Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 3 user(s)


"At sino ang ipapabarang mo?"

"Ang kabit ng asawa ko!"

"Sigurado ka?"

"Oo! Buo na ang pasya ko."

"I mean, sigurado kang may kabit ang asawa mo?"

Sigurado nga ba si Emmy?

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap ng isang text message mula sa ewan niya kung sino. BANTAYAN MO ANG ASAWA MO!! At maski makalipas ang ilang oras at may nag-text uli para bawiin ang nasabi (SORRY PO WRONG SENT), naitanim na sa isip ni Emmy ang binhi ng pag-aalinlangan at wala na syang nagawa para pigilin ang pagyabong nito.

Maya't-maya'y titingin sya sa salamin, at madidismaya sya sa lumalaking mga braso, binti at puson. Hindi na nga sya ang sexyng babaeng pinakasalan ni Roger limang taon na ang nakalilipas. Si Emmy na punung-puno ng pag-asa noon, ngayo'y trenta anyos na't ibang-iba na ang pagtingin sa mundo. Mundong sa tingin nya'y maraming inagaw sa kanya: ang makapasa sa CPA board exam (kinailangan nyang magtrabaho agad pagkagraduate dahil walang-wala na ang pamilya nya noon); ang pagkakataong makapaglakbay (biglang hindi na nagpakita ang manliligaw nyang foreigner noon na nalaman na lang nyang nagpakasal na sa isang batchmate nyang nag-top sa board exam); at ang pinakamasaklap sa lahat, ang mabiyayaan ng kakayahang magkaanak.)

"Ang mahalaga ay magkasama tayo, ano ka ba," ang pag-aalo ni Roger habang pauwi sila mula sa pagpapa-check up. Isang taon na silang kasal noon nang maisipan nilang magpatingin na sa doktor. May abnormalidad sa matres ni Emmy. Kailanma'y hindi sya magiging ina.

Guard si Roger sa kolehiyong pinapasukan noon ni Emmy. Isa ito sa masugid na manliligaw nya bukod doon sa taksil na foreigner. Simula nang mawala na lang iyong parang bula, si Roger na lagi ang nakaalalay sa kanya. Di naglaon ay minahal niya rin si Roger, sinagot ito, at sila'y nagpakasal.

Lubhang naging napakahalaga sa  kanya si Roger. Bagamat sa umpisa'y mahirap ang buhay (guard pa rin si Roger at sya nama'y naging call center agent), hindi kailanman nawalan ng pag-asa si Emmy na pasasaan ba't giginhawa sila. Ang mahalaga'y magkasama sila ni Roger na bubuo ng pamilya.

Hanggang sa malaman nga ni Emmy ang masamang balita.

Nanatili namang mapagmahal sa kanya si Roger, pero si Emmy ay unti-unting nagbago ng ugali. Kapag wala syang pasok at si Roger naman ay nasa duty pa, imbes na maglibang-libang tulad nang dati (magbasa ng detective novels, sumagot ng crossword puzzles, manood ng sine), naging palaisip si Emmy at nagsimulang magresearch ng kung anu-ano sa internet gamit ang mobile phone.

Pilit nyang hinahanapan ng sagot ang kamalasang nangyari sa kanyang buhay.

At di gaya nang dating natutuwa sya sa swerte ng iba (mga ka-wave na agents na nakaka-hit ng metrics at nakakatanggap ng incentives), unti-unti syang naging walang pakialam, hanggang sa maging mainggitin, at ngayo'y mapag-isip na ng masama sa kapwa.

Hayup, mamatay ka na sana; mabangga sana ang kotse mo; matanggal ka sana sa trabaho...ilan lang ito sa madalas maglaro sa kanyang isipan sa tuwing maaagrabyado sya o makakarinig ng balitang di pabor sa kanya.

*******************

Tanging si Roger na pinakamamahal nya ang di nya napag-isipan ng masama. Hanggang sa matanggap nya ang text na iyon...

***********************
Gaya nang nakaugalian na, sa internet sya nagsaliksik ng sagot sa mga tanong:

*Mga senyales na nangangaliwa ang asawa
*May ibang babae na ba si mister?
*Mahal ka pa ba ng asawa mo?
*May ibang mahal na ba si mister?

Hindi niya matatanggap na may ibang mahal na si Roger. Mapapatay nya kung sinuman iyon.

Isang araw ay nagpaalam si Roger na may lalakarin. Pareho silang off noon at inaasahan nyang yayayain sya nitong lumabas, kaya ganun na lang ang pagkadismaya niya sa paalam nito.

Lalong umigting ang hinala ni Emmy. Nagpasya syang sundan nang palihim ang asawa.

Sa isang department store pumunta si Roger. Mukhang may binili itong regalo para sa kalaguyo.

Kinagabihan, habang naghihilik pa si Roger, dahan-dahang bumangon ang nagtutulug-tulugang si Emmy at hinalughog ang bag ng asawa. At naroon nga, nakasiksik sa mga damit, ang nakabalot nang kahon ng regalo, may card na nagsasabing: FOR MY ONLY LOVE.

*********************

"Paano mo ako natunton?"

"Nagsearch ako sa internet...dati di ako naniniwala sa mga kulam-kulam pero sa mga nabasa ko...

"Maraming site akong tiningnan...may isang pangalan ang nangingibabaw...Madam..."

"Mataas akong maningil."

"Alam ko. Handa akong magbayad."

"Wala nang atrasan ito, iha. Kapag naiusal ko na ang sumpa, hindi na ito mababawi. Pareho nang mabubulid sa impiyerno ang mga kaluluwa natin...ang sa akin matagal nang naroon...pero ang sa 'yo?"

"Wala na akong pakialam. Ang mahalaga lang sa akin ay magdusa ang babaeng minamahal ng asawa ko ngayon. Saka ko na poproblemahin ang kabilang buhay!"

"May dala ka bang gamit nya?"

"Ito. Ireregalo ng asawa ko sa kalaguyo nya. K-kinupit ko sa bag nya kagabi. Kanina'y umalis sya nang pagkasaya-saya. Wala syang malay na..."

"Akin na!"

"Ano...ano ang mangyayari sa babae?"

"Depende sa kung anong bigat ng kasalanan nya. Kung talagang minahal sya ni Roger, maaaring di nya makayanan ang kulam at mamatay sya, ngunit bago yun, malalasap muna niya ang isang nakaririmarim na parusa..."

**********************

Magaan ang loob na umuwi ng bahay si Emmy.

Pakiramdam nya'y nakagawa sya ng isang malaking tagumpay sa buhay. Humarap sya sa salamin at sinuklian ng matamis na ngiti ang repleksyon.

Mabilis daw tumalab ang kulam ni Madam, ang bulong nya sa sarili. Maya-maya lang ay mararamdaman na ng babae mo ang pait ng iyong pagtataksil. At humalakhak siya nang pagkalakas-lakas...

***********************

"Bakit pare?"

"Pare nawala yung regalo ko...sigurado ako isiniksik ko rito yun!"

"Regalo? Para kanino?"

"Para kay Emmy, kanino pa. Sosorpresahin ko sana pag-uwi. Anniversary namin ngayon!"

********************

Hindi maintindihan ni Emmy...bakit biglang sumakit ang tiyan nya...pakiramdam niya'y lumolobo iyon...

Namimilipit na tiningnan nya ang sarili sa salamin...lumalaki nga ang kanyang tiyan...tumili sya para humingi ng saklolo pero walang boses na lumabas...sa halip ay...ipis...isa...dalawa...sampu...isang daan...di mabilang na ipis ang nagsimulang lumabas sa kanyang bunganga...

At bago tuluyang sumabog ang kanyang tiyan, bago niya tuluyang isilang ang bunga ng kanyang panibugho, sa sandaling iyon ay natuklasan ni Emmy, (masakit pero pinilit nyang ngumiti)...sa kanyang kamatayan ay naunawaan nyang sya pa rin ang babaeng minahal ni Roger...

End


  

Story Archive