Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Mga Putol na Kamay (Short Story)

Story Rating:

Nakatira kami noon sa Project 4 Quezon City sa bahay ng mga ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Note:    Ang karanasan na ito ay magkakadugtong dahil sila ay magkakasama .


BATA- kwento ni Aiza


NAKABITIN – kwento ni Angel (Pinsan ni Aiza)


TAGO - kwento ni Bong (kaibigan nina Aiza at Angel)


Magandang araw, nais kong ibahagi ang kwento ko noong minsan kaming pumunta sa katabing barangay namin upang manood ng basketball. Bale marami kaming magkakasama, ako na 17 yrs/old noon, ang mga pinsan ko na sina Rose (18), Angel (19) at Rem (16), kasama ang mga kaibigan namin na sina Bong (20), Suzette (16)at Caloy (18). Uso sa probinsya noon at hanggang ngayon na kapag malapit na ang Barangay Fiesta ay may palaro na Basketball. Malapit na noon ang Fiesta sa katabing Brgy namin kaya may palaro na.


Nagpaalam ako kina mama na sasama ako sa mga pinsan ko manood ng laro at dahil hindi naman delikado sa daraanan namin at dahil na rin sa marami akong kasama ay pinayagan niya ako. Sa barangay na iyon ay may tinatawag na “gate”. Ang totoo, literal na gate siya pero gate lang ng bakanteng lote. Gate ng mga puno at damo dahil wala namang bahay. Maraming kababalaghan ang nararanasan ng mga tao na dumaraan doon kya tampulan ng kwento. Pero ang kwento ko ay hindi tungkol sa gate, ikukwento iyon nina Bong at Angel. Dadaan kami doon at bago makarating sa basketball court. Umalis kami ng mga bandang alas 9 ng gabi at last game na ang panonoorin namin. Balak din kasi naming mag perya kaya ganoong oras na kami pumunta.


So ayun n nga, nang malapit na kami sa gate, nag desisyon kami na manahimik habang naglalakad bilang respeto sa mga nilalang na hindi nakikita. Dikit dikit kami habang naglalakad, matatawa na lang kami kasi kaming lahat ay takot na may makita o ano pa man. Successful naman yung daan namin doon at walang nakita. Nanood kami ng basketball at naglaro sa perya, nagkayaan na kaming umuwi. Mayroon doon isang bahay na malaki sa tabi ng daan at sa tapat ng bahay ay mayroon pang isang daanan. Kumbaga ay parang crossing. Yung dinadaanan namin ay main road at yung isang daanan ay parang iskinita pero madamo iyon at hindi sementado. Mayroon ding poste ng ilaw sa may intersection na iyon.


Habang nagkukwentuhan kami, medyo malayo pa kami sa bahay na iyon, pero tanaw na namin. May napansin akong bata na hubo’t hubad, nasa 3-4 years old. Binabato niya ang malaking bahay at tinatahulan naman siya ng mga aso sa loob nito. Sa isip ko, ‘makulit na bata ito at nambabato, Baka binabato ang mga aso’. Nang malapit n kami sa may malaking bahay, tumigil yung bata sa pag bato, at pumunta doon sa makipot na daan, at dahil hindi na nasisinagan ng ilaw yung daan na iyon, hindi ko na nakita kung nasaan siya. Nang nasa tapat na kami ng bahay, nilingon ko yung makipot na daan para tanawin yung bata pero wala na at madilim rin. Nag kibit balikat na lang ako at binalewala ang nakita ko. Nang makalayo na kami sa malaking bahay ng ilang hakbang, biglang nagsalita si Angel.


“ Grabe, alas dos y media na pala.”


“oo nga eh, nag enjoy tayo masyado haha” sagot ni Suzette


Nanlaki ang mata ko. Anong ginagawa ng 3-4 yrs old sa labas ng alas dos ng umaga?! Agad kong nilingon yung daanan, at lalo akong kinilabutan ng makita ko siya, sa tapat ng poste, nakatayo, duguan, maitim at malaki ang mata. Nakatitig sa akin, may hawak na bato na para bang babatuhin ako at nakangiti. Humigpit ang hawak ko kay Suzette na siyang kasabayan ko noon sa paglalakad.


“Problema mo?” tanong ni Suzette ng mapansin na humigpit hawak ko


“Wala." sagot ko kahit ang buong katawan ko ay lamig na lamig na sa takot.


Hanggang sa makauwi ay hindi ako lumingon. Nang makauwi na kami, tinanong ko sila.


“Guys, may napansin ba kayo na bata doon sa kulay blue na malaking bahay”? tanong ko


“Wala. Ano naman gagawin ng bata doon eh anong oras na.” Sagot ni Rose


"wala din ako nakita." sabi ni suzette at umiling din si Angel


“Ako meron.” Sumabat naman si Rem


“Nakita mo?!” agad kong tanong


“Yung batang lalaki n nakahubad na nambabato?” tanong din niya. Tumango  ako.


“Akala ko ako lang nakakita, kaya hindi na ako umimik, ikaw din pla. Nawala agad yung bata nung malapit na tayo diba.?” Ani ni Rem


“Oo” sagot ko  pero gusto ko pang sabihin  yung nakita ko nung lumingon ako.


“Sumunod siya satin ano ka ba, hanggang diyan sa may poste ng ilaw sa labas kaya nga hindi ako umiimik o tumitingin kanina sa'yo  habang naglalakad eh” sabi ni Rem


“Sakin? Bakit naman?” agad kong tanong.


“Kasi kanina nung napalingon ako sa'yo, nakita kong nasa tabi mo yung bata habang naglalakad at nakahawak sa damit mo!.” Sagot ni Rem na talaga namang nagpa tili sakin. Hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan ang naranasan kong iyon.


Mayroon din palang naranasan sina Angel at Bong habang kami ay naglalakad. Abangan niyo na lang ang post ko. 


Maraming Salamat.  J RedDragonfly


  

Story Archive