Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Mga Bagay na Hindi Natin Maintindihan

Story Rating:

Isang araw ay sama-sama kaming kumakain ng tanghalian sa bah......

12Noon

Story Rating:

Lagi kaming tambay ng mga kaibigan ko sa rooftop ng building......

Siya pala

Story Rating:

December 6, 2016 nung namatay ang tatay ng kaklase namin na ......

Ang Matandang Kapit bahay

Story Rating:

Nakatira ang pamilya ko sa isang liblib bayan sa Cebu. Bago ......

Ang Bahay Sa Ilalim Ng Punong Mangga

Story Rating:

Bago palang kami lumipat doon, marami na ang nagsasabi samin......

Bangungot (True Story)

Story Rating:

Nangyari to last May 2017, when my friend and girlfriend wen......

Mga Bantay

Story Rating:

Pangalawang kwento ko ito tungkol sa kababalaghan sa aming b......

Tatlo (Boardinghouse Stories)

Story Rating:

Isang old house siya. As in old house, sa paligid niya maram......

ALARM CLOCK

Story Rating:

Day off, wala ako pamasahe umuwi ng probinsiya so I don't ha......

ambon

Story Rating:

This story actually happened last sept 27 2017 around 2:00 a......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......


Pinoy Horror Story


Ang malignong asawa


Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Ang ibabahagi kong kwento sainyo ay tungkol sa mahiwagang asawa ng aming landlady, Nawa'y inyong magustuhan. :)
Natatabingan ng ulap ang buwan. Nananaghoy ang kahol ng mga aso sa karimlan. Ayon sa mga paniniwala, sa ganitong panahon na papaliit na ang buwan, lumalabas ang mga maligno. Hindi na iyon pinag-uukulan ng pansin ng marami lalo na ng mga abala sa paghahanapbuhay. Wala na ang mga paniniwalang yaon sa makabagong pamumuhay sa umuunlad na kabihasnan. Sa bukid man, naiilawan na rin ng maliliwanag na bombilya ang mga bahay at ang dati’y madilim na kalsada ay naiilawan na rin. Wala na ang kinatatakutang pusikit na karimlan. Wala na rin ang tila daing na huni ng mga kuliglig at bibihira na ring makita ang mga alitaptap. Di gaya ng dati, wala nang dapat ikatakot ang mga ginagabi sa pag-uwi ng bahay. Huwebes ng araw na iyon at maagang nagsara ng tindahan ang aming landlady na si Ate Bea (totoo nyang pangalan) . Isa syang Iglesia kung kayat tuwing huwebes at sabado ay sumasamba sya. Sampung taon ng byuda si Ate Bea, may sariling pamilya narin ang kanyang nag-iisang anak na si Singkit. Madalas ay nag-iisa nalang siyang kumakain at walang kasabay. Tanging mga nangungupahan sa kanyang apartment ang kadalasang ka-kwentuhan nya. Noong gabing iyon, nakatingin sa malayo si Ate Bea habang nakaupo sa damuhan ng kanilang hardin. Walang buwan noon kaya't medyo madilim. Natanaw ko sya sa bintana ng aking kwarto, bakas sa mukha nya ang lungkot. Bagamat may edad na si Ate Bea, mababakas parin ang kagandahan sa maamo nyang mukha noong kabataan nya. Naalala ko tuloy ang mama ko sa kanya noong gabing iyon habang pinagmamasdan ko sya. Hindi ko namalayan mahigit kalahating oras ko na syang pinapanuod, dahilan upang magtaka ako kung bakit hindi parin sya umaalis roon. Maya-maya pa ay dumapo ang tingin sa akin ni ate Bea, napansin siguro nyang pinagmamasdan ko sya. Walang mababakas na emosyon sa mukha nya. Dali-dali kong sinara ang bintana ko dahil nakaramdam ako ng pagkailang. Ikinuwento ko ito sa aking asawa na si James. Bumaba kami ng apartment upang bumili ng makakain, bago pa man kami humakbang sa huling baitang ng hagdan nakarinig kami ng kaluskos sa di kalayuan. Dito huminto muna kami sa paglalakad, hanggang sa narinig namin ang isang magaspang na boses ng isang babae. Pamilyar ito sa amin. "dumating kana pala, ang tagal kong naghintay" Ilang segundo pa ang lumipas ng makilala namin ang tinig na iyon, Si ate Bea ang nagsasalita.Dahan-dahan kaming sumilip sa hardin. Halos mapasigaw kami sa nasaksihan namin, isang pangit na nilalang at nababalot ng kung anong itim na likido na animoy grasa ang lumabas sa ilalim ng lupa. Animoy hayop na walang utak at umalulong ito .Maliit lang itong lalaki, bansot kung baga. Malayo man kami sa kanila ay umaalingasaw ang amoy bulok na laman ng lalaki. Niyakap nito si ate Bea at hinagkan.Nangibabaw ang takot kaysa pandidiri ang naramdaman namin. Hindi na kami tumuloy lumabas bagkos ay tinungo nalang namin ang aming kwarto at nagtalukbong ng kumot.
Kinabukasan, masaya kaming binati ni Ate Bea at pinakilala ang kanyang pangalawang asawa. Nakasuot ito ng polo shirt at nakamaong. May nakapalibot na money-bag sa baywang nito. Walang itong itinugon kahit maliit na ngiti sa amin.Ang mukha nito ay naagnas na at umaalingasaw ang bulok na amoy ng singaw ng kanyang katawan. Kasalukuyang nagsasama parin sina ate bea at ang kanyang asawang maligno. Habang tumatagal ay lumalabas ang ugaling demonyo nito, tanging si ate Bea nalang ang aming iniisip para pakisamahan ang kanyang asawa. Dala narin ng pagmamalasakit namin kay ate Bea kumunsulta kami sa isang albularya. Si aling Ella, magaling itong albularya sa bayan namin. -----> abangan ang susunod na kabanata.

  

Story Archive