Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

"MAG INGAT SA MGA SANGLA TIRA"

Story Rating:

Mag ingat tayo sa mga kinikuha nating sangla tira. Gaya nala......

OUTING

Story Rating:

This is the first time that I will share creepy things durin......

HAUNTED HOUSE

Story Rating:

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Pathcuhay. Mero......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

Sundo

Story Rating:

Ang kwento ng aking ama bago siya namatay!...

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

Humihinga

Story Rating:

gusto ko lang i-share ang aking karanasan nung akoy medyo ba......

Babaeng nakaputi

Story Rating:

Ito ay nangyari sa aking pinagtatrabahuhan sa bandang taguig......

Multo sa kuwarto (Short Story)

Story Rating:

Noong na tutulog ako may naramdaman akong lamig sa paa ko, e......

First Ghost Encounter

Story Rating:

Napasunod na lang si Marie pero nang lumingon siya sa kanyan......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......

 Fiction Black lady sa Bahay

Story Rating:

I remember na Saturday pala ngayon. So Uuwi na ako samin kas......

 Fiction Kasakay

Story Rating:

Sabi ko imposible, nakasabay ko pa sya kanina sa dyip ng ala......

 Fiction Manananggal

Story Rating:

Ilang linggo palang nakakalipas ay nakaramdam na ako na may ......

 Fiction Ang Nakaputing Babae (Short Story)

Story Rating:

oong 2010 lumipat ang pamilya nina kuya ng bahay. Wala pa si......

 Fiction Sa Aming Bahay (Short Story)

Story Rating:

Minsan sa aming hagdan mayroon akong nakitang isang lalaking......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang supultorero si Ivan sa isang cemetery ng Laguna.Siya a......

 Fiction BARANG

Story Rating:

Nagsimula lang naman siyang magduda nang minsang makatanggap......

 Fiction Valentine Message

Story Rating:

"Look, hon, tingnan mo," nakangising sabi ng lalaki sa nobya......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Napasigaw siya nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi niya mabilang na kaluluwang nakaharang sa tulay. Matatalim ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya.

NABALITAAN ni Alex mula sa kanyang mga pinsan na may gaganaping street dance party sa kabilang bayan. Iyon daw ang unang pagkakataong magkakaroon ng ganoong event doon bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa taong iyon.

“Cool, guys,” masiglang sabi niya sa apat na pinsan. “Join tayo sa street party na `yon. Tiyak na masaya `yon. Maraming beses na akong naka-experience ng ganoong gimmick sa Manila at nag-enjoy talaga ako.”

Tikom ang mga labing nagtinginan ang kanyang mga pinsan. Napakunot ang kanyang noo. Ramdam niyang walang balak ang apat na pumunta sa street dance party na iyon. Ni hindi man lang niya kinabakasan ng excitement ang mga ito.

“Come on, guys. Don’t tell me na wala kayong balak sumama sa akin sa pagpunta roon?”

Sabay-sabay na umiling ang mga ito.

“Kuya Alex,” ani Karla, ang pinakabata sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang takot sa mukha nito. “Gusto sana naming pumunta roon kaya lang ay natatakot kami.”

“Kailangan kasi nating tumawid sa isang tulay para makapunta roon,” dagdag ni Ferdie at nagpakawala pa ng buntong-hininga. “Wala naman kasing ibang daan para makarating tayo sa street party kundi ‘yong tulay.”

“Ano naman kung dadaan tayo sa isang tulay?”

“Maraming kababalaghang nangyayari sa tulay, Alex,” sabi ni Dina na tila kinikilabutang nayakap pa ang sarili. “Walang tagarito ang hindi natatakot doon at talagang umiiwas na tumawid doon kapag gabi.”

“Maraming nangyaring aksidente sa tulay na `yon,” maagap namang dugtong ni Dindo. “Karamihang sangkot ay mga dayo o motoristang napapadaan doon kapag dis-oras ng gabi. At iisa ang kanilang sinasabing dahilan nakaranas daw sila ng kababalaghan sa tulay.”

Tumawa siya. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ng kanyang mga pinsan.

“Tigilan n’yo nga ako,” sabi niyang tinapik pa ang mga balikat nina Ferdie at Dindo. “Malayo na ang narating ng siyensiya at hindi na uso ang mga ganyang kuwento. Alam n’yo, pagtatawanan at mapapahiya lang kayo sa mga barkada ko sa Manila kapag narinig ang pinagsasasabi ninyo.”

“Hindi ka namin pipiliting maniwala, Kuya Alex,” nakangusong sabi ni Karla. “Pero nagsasabi kami ng totoo.”

“Kung kami ang masusunod, hindi ka namin papayagang pumunta sa party,” seryoso pa ring sabi ni Dindo. “Pero kung talagang gusto mo ay hindi ka naman namin mapipigilan. Ikaw ang may katawan, eh.”

“Hindi kita masasamahan, pinsan,” ani Ferdie. “Isipin mo nang duwag ako pero wala akong pakialam. Ayokong makipagsapalaran at baka `yon Pa ang maging mitsa ng buhay ko.”

“Labas din ako riyan,” segunda naman ni Dina. “Hindi ako sasama sa iyo, Alex, kahit gustung-gusto kong mag-joyride sa wheels mo. Hindi ko type makakita ng lumulutang na kabaong sa gitna ng Kalawang Bridge. O kaya naman ay makakita ng mga marahas na multong nagbabarikada sa gitna ng tulay para lang huwag kang makadaan o makalampas doon.”

Humalakhak siya. “Kung ayaw n’yong sumama, kaya kong mag-isa. And I assure you, mami-miss n’yo ang kalahati ng buhay n’yo.”

AMINADO si Alex na nakadama siya ng kakaiba kanina habang nagmamaneho ng kanyang kotse at dumaan sa tulay na kinatatakutan ng kanyang mga pinsan. Nang sandaling iyon ay wala naman sa isip niya ang tungkol sa naging paalala ng mga ito ngunit nakaranas talaga siya ng ganoong pakiramdam.

Hindi tuloy siya masyadong nakapag-enjoy sa dinaluhang street dance party dahil kahit ano ang gawin niya ay hindi niya maiwaksi ang pangamba.

Halos isang oras lamang siyang nakipagsayaw sa mga bagong kakilala at nagpasya na siyang umuwi. Nang magpaalam siya sa mga ito ay lalong nadagdagan ang kaba sa kanyang dibdib dahil seryosong nagbabala ang mga ito.

“Pati ba naman kayo?” aniyang sinikap huwag mahalata ng mga ito na natatakot na rin siya. “Wala bang ibang nasa isip ang mga tagarito kundi ang mga kababalaghang nagaganap sa Kalawang Bridge? Guys, tinatakot n’yo lang ang sarili ninyo.”

Tulad din ng mga pinsan niya ay seryoso ang mga ito at totoong nagmamalasakit sa kanya. Kaya nilisan niya ang lugar na iyon na abut-abot ang dasal na sana ay huwag siyang makaranas ng anumang kababalaghan sa tulay na kanyang daraanan.

“Oh, my God!” naibulalas niya nang malapit na siya sa Kalawang Bridge. Minsan pa kasing naghari sa kanya ang kakaibang pakiramdam. Pinagpawisan siya nang malamig. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kotse. “Ano’ng ibig sabihin ng pakiramdam na ito? Makikita ko na ba ang mga multo?”

Nang nasa bukana na siya ng tulay ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nasinagan ng headlights ng kanyang kotse ang nakahilerang mga ataul na nasa gitna niyon. May tig-iisang kandila sa ibabaw niyon. Biglang natapakan niya ang preno sa tindi ng takot. Kumurap-kurap siya at isiniksik niya sa kanyang isip na pinaglalaruan lang siya ng paningin niya. Subalit nabatid niyang totoo iyon nang manatili ang mga ataul sa harap niya. Napasigaw siya nang makitang unti-unting lumulutang ang mga iyon. Nanginig ang kanyang buong katawan. Tila ibig sumabog ng kanyang ulo. Nataranta siya at hindi niya malaman ang gagawin.

Nang papalapit na sa kanyang kotse ang mga ataul na lumulutang sa hangin ay bigla siyang napalingon sa likuran upang umatras sana. At minsan pa siyang napasigaw nang makita sa hulihan ng kanyang sasakyan ang hindi niya mabilang na kaluluwang nakaharang doon. Matatalim ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa kanya. Halos mapugto na ang kanyang hininga sa labis na takot.

Ginamit niya ang kanyang nalalabing lakas ng loob at pinaharurot ang sasakyan palayo ng lugar na iyon. Pikit-matang sinagasaan niya ang mga ataul na nakalutang katapat ng bumper ng kanyang kotse. Nang wala siyang naramdamang impact ay napadilat siya. Kapagkuwa’y tinapakan niya ang preno at humihingal na lumingon. Wala na ang mga ataul at mga multong naghatid sa kanya ng labis na takot.

“Lord, salamat at hindi ako napahamak. Totoo pala ang lahat…”

DAHIL naniniwala na si Alex sa nagaganap na kababalaghan sa tulay ay nag-usisa siya sa kanyang Lolo Tasyo tungkol sa bagay na iyon. Nalaman niya mula rito na noong panahon ng digmaan ay doon pinatay ng mga Hapon ang maraming Pilipinong ibig lisanin ang bayang iyon upang makalayo sa kalupitan ng mga ito. Kamatayan ang tinamo ng mga ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang mga kaluluwa ng mga ito.

Wakas.


  

Story Archive