Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

Boses

Story Rating:

Kasalakuyan nag-aantay kami ng elevator paakyat sa flat nami......

Bangungot

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Lady inside the car (A short story)

Story Rating:

Ito po totoong mga nangayari sa loob ng workshop kung saan a......

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


This story happened nung ako at ang aking asawa ay mag live-in partner pa lamang. Nangungupahan kami sa isang bakanteng bahay sa aming bayan sa Lemery, Iloilo. May kalumaan na ang bahay at gawa lamang ito sa kawayan na dingding at yero naman ang bubong. Wala rin itong kuryente dahil sa tagal na nabakante. Di naman ako matatakuting lalaki pero minsan tinatablahan na rin ako. Lalo na sa tuwing maaalimpungatan ako sa aking pagtulog dahil sa ingay na para bang may mga taong pinagtatawanan ako, pero pag gising ko wala namang tao sa bahay kundi ako lamang.


Nangyari ang pinakamatinding pagpaparamdam sa amin ng minsan ay umuwi si misis galing eskwela (graduating palang siya sa College nun.) Ugali na ni misis na maligo kaagad pag uwi niya kaya nagsindi siya ng kandila at tumuloy na sa banyo para maligo. Ako naman sa kabilang banda ay abala sa paghahanda ng aming hapunan. Magkatabi lang ang lutuan, lamesa at banyo sa bahay na yun at sa bandang likurang dulo ng bahay nakapwesto. (pahaba kasi ang bahay na di naman kalakihan.) Wala akong nararamdamang kahit ano nung sandaling iyon nang bigla nalang akong tinawag ng aking misis at pabulong na sinabihan. "Hon, may namboboso yata sa likod." Ako naman, syempre ugaling asawa, e pa-simpleng kinuha ang flashlight at kutsilyo, at biglang tinakbo ang gilid ng bahay papunta sa likurang bahagi. Pumunta ko sa likuran ng banyo at naghanap ng mahuhuling mamboboso...Pero wala... Walang kahit ano akong inabutan dun maliban na lang sa mga talahib na gatuhod ang taas.


Naisip ko rin, kung meron ngang namboboso doon ay sigurado akong aabutan ko kahit na kumaripas pa sya ng takbo. Pero wala. Kahit na yung mga talahib ay hindi man lang nahawi kung meron nga.


"Hon..." sabi ko. "Wala namang tao dito." Nakapamewang ako nun sa kaliwang kamay at hawak ko namn ang flashlight sa kanan ng biglang MAY HUMAWAK NA NAPAKALAMIG NA KAMAY SA AKING KALIWANG BRASO! RAMDAM KO NA KALAHATI NG AKING KATAWAN AY LUMAMIG NA PARANG YELO, AH HINDI, MAS MALAMIG PA SA YELO! Ubod lakas ng loob ko namang nilingon at....WALA! Wala akong nakikitang nakahawak sa aking kamay pero RAMDAM kong MERON.


Kung gaano ako kabilis tumakbo ay sa tingin ko ay triple ang ginawa kong takbo pabalik sa loob ng bahay. Hinila ko ang asawa ko papasok sa silid namin at hindi na kami nakapaghapunan ng gabing yun dahil sa takot. Napakarami pang kababalaghan ang naganap sa dalawang buwan ng pagtira namin sa bahay na yon. At oo, yun ang dahilan kaya lumipat kami ng matitirahan.


  

Story Archive