi na kinuha nung nagbenta sa akin para di na tayo magbili pa"
"Bait naman nila. Tignan mo to hon may picture pa"
Buong araw silang nag ayaw sa bagong bahay nila at inukupa nila ang pinakamalaking kwarto.
"Hon, i love you i"
"I love you more hon thank you kasi subrang mahal mo ko kahit di kita ma bigyan ng anak"
"Ano ka ba hon wag kana malungkot ang importante magkasama tayo. I love you so much"
Sabay kabig kay angie at hinalikan sa mga labi. Hanggang sa ang halik naging lumalim at lalong uminip ang tagpo. Napaungol at ba pabaling-baling ang ulo ni Angie sa unan habang nasa taas nito si Nico ng mapadako ang kanyang tingin sa picture frame na nanduon. Hindi nila kinuha dahil hindi pa sila tapos sa pag-aayos ng bahay. Ibinalik ni angie ang tingin kay Nico at gayun na lang ang pagkagulat niya ng makita ang mukha ng lalaki at hindi kay Nico na nakapaibabaw sa kanya. Sabay na itulak ito ni angie At umusod na babangon.
"Hon are you alright? What happened?"
"Sorry hon, nothing"
"Hali ka nga dito.. ikaw lage mo ko binibitin huh not this time honey. It's our first day in our new house"
Ngumiti na si angie dito at iwinaksi ang nakita kanina. Pagkatapos magniig nakatulog na rin silang mag-asawa ng bandang alas tres ng madaling araw nagising si angie sa nabasag narinig na nabasag na salamin sa baba. Ginising niya si Nico ngunit tulog na tulog ito kaya inabot ang robe na nakasabit, sinuot tsaka bumaba. Sinino niya ang sala ngunit wala naman siyang may nakitang ni bubog. Kaya pinagpasya niyang bumalik na sa kwarto nila. Akmang aakyat na siya ng marinig ang tunog ng nakasabit sa kanilang pintuan kasabay ang baby rhyme na lage niyang pinapakinggan noon.
"Anak?,"
Tinungo ni angie ang pintuan at binuksan dumapyo ang malamig na hangin sa kanyang balat at sinundan ang kanya.
"Anak ko...mahal na mahal ka ni mama"
Tawag ni angie na tinahak ang labas ng bahay. Napaluhod siya sa damuhan at imiyak. Nagulat pa siya ng may kamay na humawak sa kanyang balikat na puno ng putik. Napa upo siya ng tuluyan sa damuhan at lumayo dito.
"Hon, ano ginagawa mo dito sa labas?"
"Aaah.. nari...wala hon"
"Halika kana umiyak ka nanaman"
Inakay na siya sa loob ng bahay ni Nico at tinungo na nila ang kwarto...

"Hon dali maynakita ako isang baol doon sa isang kwarto na nasa dulo."
Tinignan nila ang laman at mga lumang gamit pambata, libro, note book at mga pictures. Pagkatapos tignan ibinalik na lang Nila ang gamit na pinagalam na napag alaman na pag-aari ng dating tumira doon. Malayo sa ibang kabahayan ang bahay nila kaya wala silang malapit na kapitbahay. Dalawang linggo din natapos pag-aayos nila ng bahay at pinili ni Nico ang kabilang silong na gawing painting area nito. Habang si Angie dahil mahilig ito mag design ng mga damit at nagtatahe rin pinili niyang idisplay ang mga tahe nitong damit sa kwarto na naka harap sa bakuran na salamit ang ding-ding. Sa susunod na linggo ang blessing nila sa bagong bahay. Kaya naghahanda na sila. Nasa cr noon si angie at kakatapos lang mag tootbrush ng mapansin ang iniduro na parang bumubula. Nilapitan niya ito at ni flush gayun na lang ang sindak niya ng maging kulay dugo ang tubig na nahuhulog at merong fetus na paikot-ikot sa loob nito bigla siyang napatili ng tumalsik sa kanyang mukha ang dugo. Tutop ang dibdib na tumakbo palabas ng kwarto at sumisigaw. Habang si Nico naman ay nagulat sa boses nito at sinalubong sa hagdan.
"Oh bakit hon anong nangyari? Bakit ka tumitili?"
"Hon, ma..may dugo sa iniduro tsaka may fetus"
"Honey ano bang sinasabi mo.. paano naman magkaroon ng dugo sa iniduro at fetus doon sige na magbihis kana. Babalikan ko na yung ginagawa ko. Napatango na lang si Angie at tinungo ang kwarto tsaka nagbihis. Kinabukas maaga pa umalis si Nico upang pumunta ng manila dahil may meeting sila sa opisina. Mag-isa lang si angie sa bahay at ginugol niya ang sarili sa pag-aayos. Papagabi na ng tumawag si Nico na di ito makakabalik agad.
"Ingat ka dyan huh bukas ng umaga andyan na ako"
"Ok honey... ikaw din mag-ingat ka i love you"
"I love you 2 hon"
Pagkatapos makipag-usap dito tinungo niya na ang kusina at naghanda ng makakakain. Habang nilalagay ang ginawang toast sa plato nito ng magulat sa nahulog na baso ng juice niya na ginawa. Bigla siyang kinabahan ngunit hindi niya pinansin at pinalakas ang kanyang loob.
"Baka di ko nailagay sa ayos kaya na hulog"
Kumuha siya ng basahan upang linisin ang nagkalat na juice sa sahig at ang bubug ng magulat siya sa dalawang boost na nasa harapan niya may mantsa pa ng putik. Itinaas niya ang tingin at nakita ang mukha ng lalaki na nasa picture tsaka sabay hinataw siya ng palakol ng paulit-ulit sa mukha. Hindi nito tinigilan si Angie hanggang sa malagutan ng buhay na walang impit sa pag-agos ang dugo sa buong katawan nito....

Nagising si Angie sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Agad siyang napamulat ng maalala ang nangyari kagabi. Sabay tumayo siya sa higaan at tinungo ang painting room ni Nico...
"Oh hon, gising kana"
"Kailan ka dumating?"
"Kagabi pa ako dumating naabutan kita doon sa kusina na walang malay kaya nilipat kita sa kwarto"
"Anong nangyari kagabi"
"Hindi ko nga alam sayo kung ano ginagawa mo doon katabi mo pa yung bubog ng baso. Sige na kumain kana naka handa na yung almusal mo doon"
Magtatanong pa sana si Angie dito ngunit tumalikod na ito at pinagpatuloy ang ginagawa. Bumalik na lang sa loob ng bahay si Angie at inasikaso ang sarili ng bigla umikot ang kanyang tingin at patakbo na tinungo ang lababo at nagsusuka. Nang hapong iyon tumungo siya sa malapit na clinic at nagpa check up...
"Missis congrats your 2 weeks pregnant"
Halos hindi maka paniwala si Angie sa narinig. Halos hindi ma tanggal sa kanyang mga labi ang ngiti ng malaman na nagdadalang tao siya. Pagdating sa bahay agad niyang hinanap si Nico at nakita niya ito sa painting room niya na nakatingin lang sa kawalan.
"Hon may problema ba?"
"Ikaw pala honey wala may iniisip lang ako. Kamusta yung pagpapacheck up mo?"
"Hon, magkaka baby na tayo ulit!"
Nagulat si Nico sa sinabi ni Angie at biglang nag-iba ang pagmumukha nito.
"Di ba sabi ng doctor bawal ka nang mabuntis?"
"Hon di ka ba masaya? Magkaka baby na tayo ulit"
"Kung ikapahamak mo lang naman mas mabuti pang ipalaglag mo na lang yan"
"Hon! Anong pinagsasabi mo? Anak natin to kay tagal kung hinantay ito"
"Bahala kana Angie"
Inis na tinalikuran ni Angie si Nico at nagmamadali na tinungo ang loob ng bahay. Matutulog na si Angie ngunit hindi pa umaakyat si Nico.
"Uhmmm bahala siya dyan, makatulog na nga lang"
Naalimpungatan si Angie sa nagsisigawan at kalabog na tila nag-aaway sa baba ng bahay. Bumangon siya at tinungo ang hagdan nakita niya kung papaano eh untog ng lalaking nasa picture frame ang babae sa ding-ding habang umaagos ang dugo sa kanyang binti.
"Sabi ko sayo ipalaglag mo yan hindi ko anak yan wala kang dilikadisang babae kung kanikanino ka pumapatol!"
Sinampal pa ito ng lalaki at sabay ng katawan na bumalandra sa sahig. Hinblot nito ang buhok at hinila palabas ng bahay dala-dala ang palakol. Habang si Angie sinundan niya pa rin ang mga ito. Nasa labas na ng bakuran si Angie dahil wala naman silang main gate deritso na ito sa kalsada. Naagaw ng kanyang mata ang isang bata na naka puti tumakbo sa gilid ng bahay. Pagtingin niya sa sinusundan kanina wala na ang mga ito. Tumakbo na rin siya sa gilid ng bahay at nakita ang isang bata sa baba ng puno tsaka tumakbo ulit at nawala. Nilapitan niya ang puno at parang may nagtutulak sa kanya na hukayin ito. Hinukay niya gamit ang kamay at gayun na lang pagkasindak niya ng may kamay na kumapit sa kanya at pilit niyang inaagaw dito. Kasabay ng pagkatumba niya sa lupa na gising si Angie sa isang masamang panaginip ang nakapagtataka may mga lupa pa ang kanyang kamay. Naging palaisipan lahat yun kay angie kaya tinungo niya ang baol na nakita sa kabilang kwarto at binasa ang mga nakasulat sa notebook na nanduon. Maya-maya narinig niya ang boses ni Nico na tinatawag siya dali-dali niyang binalik ang mga gamit sa baol tsaka binabaan ito..
"Hon tumawag si mama sa friday na daw sila darating pero di nila makakasama yung pari na magble2ssing ng bahay dahil may ikakasal"
"Ganun ba kailangan na pala natin maghanda sa susunod na araw na yun ako na lang mamaya mag grocery"
"Sige hon di na kita masamahan ha kailangan ko pa kasing tapusin yung paintaing ko. Pasensya kana pala sa akin kahapon huh"
"Ok lang hon na iintindihan ko alam kung dala lang ng pressure kaya nasabi mo yun"
"Oh sige, hon balikan ko na muna yung ginagawa ko"
Tinanguan lang ni angie si Nico. Pagkaalis nito naghanda na siya upang mag grocery sa ihahanda nila. Hindi naman marami dahil nagpacater din yung mama ni Nico para di na sila mahirapan....

Dumating ang Friday maaga pa dumating na ang mga magulang ni nico. Malapit ng mag-alas dose ng mag sinadatingan ang ibang bisita. Isa sa bisita nila ang dating exgf ni Nico na si Gellie kasamahan niya rin ito sa opisina. Medyo halata din ni Angie na plastic lang ang pakikitungo nito sa kanya. Alas tres na dumating ang bestfriend niyang si Alex kasama ang bf nitong si Christian na malapit na silang ikasal. Habang busy ang lahat si Gellie naman ay inikot ang buong bahay hindi pa na kuntento umakyat pa ito sa pangalawang palapag. Tutunguhin niya na sana ang isang kwarto ng mahagip ng mata niya ang nakaputing babae na patungo sa kwartong paharap sa bakuran kung saan naka display ang mga damit na gawa ni angie. Pagpasok ni Gellie sa kwarto wala naman siyang may nakitang tao doon nilapitan niya ang mga damit at isa-isa tinignan na may pagkaarogante. Nang biglang lumingon siya dahil tila may taong dumaan sa pintuan. Kumibit balikat na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Si angie naman papaakyat sana sa kwarto dahil may kukunin ng makarinig ng sigaw at tila na basag na salamin. Dali-dali siyang pumunta sa kwarto kung saan naka display mga damit niya at nakita niya na basag na ang salaming ding-ding tumunghay pa siya sa baba at nakita ang bali-baling katawan ni Gellie at naliligo sa sariling dugo na inumpukan pa ng ibang bisita. Isa na si Nico at bestfriend niyang si Alex na napatingin pa sa kanya....

"What did you done Angie?!"
Galit na sabi ni Nico sa kanya kinagabihan ng sila na lang mag-asawa ang naiwan..
"I never did something wrong, hindi ko ginawa yun"
"You know what just because of that bul*hit baby nagiging paraniod kana!"
"Nico wala akung ginawa, walang kasalanan yung baby natin yung... yung kaluluwa ang may gawa dun"
"Stop that nonsense...!! Your being hallucinating sa mga nangyayari sayo at dahil sa baby na yan!"
Galit na ibinato pa Nico ang patalim sa lababo at iniwan si Angie na tinungo ang painting room nito. Natulog naman ulit na mag-isa si Angie sa kinilang kwarto simula nung malaman ni Nico na buntis siya wala na itong sinisisi kundi ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Halos hindi na rin ito tumatabi sa kanya at mas gusto pang magkulong sa paintroom nito. Kinabukasan maaga pang nagpaalam si Nico na aalis patungong manila dala-dala ang ibang gamit.
"Kailan ka babalik?"
"Hindi ko pa alam. Walang definite date"
"Nico, wa..."
"Stop it Angie I dont want to hear anything from you or even for your nonsense explaination. Sige alis na ako"
Umiyak na lang si Angie sa nangyayari sa kanilang mag-asawa. Kung saan mag kakaroon na sila ng baby tsaka naman nag bago ang pagsasama nila. Pagkaalis ni Nico agad siyang nagbihis dala ang notebook at tumungo sa pulis station...
"Oh Mrs. Dela Cruz napa dalaw ka?"
"Sir, tanong ko lang meron ba kayong record tungkol sa bahay namin dati?"
Napatahimik ang pulis, tumayo ito at kinuha ang isang folder sa cabinet tsaka iniabot sa kanya...
" 4 yrs ago ang bahay na yan ay pag-aari ni Mr. Reymundo Rodriguez may dugong kastila at ang asawa nitong si Lynhart Zapatan Rodriguez. According sa nakalap namin impormasyun nagalit si Mr. Rodriguez sa asawa niya ng malaman na buntis ito dahil kahit kailan man hindi makakabuntis si Mister. Gusto nito ipalaglag ang bata dahil hindi nito matanggap ang ginawa ng asawa sa kanya. Walang araw na hindi nito sinasaktan si Lynhart hanggang sa iwan na siya nito ngunit nahuli siya ni Reymundo at binugbog. Ang mga sugat na natamo sa ulo na pagka sira ng bungo nito dahil sa ilang beses na pag-untog.sa.kanya sa matigas na bagay. May sugat din na gawa ng palakol sa kanyang mukha, likod at dibdib. Yung bata sa sinapupunan ni Lynhart namatay na rin. Pagkatapos ilibing ni Reymundo ang asawa sa gilid ng bahay nila nagpakamatay din ito. Inilagay ang baril sa bunganga at pinaputok. Sabi-sabi bago daw nagpakamatay si Reymundo sinumpa niya ang bahay na iyon"
"Kaya pala ganun na lang ka mura nung ibenta ang bahay kay Nico, meron na bang na unang tumira sa amin doon?"
"Oo, dati pinapa rent lang yan 3 linggo lang tumira ang mag-asawa dyan at umalis din dahil lage-lage nagkakasakit yung anak at may mga pasa ito."
"Ganun po ba, ah sige Sir aalis na po ako"
"Ok mrs. Dela cruz kung may kailangan ka tumawag ka lang dito"
"Sige po sir, salamat"
Umuwi si angie na halos hindi naaalis ang isip sa mga sinabi ng pulis sa kanya. Naisip niya na pagdating sa bahay aalis siya dahil baka ano pa mangyari sa kanyang anak.Pagkababa sa sasakyan napansin niya na bukas ang pintuan ng paintroom ni Nico pinuntahan niya at nakita si Nico na hinihiwa ang ulo ng ibon at hinalo ang dugo sa pintura...
"Saan ka nanggaling?"
"Nico kailangan na natin umalis dito hindi maganda ang nangyayari sa bahay na ito"
"Ano bang pinagsasabi mo Angie! Umakyat kana sa kwarto at magpahinga"
"Nico please makinig ka naman sa akin"
"Sabi ko pumasok ka na sa bahay!"
Galit at nanlilisik ang mga mata ni nico ng tumungin ito sa kanya. Biglang nahintakutan si angie. Umiiyak na tumakbo si angie pabalik sa sasakyan at umalis. Habang nagddrive biglang sumakit ang kanyang tyan at halos hindi siya masyadong maka drive ng maayos. Tumingin siya sa labas at kanina niya pa nakikita ang isang bata na naka puti. Kahit saan siya tumingin andun pa rin. Nagulat pa siya ng biglang bumisina ang sumusunod na sasakyan sa kanya dahil naka go signal na pero di pa rin siya umaalis. Hindi niya na halos matiis ang sakit kaya nag U-turn siya at bumalik sa bahay. Halos ma tumba-tumba na siya dahil na mimilipit na siya sa sakit ng tyan.
"Baby please tulungan mo si mama"
Umakyat siya sa kwarto at isinara ang pintuan at nagpahinga...
Nagising siya sa naramdaman may pumatak na tubig sa kanyang mata bigla siyang napa mulat ngunit wala naman siyang may nakita. Umahon siya sa higaan at nakita niya sa sahig ang marka ng sapot na may naiwan pang putik sa sahig patungo sa pintuan at bukas na ito. Bigla siyang nahintakutan at dali-daling bumaba tsaka isinara ang pintuan. Kinuha niya ang patalim at nagtago sa gilid ng ref. Narinig niya kinakalabog ni Nico ang pintuan habang tinatawag siya nito...
"Honey, buksan mo ang pinto wag mo kung galitin!"
"Angie! Nakikinig ka ba?....Sabi ko buksan mo ang pinto!"
Dali-dali kinuha ni angie ang cp at tinawagan si alex ang...
"Sis tulungan mo ko si Nico gusto niya akung patayin iba na siya sis ibang-iba na hindi na siya yung asawa ko"
"Sis huminahon ka lang ano bang nangyayari"
"Please sis tulungan mo ko papatayin nya kami ni baby"
"Sige pupunta na ako mag-ingat ka magtago ka na hindi ka niya makita ok"
"Ok sis"
Pinahid ni angie ang mga luha at nagmamadaling umakyat sa taas na dala-dala ang patalim. Pumasok siya sa kwarto at narinig niya na sinira ni Nico ang bintanang salamin at doon dumaan...
"Angie lumabas ka, may balak ka pang takasan ako! Di ba sinabihan na kita na ipalaglag mo ang batang yan! Hindi ka nakinig pwes magsama kayong dalawa na ililibing ko!"
"Pawis na pawis na si angie na nakasiksik sa loob ng kanilang damitan habang tinatakpan ang kanyang bibig. Nagrinig niya ang mga yapak ni Nico sa sahig dala-dala ang baston na pagaari ni Reymundo habang tinatawag ang pangalan niya. Lumabas ito at hinanap siya sa iba pang kwarto doon. Tsaka naman siyang lumabas at dumaan sa binta dahil may bubong naman na madadaanan. Dahan-dahan ang kanyang galaw habang na nginginig ang buong katawan ng biglang lumabas sa kabilang bintana si Nico tatakbo pa sana siya pabalik ng hinablot nito ang kanyang buhok nagpambuno silang dalawa. Hinawakan siya sa leeg ni Nico at iniuntogsa ding-ding dumiin pa lalo ang kamay nito sa leeg niya na halos hindi na siya makahinga. Ang nakikita niyang mukha ay hindi na sa asawa kundi kay Reymundo. Itinaas niya ang patalim at sinaksak ito sa dibdib. Tsaka siya na bitawan tatakbo na sana siya ng hulihin siya nito kasabay nag pagkahulog nilang pareho sa bubong. Bumagsak si angie sa katawan ni Nico habang hinahawakan ang patalim na itinusok uli dito sa gitna ng leeg. Patay na si Nico dahil nabasag rin ang bungo niya sa pagkahulog. Tinignan ni Angie ang asawa bumalik na ito sa kanyang anyo habang nakabukaka ang mata..
"Hon, im so sorry... hi..hindi ko sina..sadya.. ma..hal..ki...ta hon..."
Napahagulhol si angie sa dibdib ng asawa at di alintana ang dugo na kumalat doon. Hindi rin niya nararamdaman na dinudugo na rin siya. Iyon na ang nadatnang eksena ni alex kasama ang mga pulis...

"Hmmmmmm...hmmmm..hmmm"
Humihimig ng isang nursery rhyme si angie habang hinihimas ang kanyang sinapupunan..
"Baby tayo na lang magsasama wala na si papa. Pinatay siya ng demonyo...hmmmm.hmmmm.hmmmm... wag ka mag-alala di kita pababayaan at di ko hahayaan na may makapanakit sayo. Hanggat andito ako basta wag mo iwan si mama huh magkasama lang tayo lage...hmmmmmm.hmmmm"
Napaiyak si alex pagkakita sa kanyang bestfriend sa loob ng selda ng mga baliw. Hindi niya Akalian na ito ang sasapitin ng bestfriend niya at ng asawang si Nico wala na rin ang baby na nasa sinapupunan ni Angie nakunan uli ito at nabaliw sa mang nangyayari sa kanya.......

1 year later......
"Wow babe i like this house thank you so much!"
Sabi ni Eijei sa asawa nitong si Jonel at sabay yakap at hinalikan sa labi...
"Ofcourse babe cuz i love you, i know na ganitong mga style ng bahay ang gusto mo, halikana umpisahan na natin gawa ng baby"
Napatawa si Eijei sa sinabi ni Jonel at nagulat pa siya ng bigla siya nitong pinangko at dinala sa masters bedroom. Nang biglang ma hulog ang nakasabit na picture frame ng bahay sa sahig........

««« THE END »»»


  

Story Archive