Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR
by caDDy


?***

“kriiiiiiiinggggggggggggg….krinnnnnnnnngggggg gggg”

Cellphone ni Jed tumutunog.



“ugh..” pupungas pungas niyang sinagot ang tawag sa kanyang cellphone, muntik na siyang mahulog sa kaniyang kama.



Pasulyap niyang tinignan ang alarm clock niya sa kanyang side table.



3:30 am



“sino na naman ba ang tatawag sa akin sa ganitong oras!”asar na asar na saad ni Jed bago pinindot ang “answer” button ng kanyang cellphone.



Bahagyan niyang binasa ang pangalang nakarehistro sa kanyang cellphone.



“Jam”



“naku naman talaga itong si Potchie!” nangingiting sabi niya.

Jam and Jed we’re bestfriends. Potchie ang tawag niya sa kanya kasi mahilig ito sa Potchie candy.



“yes Jam? Aga mo naman tumawag.. goodmorning!” bati ni Jed



Ngunit walang tinig na narinig sa kabilang linya.



Maya-maya pay inulit ni Jed ang kanyang sinabi.



Parang may kung anong tunog sa kabilang linya.



Pinakinggan ni Jed ang tinig.

Umiiyak na babae.



“Jam are you okay? Where are you? Umiiyak ka ba?” sunod sunod na tanong niya.



“im sorry Jed.” Iyon lang at nawala na si Jam sa linya.



Marahil ay may problema ang kanyang kaibigan at gusto lang ng makakausap.

Nag-dial ulit siya sa number ni Jam.

Busy tone.

Bukas na lang niya ito kakausapin.



Tumunog ang cellphone ni Jed.

Pupungas pungas niyang sinagot ito. Maliwanag na pala, alas 10 na pala ng umaga. Nasarapn siyang matulog, tutal ay linggo naman.

Tinignan niya ang pangalang nasa screen, pag aakala niyang si Jam ang tumatawag ng bigla niyang naalala ang strange phone call na galing kay Jam kaninang madaling araw lang.

“hello Marenz..”

“Jed!” halos sigaw ni Marenz.

“ano ba Marenz, mababasag yata eardrums ko sayo eh.”saad ni Jed.

“ patay na si Jam…” saad ni Marenz sa mahinang tinig atsaka humagulhol.

“hah?! Papaanong nangyari yun?” nakatangang tanong ni Jed.

Malamang kung hindi mahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone ay nahulog na ito sa pagkabigla kanina pa.

Biglang nanlumo si Jed.

Wala na si Jam, ang kanyang matalik na kaibigang babae,

Last week lang ay magkakasama pa sila sa isang resort kung saan sila nag spend ng early summer vacation dahil papasok na ang month of May.

“i..i cant believe this, tell me it’s a joke Marenz..tell me!” maya-maya’y sabi ni Jed habang humahagulhol na rin.

“Jed, look, I might say it’s a nightmare, or a joke, pero hindi magandang biro ang patayin na sa biro ang mga taong humihinga pa…”

“papaano siya namatay?”

“car accident Jed, nawalan ng brakes yung car niya.could that be possible?”

“I don’t know, Jam is a good driver, how come she didn’t checked her car?”

“hindi ko rin alam Jed, pero sa ngayon we might go to her place, spend the least time na makakasama natin siya and help her family overcome this.” Mahabang pahayag ni Marenz.

“okay ill be there at 7pm, ill pick you up at your place..” saad ni Jed bago ibinaba ang telepono.

Hindi na niya inusisa kung anong oras namatay ang kaibigan nila, hindi na rin niya ikinuwento ang strange phone call na natanggap niya.

Mamaya na lang sa bahay nina Jam niya ikukuwento ang mga kakaibang bagay na nangyari sa kanya.

Though he really don’t believe in paranormal’s.

Hindi siya naniniwala sa pamahiin at sa mga multo, dahil hindi pa siya nakakakita.

Lagi ngang litanya nya sa mga kaibigan ang ‘to see is to believe mga pare’.

Hindi naman kontra sakanya ang mga kaibigan niya, ngunit laging babala nila sa kanya

Ay “be careful what you wish for pare.” Lagi na lang niyang ipinagkikibit balikat ang mga ganung banat ng kaibigan niya. Dahil wala pa naman siyang napapatunayan.

Pero yung tawag ni Jam ang unang nakapagpakilabot sa kanya ngayong umaga lang.

“weird,..”

Tatayo na sana siya para mag-almusal ng biglang tumunog ang kanyang cell.

“tooo-tooot…tooo-tooot”

MMS.

Binuksan iyon ni Jed.

Nabitawan niya ang kanyang cellphone ng makita niya ang natanggap na picture.

Litrato ni Jam.

Duguan ang mukha, basag ang ulo, at halos lumuwa ang mga mata.

Nanginginig niyang pinulot ang cellphone niya.

Labag man sa kalooban niya ay isinave niya iyon para ipakita sa mga kaibigan niya.

Bigla siyang nanlamig.

May kung anong hangin ang yumakap sakanya.

“ang lamig ng aircon..” pagpapakumbinse niya sa kanyang sarili.

Kumuha siya ng kanyang damit sa kanyang aparador.

Sa kanyang aparador ay isang malaking salamin sa harapan nito.

Binuksan niya ang kanyang aparador upang kumuha ng damit na pamalit niya.

Laking gulat niya ng isara niya ang aparador.

NAKITA NIYA SI JAM NA NASA SALAMIN.

PAREHAS SA ITSURA NA NARECEIVE NIYANG MMS.

Dali-dali siyang kumaripas ng takbo pababa ng bahay nila.

“kuya namumutla ka yata?” puna ng nakababata niyang kapatid na si Ren-Ren.

“ha? Ah eh hindi, alam niyo na ba ang nangyari kay Jam?” tanong niya sa kapatid.

“huh? Diba kanina ka pa nasa sala? Nanonood ka ng t.v nung bumaba ako at sinabi mong wala na si Jam, umiiyak ka nga eh, tapos umakyat ka uli sa kwarto mo kaya pinabayaan na lang kita..” saad ng kanyang kapatid habang sumusubo sa ham na agahan nila.

“kakababa ko lang naman,at hindi pa ako nanood ng t.v”

“kuya naman! Siyempre nakatulog ka ulot kanina nung umakat ka, nanonood ka ng t.v ng magising ako eh! Ang bata mo pa kuya makakalimutin ka na..” natatawa si Ren-Ren.

Isinawalang kibo na lang ni Jed ang sinabi ng kapatid, ayaw niyang matakot ito o pati ang kasama nila sa bahay.

Ngayon ay kinakabahan na talaga siya.

Paulit-ulit ang tinig na naririnig niya sa kanyang tenga.

“be careful what you wish for pare…”

Tulala siyang kumain ng agahan.


BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR
by caDDy

PART TWO



?***



Kagaya nga ng napag usapan nila ni Marenz ay dinaanan niya ito sa kanila. Eksaktong alas 7 ng gabi nang marating niya ang bahay nina Marenz.

Tuliro pa rin siya hangang ngayon.

Bakit kaya nagpapakita sa kanya si Jam? May gusto ba itong sabihin sa kanya?

Pinaglalaruan yata siya ng matalik niyang kaibigan, dahil nga sa hindi siya naniniwala sa mga multo.

“hi!” bati ni Marenz.

Hinalikan niya sa magkabilang pisngi si Jed.

Bahagyang nagulat si Jed.

Wala yata talaga siya sa kanyang sarili.



“ready ka na ba?” tanong niya.

“oo, pero tuloy ka muna, dinner ka muna.” Aya ni Marenz.

“ah hindi na, nagdinner na ako sa bahay, and for sure may food naman na dadatnan kina Jam.”

“okay.”

“so lets go?”

“tara!” nakangiting saad ni Marenz.

Habang daan ay tahimik silang dalawa.

Ni hindi sila nag-uusap,

Malamang ay masakit din para kay Marenz ang nangyari kay Jam.

“ang lamig..” anas ni Marenz.

“ah sorry napalakas ata ang aircon..” bahagyang pinahina ni Jed ang aircon.

Tumingin siya sa rearview mirror ng kanyang sasakyan.

Napapreno siya ng malakas ng makita si Jam sa backseat.

Nakatitig sakanya. Galit na galit!

Tila nang uusig ng konsensya.

“whats wrong!?” tila nagulantang naman na tanong ni Marenz.

“ah, I think may nakita akong tumawid na aso eh.” Pag sisinungaling niya.

“Oh, god!” natutop ni Marenz ang kanyang noo.

“mag-ingat ka naman Jed, a-ayaw ko pang sumunod kay Jam!” inis na sabi ni Marenz.

“im sorry..” at nagpatuloy sa pag da drive si Jed.

Eksaktong alas otso ng gabi ng makarating sila kina Jam.

Unang gabi pa lang ngunit madami ng tao.

Nandoon na sa burol ang buong barkada nila.

Pumasok siya sa pasimano ng bahay.

Humalik sa mama at papa ni Jam na nasa tabi lang ng kabaong at nagbabantay.

Samantalang ang mga kapatid naman ni Jam ay abala sa pag aasikaso ng mga bisita, kasama ng mga kaibigan nila.

“condolence, tita, tito.” May hinanakit sa boses niya.

Pagkatapos niyang yumakap at humalik sa mga magulang ni Jam ay tumayo siya para tunghayan ang kaibigan.

Halos mabibigat ang kanyang paghakbang.

Hindi siya makapaniwala, ang masayahing si Jam ay wala na.

Napahagulhol siya ng makita ang itsura ng kanyang kaibigan.

Halos umalpas ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

Di sinasadyang natuluan ng luha ang kabaong.

Nakakaawa ang lagay ng mukha ni Jam, yung nakita niya sa MMS at sa salamin ay ganoon na ganoon ang itsura ni Jam sa kabaong, hindi na yata nakayanang ayusin ng punerarya ang tinamo niyang sugat sa mukha. Bukol at mga pasa ang inabot ng buong mukha ni Jam.

“bestfriend…Potchie..” bakit mo’ko iniwan bigla?

“ang daya daya mo!” may hinanakit sa saad ni Jed.

Nagulat siya ng may kamay na humawak sa braso niya.

“Sherwin..pare!” niyakap ni Jed ang isa pang kaibigan.

“wala na si Jam, wala na siya.” Tila batang nagsusumbong si Jed kay Sherwin.

“ganoon talaga pare, we have to accept it..” saad ni Sherwin.

Bahagya niyang naitulak ang kaibigan ng makita niyang nakaupo si Jam sa tabi ng kanyang ina at ama, malungkot na malungkot ang itsura nito.

“pa-pare whats wrong?” nagtatakang tanong ni Sherwin.

“Wa-wala pare..”

“gutom ka yata?”

“hindi pare, Im okay..”

“sigurado ka?”

“oo pare, kakain naman ako kung gutom ako.”

“oh sige pare, maiwan muna kita, tutulong muna ako sa loob..”

“okay pare.”

Marahang humakbang si Jed papunta sa mga magulang ni Jam.

Naupo ito sa tabi ng mga magulang niya.

“ano po bang nangyari tita?”

“nawalan ng preno ang sasakyan ni Jam..”

“papaano po nangyari yun?”

“hindi ko rin alam nak” saad ng mommy ni Jam.

“napaka imposible, napaka ingat ni Jam sa kanyang sasakyan..”

“yun na nga ang ipinagtataka namin iho..”

“magkasama pa si Marenz at Jam nung gabing iyon..”saad ng daddy ni Jam.

“anong oras ho nadisgrasya si Jam?”

“ala-una ng madaling araw hijo.”

“dead-on-the-spot ang kaibigan mo.”

Hindi na siya naitakbo sa ospital.

Nagulat siya sa narinig.

“okay ka lang ba hijo?”

“o-opo..”

“nagtataka lang ako tita, kasi tumawag pa si Jam sa akin bandang 3.30 ng madaling araw kanina.”

“papaano mangyayari yun hijo ala una ng mamatay ang kaibigan mo?”

Bahagyang natakot ang mag-asawa sa ikinuwento ni Jed.

Hinagilap niya sa bulsa ang kanyang cellphone.

?***



Hinanap niya ang call log sa kanyang aparato.

Hindi naman siya nabigo.

Nahanap niya at nagregister sa kanyang cellphone ang tawag ni Jam.

“tita, tito look..”

Ipinakita niya sa mag-asawa ang call log.

Jam..3.30 am

Nasa received calls ito.

Nanlamig ang mga magulang ni Jam at nagsimula na namang humagulhol.

“mukhang magpapaalam pa yata sa yo ang kaibigan mo Jed..” umiiyak na sabi ng mommy ni Jam.

Napipilan naman si Jed sa narinig.

“tita, tito, tutulong lang ako sa loob.”

Nagpaalam si Jed sa mommy at daddy ni Jam.

Nakita niya si Marenz na lumapit sa bangkay ng kaibigan nilang si Jam.

Napaatras ito na tila nagulat sa nakita.

Kaya bumalik siya at inusisa ito.

“Marenz!”

“oh Jed!”

“bakit parang gulat na gulat ka..?”

“hindi ko lang maimagine ang ating kaibigan na nakahiga na diyan sa kabaong na iyan..”

“huhuhuhuhu…napayakap si Marenz kay Jed at umiyak.”

“tahan na. magkasama pa pala kayo nung gabing madisgrasya siya.”

“oo..”

“saan naman kayo galing?”

“nag malling kami eh, inihatid pa niya ako sa amin, nag coffee pa kami sa bahay.”

“hindi ko ineexpect na ganyan ang mangyayari sa kanya..”

“sayang naman, hindi ko man lang naipahayag ang matagal ko ng kinikimkim na nararamdaman para sakanya..”

“you mean, siya pa rin talaga ang gusto mo Jed?”

“oo naman, hinintay ko lang na magka stable job ako bago ko sana siya ligawan..”

“pero huli na ang lahat Marenz, wala na si Jam…”

Natahimik naman si Marenz sa narinig.

“doon muna ako sa loob, tutulong ako sa grupo..”

“ah okay sige, dito na lang muna ako..”

***

Naabutan ni Jed ang kanyang mga kaibigan sa loob.

May nagtitimpla ng kape, may nagpapalaman ng sandwiches.

“pare nandito ka na pala!” saad ni David.

“oo, pasensya na kayo, mejo late ako ng dating.”

“okay lang yun, kumain ka na ba?”

“hindi pa, pero hindi rin ako gutom pare..”

“nagparamdam sa akin si Jam.” Bumuntong hininga siya habang sinasabi yun.

Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sa gawi ni Jed.

“ikaw pare? Nakakita at nakaramdam ng multo ni Jam?”

Halos iisa ang mga sinabi ng kanyang mga kaibigan, hindi lang magkakasabay-sabay ang bigkas.

“oo pare, tumawag si Jam ng 3.30 am kanina lang madaling araw, umiiyak siya at sabi niya “im sorry Jed..”

“pagkatapos kaninang umaga may nagsend ng MMS sa akin, laking gulat ko ng buksan ko ang MMS, nakita ko ang litrato ni Jam na duguan at puro pasa ang ulo.”

“nakita ko rin siya sa salamin ng aparador ko, pati sa rearview mirror ng sasakyan ko!”

Mahabang kwento niya sa kanyang mga kaibigan.

“Jed, alam naming matagal ka ng may gusto kay Jam, pero… baka masyado ka lang affected sa nangyari sakanya, papaano kang tatawagan ng 3.30am eh ala una siya namatay,” saad ni Marj.

“alam kong hindi kayo maniniwala sa akin, ngunit heto ang magpapatunay sa inyo na totoo ang mga sinasabi ko..”

Maya-maya lamang ay dinukot ni Jed ang kanyang cellphone.

Nagsilapitan naman ang kanyang mga kaibigan.

Hinanap ni Jed ang call log ng kanyang cellphone.

Ngunit laking pagtataka niya na ni isang numero ay walang nakarehistro doon.

Bahagyang kumunot ang noo ng kanyang mga kaibigan.

“pare wala namang lokohan, diba hindi ka naman naniniwala sa mga ganyan, wag mo namang gawing biro!” saad ni David.

“hindi ako nagbibiro pare, teka, ni-save ko yung MMS eh”

Hinanap ni Jed ang MMS sa files ng kanyang cellphone.

Ngunit tulad ng call log ay wala ni isang picture ang nakasave doon.

“pare, paranoid ka yata?” saad ni Sherwin.

“papaano nangyari ito..nandito lang kanina, pinakita ko pa kina Tita Flor at Tito Adrian yung call log, kitang-kita nila!” paliwanag niya sa kaniyang mga kaibigan.

“pare magpahinga ka na kaya?” suhestyon ni Sherwin.

Nagkibit balikat ang kanyang mga kaibigan at ipinagpatuloy ang mga ginagawa sa kusina.

Tila nainis naman sa sarili si Jed.

Napahiya tuloy siya, at iniisip ng kanyang mga kaibigan na masama lang ang loob niya dahil wala na si Jam or worse iniisip nilang napapraning na siya!

Ngunit hindi siya maaring magkamali!

Totoo ang mga pagpaparamdam at pagpapakita ni Jam sakanya.

Hindi siya maaring magkamali.

Nanlulumo siyang bumalik sa sala kung san nakalagak ang bangkay ni Jam.

Naupo ulit siya at titig na titig na sa kabaong ni Jam.

Nagulat siya ng biglang may tunogn ng nabasag.

Bumangon si Jam mula sa kabaong.

Kinusot niya ang kanyang mata.

Ngunit wala namang nagbago.

Nababaliw na yata talaga siya.

PART THREE



***

Malalim na ang gabi, nagsimula ng kumonti ang tao sa bulwagan ng malaking bahay nina Jam.

Isa-isa na ring nagpaalam ang mga kaibigan niya.

“tita Flor, tito Adrian, mauna na po kami.” Pagpapaalam nina Sherwin.

“pare una na kami, maiiwan ba kayo dito?” tanong ni Sherwin ng tumingin siya kay Jed.

“maya-maya aalis na rin ako pare.” Sagot ni Jed.

Humalik si Joan at tinapik ang balikat ni Jed.

“Jed una na kami ni Sherwin,”pagpapaalam ni Joan.

“sige pare, ingat kayo ah?”

“okay pare see you again tomorrow night.”

At sumakay na sa kotse ang magkasintahang Joan at Sherwin.

Bahagyang tumikhim si Marenz.

“ah Jed, kung pwede ihatid mo na lang din ako sa amin mamaya.”

“okay sure Marenz.”

“magkape muna kayo hija, hijo” aya ni tita Flor sa dalawa.

“sige tita, susunod na ako sa kitchen.”

Nauna na si Marenz sa kusina upang kumuha ng kape.

Naiwan namang nakaupo si Jed sa harap ng kabaong ni Jam.

Minsan pa ay naisip niya ang pagtawag ni Jam at pagpapakita sakanya.

Napayuko siy Jed. Nalulungkot na naman siya.

Bahagya niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

***

Nakita niya sa kaniyang balintataw si Jam.

Nakadamit ng puti at mahaba.

Malungkot na malungkot ang itsura nito.

Nilapitan niya si Jam.

Hinaplos ang kanyang pisngi.

Buhay na buhay ito sa kanyang isipan.

“Jam, im sorry!” tanong ni Jed.

“Jed….bakit? ”

***

“Jed, etong kape mo!” saad ni Marenz.

Bahagya siyang nagulat at biglang nag-angat ng ulo.

Naputol ang sasabihin ni Jam sa kanyang isipan.

Simula ng mamatay si Jam kahapon ay balisa at tuliro na siya.

First time niyang makakita ng multo, at makaramdam ng hindi pankaraniwan.

Inabot niya ang kape, bagama’t naiinis siya kay Marenz dahil sa biglang pagsulpot nito, hindi tuloy niya naituloy ang kanyang panaginip, ------ kung panagainip nga iyon, alam niyang gising siya.

“sa-salamat Marenz..” saad ni Jed habang nilagok ang kape.

Umupo naman si Marenz sa kanyang tabi.

“pagkatapos nito, uwi na rin tayo?” saad ni Marenz.

“ah…sige..” matamang sagot ni Jed.

Inubos na niya ang kanyang kape. Tumayo siya at nagtungo sa kusina ng bahay.

Isa-isa na siyang nagpaalam sa kanyang mga kaibigan.

“guys maiwan ko na kayo..” saad ni Jed.

“okay Jed, wag muna kayong umuwi sa bahay niyo, drop by kayo maski sa isang place lang ha?” paalala ni Marj.

“bakit..?” takang tanong niya.

“basta sumunod ka na lang..”ani Aileen.

Nagtataka naman siyang um-oo na lang.

“o sige guys, balik na lang ako dito, “

“sige ingat ka..”

Humalik siya sa pisngi ng mga babaeng kaibigan.

***

Paglabas niya sa kitchen ay nakita na naman niya ang multo ni Jam.

Nasa likod ito ng mommy at daddy niya.

Nilakasan niya ang loob niya upang lumapit at magpaalam na sa tita Flor, at tito Adrian niya.

“tita, tito.. mauna na ho kami ni Marenz..” saad ni Jed. May halong takot at kaba ang kanyang boses.

Naglaho na si Jam.

“okay iho, wag ka munang dumeretso sa bahay niyo ha?” paalala ni tita Flor niya.

“okay tita..” saad ni Jed.

***

“Marenz, tara na..” aya niya kay Marenz.

“no Jed, maiiwan na lang pala ako dito, kawawa naman sina Marj wala sila kasamang magbabantay..” saad ni Marenz.

“sigurado ka?”

“oo naman, cge go ahead ingat ka ha?” sabay beso kay Jed.

“okay, tumawag ka na lang kapag may problema..”

“ill go ahead..”

***

Tahimik na lumulan sa kanyang sasakyan si Jed.

Tila malalim ang kanyang iniisip.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagdadrive ay biglang tumigil ang kanyang kotse.

“shit!” napamura siya.

“bakit naman sa dinami dami ng pagkakataon ngayon pa!”

Inis niyang tinignan ang gas indicator ng kanyang sasakyan.

Kalahati pa naman sa full tank ang nakalagay doon, hindi pa naman “out-of-gas” ang kanyang sasakyan.

Bababa na sana siya para sipatin ang lalagyan ng kaniyang makina ng may mapansin siya…

Madaming taong nakasuot ng puti ang dadaan sa kalsada.

Nakita niya doon ang mga kaibigan niya.

“Marj! Joan , Sherwin! Aileen! Dennis! Dave!” tawag niya.

Pati ang iba nilang kaibigan ay nandun din, ngunit hindi niya mamukhaan.

“Ren-Ren! “tawag niya sa kanyang kapatid na nasa prusisyon din.

“mommy? Daddy?” saad niya.

Nakahawak sila ng kandila.

May nakahawak ng korona ng bulaklak.

“pu-prusisyon? Li-libing?” tanong niya sa kanyang isipan.



Nagulat siya ng may bitbit-bitbit na kabaong ang mga naksunod sa mga taong naglalakad.

Walang sasakyan ang kabaong.

Bahagya lamang itinali yun sa dalawang malalaking kawayan na buhat-buhat ng anim na lalaki sa magkabilang gilid nito.

Mabagal na naglalakad ang mga tao. Lahat sila ay nakayuko.

Tila hindi ininda ng mga tao ang presensya ng kanyang sasakyan, tuloy-tuloy pa rin ang mga ito sa paglalakad, iniwasan nila ang kanyang sasakyan na nakatirik sa gitna ng kalsada.

Maang siyang nanonood lamang.

Nagulat siya ng may kumatok sa kanyang side window.

“tok-tok..!” dalawang magkasunod na mabilis na katok.

Nilingon niya ito.

Nakita niyang dalawang baranggay tanod na may hawak na batuta at flashlight ang nasa labas ng kotse niya.

Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan.

“sir may problema ho ba?” tanong ng isang tanod.

“bigla kasing tumigil ang sasakyan ko tapos hindi ako makababa para tignan ang makina kasi may dumadaang mga tao, libing yata.” Sabay lingon at turo sa kabilang bahagi ng kalsada.

“sir? Nakainom ho ba kayo?” saad ng tanod.

“hi-hindi ho…” napahiya siya ng makitang wala na ang mga taong naglalakad kani-kanina lang.

“papaano naman ho may maglilibing eh alas dose y medya pa lang ho ng madaling araw”napakamot sa batok ang isa sa mga tanod.

“tulungan na lang namin kayo sir..”

Agad naman siyang bumaba at itinaas ang hood ng kanyang sasakyan.

Wala namang problema.

Sumakay siya ulit ng kanyang kotse at inistart iyon.

Mabuti at gumana naman ang kotse niya.

Ibinaba ng tanod ang hood ng sasakyan.

“sir okay naman ho pala!” saad ng tanod.

“sir, iwasan ho uminom at gumamit ng bawal na gamot!” paalala ng dalawang tanod.

Aba’t napagkamalan pa siyang adik!

Natawa siya sa sinabi ng mga tanod na iyon.

***

Nang mapag-isa na naman siya at marahang tumatakbo ang sasakyan niya ay naisip niya ang prusisyon ng libing na nakita niya kanina.

Bagama’t patay ang aircon sa kanyang sasakyan ay nanlamig siya bigla, parang may hangin na malamig na malamig ang nasa loob ng sasakyan niya.

Ibinaba niya ng kaunti ang side mirror ng kanyang sasakyan upang lumabas ang malamig na hanging iyon.

Gumewang siya ng makita sa side mirror si Jam.

Tulala at malungkot na naman.

Napapreno siya ng mahigpit.

“potchie! Sorry na Jam, sorry na!!”biglang sigaw niya.

“kung pwede lang mamatay na ako ngayon Jam! Sorry!” matapang na saad niya.

Lumingon siya sa backseat ngunit wala naman si Jam doon.

Dali-dali niyang ipinagpatuloy ang pagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Maya-maya pay nakarating na siya sa kanilang bahay.

Tumingin siya sa kanyang wrist watch.

Eksakto ala una y medya na noon.

Napatagal ang kaniyang biyahe dahil sa mga kakaibang naganap na naman sakanya kanina.

Nang bigla ay may naalala siya.

“wag ka munag dederetso sa bahay niyo Jed..” ang paalala ng tita Flor niya.

Pati ng kanyang mga kaibigan.

“ano kayang konek nun sa mga nangyari sa akin..” tanong niya sa kaniyang sarili.

“wala naman siguro..”saad niya.

Hindi talaga siya mapagpaniwala sa mga multo at pamahiin.

Dali-dali siyang umakyat sa kanyang kwarto at nagpahinga.

****

Napaigtad siya ng mag-ring ang kanyang cellphone.

Dali-dali niyang kinuha iyon at sinagot.

Nakapapikit pa rin ang mata niya.

Pakiramdam niya’y wala pang limang minuto buhat ng matulog siya.

Sumulyap siya sa alarm clock niya.

3.30 ng madaling araw.

Ang oras kung kelan tumawag si Jam sa kanya.

“Jed…im sorry…” saad ng nakakatakot na tinig.

“bakit Jed?” pagpapatuloy nito.

Nagising ang diwa niya ng mapagsino iyon.



Nabitawan niya ang kanyang cellphone.

SI JAM!

Nanginginig na pinatay niya ang aparato, nagtalukbong ng kumot at isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan.

****


PART FOUR

****

“oh pare ba’t mukha kang zombie jan?” nagbibirong saad ni David.

Ang guy bestfriend niya.

“oo nga pare,” segunda naman ni Sherwin.

Bukod sa magkakaibigan sila ay sa iisang office sila nagtatrabaho.

“hindi kasi ako nakatulog pare.”

“ha? Bakit?”

“naku walang mangyayari sayo kung iisipin mo na lang lagi si Jam.”

“hindi matatahimik ang kaluluwa nun pare, we have to accept na wala na siya, at we have to move on pare.” Pahayag ni Sherwin.

“im sorry guys, kung alam niyo lang ang gumugulo sa isip ko..”saad ni Jed.

“oh ano bang nangyari sayo?”

“ba’t ganyan ang ichura mo..” concern na tanong ni David.

“may mga nangyaring kababalaghan kasi sa akin kagabi nung pauwi na ako galing kina Jam .”

“Jed! Woah! Is that you?” tatawa-tawang saad ni Sherwin.

“hindi mo naiintindihan pare..”

“eh di ipa intindi mo.,”

“ano bang nagyari?”

“nakakita ako ng prusisyon ng libing, nandun pa nga kayo eh, kasama niyo family ko, ano ibig sabihin nun? Mamamatay na ba ako?”

“ito pa isa, nakita ko si Jam sa side mirror ng sasakyan ko, galit na galit..”

“ikaw? Nakikita mo kaluluwa ni Jam?” maang na tanong ni David.

“oo naman..”

“owws! Baka napaparanoid ka lang, masyado mo lang namimiss si Jam pare.”

“teka, sinunod mo ba yung sinabi ni tita Flor, na wag kang dederecho ng uwi sa bahay mo?” tanong ni Sherwin.

Patda si Jed sa narinig dahil nakalimutan talaga niya ang bilin ng tita Flor niya.

“hi-hindi pare eh, hindi ko nasunod yung bilin ni tita…”

“kaya naman pala eh!”

“bakit ba pare? Ano namang koneksyon nun?”

“sabi nila pare, kapag dumerecho ka daw sa bahay mo, pagkatapos ng lamay, ay susundan ka ng espiritu nung namatay.”

“pare, wala namang ganyanan!”

“sorry pare, pero magkaiba tayo, malakas ang paniniwala ko sa mga pamahiin na yan..”

“im sorry but im not like you pare..”iiling-iling na saad ni Jed.

“maniniwala na lang siguro ako kapag ako na mismo yung patay at susundan ko kayo sa mga bahay niyo..” pabiro at natatawa si Jed sa nasabi.

“pare di magandang biro yan..”saad ni Sherwin sabay talikod.

“be careful what you wish for pare, be very careful…sige trabaho na tayo..” pagkasabi ay tumalikod na si David papunta sa kanyang desk.

Sa mga oras na iyon ay nais na bawiin ni Jed ang kanyang masamang biro, tila may kung anong nakabara sa lalamunan niya at hindi niya magawang magsalita.

Bahagya siyang nanlamig.

Kahit wala sa sarili ay pinilit pa rin niyang magtrabaho.

****

“pare hindi ka ba maglalunch?” yaya sakanya ni David.

“hindi, tapusin ko lang ito, di pa naman ako gutom..”

“okay bahala ka pare…” saad ni David at agad itong lumabas ng opisina para kumain.

****



Bahagya siyang yumuko upang pulutin ang kanyang nahulog na ballpen.

Nang biglang may humawak na kamay sa dalawang paa niya!

“aaah!” maikli ngunit malakas na sigaw niya.

Nauntog siya sa kanyang desk.

“oh pare! Anong nangyari sayo? Namumutla ka! Hindi ka kasi kumain ng lunch, tara na alas tres na coffee break muna,”aya ni Sherwin.

“ah hindi, sige pare, susunod na ako, pinupulot ko lang yung nahulog na ballpen, susunod ako kaagad.”

“o sige pare, hintayin kita sa baba ha?”

“okay pare.”

Muli niyang sinilip ang ilalim ng desk ngunit wala namang tao roon.

Kung meron ay napaka imposible namang makasiksik ang tao doon at gawan siya ng ganoong biro.

***

Nasa ganoong paiisip siya ng tumayo at lisanin ang kanyang desk.

Nagtataka siya dahil alas tres naman ng hapon. Coffee break, kung tutuusin sana ay may mga kasabay siyang sasakay ng elevator, ngunit nakakapagtakang WALA.

Pumasok siya sa elevator, mula sa 18th floor ay bababa siya sa lobby upang magkape.

At kung gugustuhin man niya ay humitit ng yosi.

Nasa loob siya ng elevator ng may mapansin siyang kakaiba.

SI JAM!

NASA HARAPAN NIYA!

NASA STAINLESS STEEL DOOR NG ELEVATOR!

Pinindot niya ng pinindot ang “open” button para magbukas na ang elevator ngunit ayaw nito.

Itinaas ni Jam ang kanyang mga kamay, akmang sasakalin niya si Jed.

Nang biglang bumukas ang pinto ng elevator,

Takang-taka ang nakasalubong niyang babae sapagkat namumutla siya..

“parang nakakita ng multo..” dinig niyang sabi ng babae.

***

Dali-Sali siyang lumabas sa parking lot.

Hindi na siya nagkape, nais niyang manigarilyo na muna.

Kinuha niya ang isang stick at lighter mula sa kanyang cigarette case.

Sinidihan niya iyon at pinuno ng usok ang baga saka ibinuga ang usok sa ere.

Nakita niya ang lalaking iyon.

“huh?! Anak ng…! anong ginagawa mo dito!” saad niya

Saka naglakad ng mabilis upang sundan ang lalaking nasa labasan na ng parking lot.

Nagulat siya ng may biglang mga kamay na humawak sa kanyang balikat.

“David!” saad ni Jed.

“sino bang kinakausap mo jan?” takang tanong ni David.

“ah wala..”

“meron eh! Sino nga?”

“wala nga pare, kulit mo naman eh.” Nainis siya kay David.

Mahahabol na sana niya ang lalaking iyon kung hindi ito dumating at bigla na lang sumulpot sa eksena.

“tara na sa loob Jed.” Yaya ni David.

“sige pare sunod na ako.”

Itinapon ni Jed ang upos ng yosi sa trash bin at kaagad na sumunod kay David.

***

Uwian na nila ng hapong iyon ng magpasya siyang magpaiwan at mag overtime.

“sigurado kang maiiwan ka dito pare?” paninigurado ni Sherwin.

“oo pare.”

“hindi ka ba pupunta sa lamay?”

“hindi ko pa alam pare, depende na lamang kung maaga kong matapos ang trabaho dito sa opisina.”

“pwede mo pa namang ipagpatuloy yan bukas ah.”

Ngiti na lang ang isinagot niya kay Sherwin.

“o cge pare una na ko, ill go ahead, ingat!”

“sige, magtetext na lang ako kung makakapunta ako sa lamay.”

****

Naiwang mag isa si Jed ng gabing iyon.

Napakatahimik pala ng opisina nila.

Tanging tipa ng keyboard, tunog ng relo at mahinang buga ng hangin na nagmumula sa aircon ang kanyang naririnig.

Pagod na siya, ngunit wala pa siyang natatapos na gawa.

Bahagya siyang sumandal sa kanyang swivel chair.

At hinimas ang kanyang sintido. Sumasakit ang ulo niya.

Nagtataka siyang biglang namatay ang monitor ng kanyang computer.

Nang tumingin siya dito ay nakita niya si Jam sa monitor, hawak-hawak ang kanyang ulo at nakangiti.

Pipilipitin na sana ni Jam ang kanyang ulo nang..

“aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!”

Sigaw niya.

“sir! Sir Jed! Are you okay?” tanong ni Milcah.

Ang secretary ng kanilang boss.

“ah, yes, im okay, it was just a nightmare..” saad ni Jed sa mabait na sekretarya.

“do you want some coffee sir?” tanong ni Milcah.

“no thanks, paalis na rin naman ako.” Saad niya.

“okay sir take care.” Pagkasabi ay umalis na palayo si Milcah.

Dali-daling inayos ni Jed ang kanyang mga gamit at nilisan ang opisinang iyon.

Habang daan ay nakaramdam siya ng gutom, kaya naman nagpasya siyang dumaan sa isang fast food chain.

Tinignan niya ang orasan sa kaniyang bisig. Pasado alas nuebe y medya na pala ng gabi.

Tila ngayon lang siya nakaramdam ng gutom simula pa kaninang tanghali ay hndi siya kumain.

Habang nasa pila para umorder ng pagkain ay tumunog ang cellphone ni Jed.

“tutut..tutut!!”

Dinukot niya ang aparato sa kanyang bulsa.

Mensahe pala galing kay Sherwin.

“pare nasaan ka na? pupunta ka pa ba dito sa lamay?”

Sinagot naman ni Jed ang textmessage ng kanyang kaibigan

“hindi pa ako sigurado pare, kaka put ko lang sa office, nandito ako ngayon sa MANG INASAR kakain muna ako, at ako’y gutom na gutom na.”

Pagkakita niyang nag send ang message niya ay ibinalik na niya sa bulsa ang kanyang cellphone.

Nakaorder na siya ng kanyang pagkain, at habang dala dala ang tray ay narinig niyang tumunog na naman ang kanyang cellphone.

Sa isang mesa na pandalawahan lang siya umupo.

Bago simulan kumain ay dinukot niyang muli ang kanyang cellphone sa bulsa.

Laking gulat niya ng hindi galing kay Sherwin ang mensahe.

Isa na namang MMS ang noon ay natanggap niya.

Buong tapang niyang binuksan ito. Laking gulat niya ng makita niyang.

Siya at si Jam ang nasa MMS , duguan ang mukha niya at kaparis ng kay Jam.

Nakangiti si Jam sa picture.

Dahil sa nakita ay nawalan siya ng ganang kumain.

Ano kayang ibig sabihin nun, papatayin na ba siya ni Jam?

Hindi niya maiwasang wag hindi magisip ng di maganda. Kinakabahan siya at natatakot.

***

Dali-dali siyang sumakay sa kanyang sasakyan.

Tinawagan niya si Sherwin at sinabing hindi makakapunta ng lamay.

Naintindihan din naman nina tita Flor at Tito Adrian ang sinabi ni Jed.

Dali-dali ay umuwi na siya sa kanilang bahay at doon nagpahinga.

****

SAMANTALA…

“you have stolen my heart…

You have stolen my heart…

Hmmmmm…..”

Bahagyang kumakanta at nagha hum si Marenz sa loob ng kanyang banyo sa kanyang kwarto.

Naghahanda siya noon upang magpunta sa lamay ni Jam.

Bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo sa di niya malamang dahilan.

Inis siyang umalis sa shower, at nagpunta sa pintuan upang isarado ito.

Pabalik palang siya, kakatalikod pa lang niya ay unti-unti na anamng bumukas ito.

Sa pagkakataong iyon ay mag nakita siyang isang babaeng nakatalikod na nakaupo sa kanyang kama.

Bagama’t may sabon ang kanyang mata ay hindi niya maaninag ng mabuti kung sino ang babaeng iyon.

“yaya..”

“yaya di ka man lang kumatok!” inis na inis siya.

Hindi pa man kasi siya naka tapis ng tuwalya.

Kaya hantad na hantad ang kanyang seksi at makinis na katawan na natatakpan lamang ng bula ng sabon at shampoo.

Agad agad siyang bumalik sa ilalim ng shower upang alisin ang sabon sa kanyang buong katawan.

Kinuha niya ang kanyang tuwalya at nagtapis ito.

“si-sino ka?” kunot-noong tanong niya sa babae na noon ay nakaupo sa kanyang kama.

Mahaba ang buhok nito at tila naka night gown.

Paglingon ng babae ay ang siyang sigaw naman niya.

“AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!”

DALI-DALI SIYANG TUMAKBO PALABAS NG KANYANG KWARTO.

Mabuti na lang at malakas ang panimbang niya.

Hindi siya nabuwal sa mahabang hagdan pababa kundi ay patay na sana siya.

Nakita siya ng daddy niya sa ganoong ayos.

“Marenz! What is that! Anong ginagawa mo!” galit na tanong ng daddy niya.

“da-dad..nakita ko si Jam, she’s on my bed! Nakatitig sa akin, malungkot!”

“Marenz, stop playing like a child, act your age! Your too old enough for that kind of stuff!”

“im sorry dad!”

At agad siyang pumanhik sa taas upang magpalit.

Kahit takot na takot ay pinilit niyang labanan ang kabang bumubundol sa dibdib niya.

Kumuha siya ng damit at dali-daling isinuot yun.

Nagdadasal siya habang nagbibihis.

Abot-abot ang kanyang kaba.

Wala na siyang pakialam kung magkabaliktad na ang panty niya sa pagsusuot.

Nang isara niya ang kanyang dresser ay may napansin siya.

Pulang marka na naka sulat sa salamin.

Nang mabasa niya iyon ay nagulat siya.

Ano kayang ibig sabihin ni Jam.

Ano kayang gusto niyang sabihin.

At bakit iyon pa ang nakasulat sa salamin?

Agad siyang bumaba sa hagdan at tinungo ang kanyang sasakyan.

At paharurot na umalis sa kanilang bahay papunta sa lamay ni Jam.

PART FIVE

***

Nang makababa si Marenz ay nakita niya si Rommel, ang kapitbahay nilang may saltik sa ulo. Sa takot ni Marenz ay halos patakbo niyang nilkad ang labas ng bahay nina Jam papasok sa loob.

“anong ginagawa ng lalaking yan dito!” tila galit na saad ni Marenz.

Marahan lang na nakatingin si Rommel kay Marenz.

Inirapan ni Marenz si Rommel atsaka nagtungo sa loob ng bahay.

Doon ay naabutan niya ang kanyang mga kaibigan na abala sa pag iistema ng mga bisita.

Dali-dali siyang nagbigay galang kina tita Flor, at tito Adrian.

Dahil nga sa madaming tao ay tumulong na rin si Marenz maski kadarating pa lang niya.

Hawak-hawak niya ang tray ng mga tasa na may lamang kape nang palabas siya sa kitchen.

Sa pintuan any nakita niya doon si Jam.

Nakatayo at nakatingin sa kanya. Na tila may gustong sabihin.

Sa gulat ni Marenz ay nabitawan niya ang tray na may lamang mga tasa.

Napaso tuloy siya at nagkada basag-basag ang mga tasa.

***

“Marenz, hija!” sigaw ni tita Flor, na nag-aalala naman.

“napaano ka?”

“ti-tita nakita ko po si si si… Jam..” naiiyak niyang sabi.

“Marenz okay ka lang?” nag aalala namang dinaluhan siya nina Marj at Aileen habang nagseserve ng mga sandwiches sa mga naglalamay at sa mga taong naglalaro ng braha.

“oo okay lang, namalikmata lang siguro ako..”

“magpahinga ka muna,baka pagod ka?”

Nang makaupo siya ay kinausap niya ang tita Flor at tito Adrian niya.

Ikinuwento niya ang nangyari sa kanyang kwarto kanina.

“hah!? Bakit ang pangalan niya ang nakasulat sa salamin?” takang tanong ni tito Adrian.

“baka may kinalaman siya sa pagkawala ni Jam!” saad ni Adrian.

“Adrian! Huwag kang magsalita ng tapos! Hindi mo alam ang nangyari kaya wla kang karapatan maski manghusga ng kapwa!”saway ni Flor sa esposo.

Bahagya namang natahimik ang matandang lalaki.

Sabagay tama naman ang sinabi ni Flor.

Huwag muna magsalita ng patapos mahirap din ang namimintang.

At isa pa ay may mga pulis namang nag-aasikaso sa kaso ng kanilang anak na si Jam.

“tita, tito maiwan ko na ho muna kayo” saad ni Amrenz.

At agad siyang nagtungo sa kusina.

Doon ay naabutan niyang nag-uusap si Joan at si Ruby.

“diba magkasama pa sila ni Marenz nung gabing iyon bago maaksidente si Jam?” tanong ni Ruby kay Joan.

“oo, bakit mo natanong?”

“di ba lihim na gusto ni Marenz si Jed?”

“oo, yata, teka bakit ka ba tanong ng tanong?!” naiinis na saad ni Joan.

“naisip ko lang kasi, baka may kinalaman si Marenz sa pagkamatay ni Jam..”

“Ruby! Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Hindi mamamatay tao ang kaibigan ko!” saad ni Joan.

“wag ka namang magalit Jo, sinasabi ko lang ang opinyon ko, kasi baka hindi matanggap ni Marenz na mas gusto ni Jed si Jam!”

“uhhrrrmmmm…” tumikhim si Marenz saka pumasok sa kusina.

“ako pala ang pinag-uusapan niyo”

“kanina ka pa ba……”

“oo! Kanina pa ako dito!”

“sorry Marenz, o-opinyon ko lang naman yun”saad ni Ruby.

“so-sorry? Akala mo ganun kadali mapagbintangan?!”

“bakit ba ako pa ang naisip mong pagbintangan?! Dahil ba hindi ako gusto ni Jed! Ha?!”

“Marenz, hindi ko sinasadyang…”

“hindi mo sinasadya?!”

Sinugod ni Marenz si Ruby.

Nahawakan niya ito sa buhok at sinabunutan niya ito.

“walang hiya kang babae ka!”

“hindi porke’t ako ang huling nakasama ni Jam ay ako na ang pumatay sa kanya!”

Nabuwal silang dalawa sa sahig.

Nagtitili naman si Joan, upang tumawag ng saklolo.

Gumanti na rin is Ruby.

Nasampal niya si Marenz. Na lalong ikinainit ng ulo nito.

“anong malay ko! Kung ikaw ang sumabotahe sa kanyang kotse!” saad ni Ruby.

Dali-dali namang nagsidatingan ang mga lalaki.

Inawat ni David si Marenz, at hawak nya ito sa bewang.

Ganoon din ang ginawa ni Sherwin kay Ruby.

Akmang magsasabunutan pa sana ang dalawa ng dumating si tita Flor.

“anong nangyayari dito?!”

“yan kasing Ruby na yan tita! Pinagbibintangan akong ako daw sumabotahe sa kotse ni Jam!”

“abah! Anong malay ko! Eh ikaw naman ang huling kasama niya! Nag coffee pa nga kayo sa bahay niyo eh!”

“aba’t talagang….!”

“tama na nga yan! Para kayong mga bata!”

“itigil niyo na yan! Marenz umuwi ka na muna! Ikaw din Ruby!hindi niyo na iginalang ang lamay ng aking anak!” histerikal na saad ni tita Flor.

Napayuko naman sa hiya si Marenz.

“una na ako guys, una na ako tita Flor,” sabay halik sa pisngi ng matandang babae at lumabas sa tarangkahan ng bahay.

Paglabas niya ay nakita na naman niya si Rommel.

“papaano kaya nakasunod itong baliw na ito dito!” saad ni Marenz.

Mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang sasakyan.

Lumulan siya dito at pinaharurot iyon paalis.

Dumaan muna siya sa isang convenience store at bumili ng maiinom.

Nang mahimasmasan ay nagmaneho na siya pauwi.

***

“wag! Maawa ka sa akin!” pagmamakaawa ng isang babae.

“bakit? Bakit ako maaawa sayo!” saad naman ng lalaki.

Sinunggaban niya ang babae at hinalikan ang kabuuan nito.

Tinanggal niya ang kanyang saplot atsaka mabilis na dumagaan sa kawawang babae na walang kalaban-laban.

“wag ka ng maarte! Alam ko namang gusto mo ito eh!”

Umiiyak ang babae pagkatapos mangyari ang hindi dapat mangyari.

Nagmamakaawa ito, ngunit iniwan na lang siya basta ng lalaki.

****

Nagising si Marenz pagkatapos ng panaginip na iyon.

Balisa siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Hindi na yata siya makakatulog.

Agad niyang kinuha ang kanyang laptop. At nag facebook.

Tinungo niya ang kanyang paboritong page ang “ghost stories mo, post mo dito.”

At agad na nag share ng kanyang experience tungkol sa kanyang kaibigang si Jam.

Buti na lang at online ang si Admin Scary Spice, madalas pala itong mag online sa mga ganoong oras.

May nakausap at may duminig sakanyang mga kwento. At sinagot din siya nito tungkol sa mga ilang tanong na gumugulo sa kanyang isipan.

Bahagyang lumiwanag naman at gumaan ang kanyang loob ng bahagyang dalawin siya ng antok pasado alas tres na ng madaling araw.

Agad siyang nahiga at sinubukan muling matulog.

****

“teka, saan ba tayo pupunta” nagtataka at natatawa si Jam.

“basta malalaman mo rin naman eh”

“saan nga?”

“wag kang magulo, konti na lang malapit na tayo!”

Nakailang hakbang pa sila ay nandun na sila sa lugar na iyon.

“ba-kit dito mo ako dinala?!”

“wala namang masama ah!”

Agad-agad na hinalikan si Jam.

Pumalag ito ngunit sadyang malakas ang lalaki at hindi makawala sa kanyang mga bisig.

Nagmamakaawa si Jam ngunit hindi niya pinakinggan.

Sa isang bintana ay isang pares ng mga mata ang nakatunghay sa kanya.

Huli na ang lahat ng mapansin niya iyon.

Kaya pagkatapos mangyari ang hindi dapat mangyari ay agad siyang umalis sa bakanteng bahay na iyon at nilisan si Jam.

***

Krrrriiiiiiiiinggggggggggg…..krrrrinnnnnnnnngggggg ggg!!!

Kinaumagahan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Marenz.

“kasama mo ba si Jam Jed?”

“hindi bakit?”

“mag ma-malling kasi kami eh!”

“ah ganun ba?”

“okay sige, thanks. Kontakin ko na lang siya bye!”

***

Agad napabalikwas si Jed sa kanyang napanaginipan.

Pinagpapawisan siya ng malapot.

Namumutla siya at balisa.

Nasabunutan niya ang kanyang buhok.

****

Tok!! Tok!! Tok!!!!

“ate marenz!!! Ate marenz!!”tawag ng kanyang kapatid na si Felisa.

Tinatamad na bumangon si Marenz mula sa kanyang kama. Ilang oras palang kasi siyang nakakatulog.

“ano ba yun!”

Napagbuksan niya ang nagtataka at takot na takot na kapatid.

“ipinapatawag ka ni mommy at daddy”

Sa sinabi ng kapatid ay kinabahan siya.

“oh, eh bakit ka umiiyak?”

Tanging hikbi na lamang ang sinagot ni Felisa sa kanyang ate.

Mula sa taas ng hagdan ay dinig niya ang galit na tono ng kanyang ama.

“hindi mamamatay tao ang anak ko!” saad ng daddy Miguel niya.

Bahagya siyang napapikit ng mariin.

“marenz! Bumaba ka nga jan!” saad ng daddy niya.

“yes dad..” at dali-dali siyang bumaba mula sa hagdan.

“sinasabi nilang may kinalaman ka sa pagkamatay ni Jam? Totoo ba ito!”

“hindi dad! Hindi totoo!”

“pero may warrant of arrest po kami sir.”saad ng pulis.

Ipinakita ng pulis ang warrant of arrest sa daddy Miguel niya.

Wala itong nagawa.

Pinosasan siya at isinakay sa patrol car.

“may ilang katanungan lang po kami sa inyo miss Marenz de Silva.” Saad ng pulis.

Makakabalik rin ho kayo mamaya.

Sumama na lang po kayo ng maayos. At walang nagawa si Marenz kundi sumunod.


PART SIX



*****

Kakagising pa lamang ni Jed ng umagang iyon nang biglang magring ang cellphone niya.

Si Sherwin pala ang tumawag.

“pare, si marenz nasa kulungan!” ani Sherwin.

“ha? Papaanong nangyari yun?”

“kagabi kasi sa lamay ni Jam, nag pang-abot si Ruby at Marenz, pinagbintangan ni Ruby na si Marenz ang pumatay kay Jam kesyo siya ang huling nakasama nito. Kakatawag lang sa akin ng kapatid ni Marenz para ipaalam na hinuli siya ng pulis, kawawa nga eh..” saad ni Sherwin.

“o sige sige pare, dadaan na lang ako sa presinto mamaya pagkagaling ko ng simbahan.”

Lingo noon iyon at nakaugalian na niyang magsimba.

“hindi ka ba pupunta kina Jam? Bukas na ang libing niya ah.” Saad ni Sherwin.

“ano ka ba pare, syempre pupunta ako..mahal na mahal ko si Jam, maski hindi niya ako mahal..”saad niya sa napakahinang boses.

“pare may sinasabi ka ba?”

“ah wala wala!”

“o sige pare, bye muna see you later na lang!”

“okay bye.”

Iyon lamang ang naging usapan nila at agad na itong pinatay ang telepono.

Bumangon siya at nag inat. Pag yuko niya ng kanyang ulo ay napalundag siya pabalik sa kama dahil may na


  

Story Archive