Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Mga Putol na Kamay (Short Story)

Story Rating:

Nakatira kami noon sa Project 4 Quezon City sa bahay ng mga ......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated 0(/5)
by 0 user(s)


Hello ulit mga readers!  Pangatlong share ko na itong kwento na ibabahagi ko.


Ako ay pinagpala na makapangasawa ng amerikano, kaya andito ako ngayon sa Amerika at pinalad din na makapagtrabaho sa isang community college.


Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang taon kong pagtatrabaho sa school, lumipat ng ibang trabaho ang boss kong babae. Ang sumunod na boss ko ay lalaki na, at tungkol sa kanya ang ikukwento ko.


Mabait din ang boss ko na ito, ang office nya eh bale nakapwesto sa likod ko. Nasa front desk kasi ako, kaya ang office ng boss ko eh katapat lang ng front desk pero ang pwesto ko eh nakatalikod sa office nya. Ang trabaho ko noon eh tuwing Martes, Huwebes at Sabado lang, kasi part time pa lang ako noon.


Teacher din ang boss ko at meron syang klase tuwing sabado. 7:30am ang start ng bukas ng mga lab kung saan ako nagtatrabaho, pero pag dating ko bago pa mag 7:30am, nasa office na ang boss ko, lagi sya maaga pumapasok pag sabado.


Isang sabado mga alas dos ng hapon nagpaalam na sya sa amin ng kasama ko sa work, sabi nya "goodbye ladies" pero kung bakit yung araw na yun eh parang ang lungkot ng mga mata nya, napansin din siguro yun ng katrabaho ko kasi tinanong nya ang boss ko kung okay lang sya. Lumapit sa amin ang boss ko at sabi na medyo may problema sya kasi pagdating daw nya kagabi sa bahay nya, basag ang salamin ng bintana nya, kaya pag uwi pa lang daw nya saka nya lilinisin, pero malungkot talaga sya. Tapos umalis na sya.


Kinaumagahan, linggo na yun, nag aayos na ako papuntang simbahan, nang bigla kong narinig ang asawa ko na sumigaw ng "no!!!", sabay lapit sa akin ng asawa ko na umiiyak, tinanong ko kung anong nangyari? Ang asawa ko kasi eh laging nagchecheck ng work email nya, at dun nga nya nabasa yung sulat ng dean namin na patay na daw ang boss namin, parehas kasi kami ng boss.


Nagulat ako kasi kausap lang namin ang boss namin kahapon (sabado). At nalaman namin na ang cause ng pagkamatay nya eh dahil sinaksak sya ng dati nyang kasama sa bahay na kaibigan nya. Yun palang basak na bintana nya sa bahay nung Byernes eh kagagawan ng kaibigan nya na pumasok sa bahay nya at nagtago sa isang closet nya. Siguro nung binuksan nya yung closet na yun, bigla na lang syang sinaksak nung kaibigan nya.


Kung paano nya naiwan yung office nya sa school eh ang tagal bago nagalaw yun. Ang pinagtataka lang namin eh yung computer nya, mula nang iniwan nya eh hindi namatay at hindi man lang gumana ang screen saver, at yung ilaw nya sa office nya eh may sensor, iilaw lang yun pag may tao, pero since wala nang nagbubukas nung office door nya, laging nakapatay din ang ilaw, pero may time na nagbubukas sindi ang ilaw at minsan kahit matagal nang nakapatay ang ilaw, bigla na lang bubukas, so ibig sabihin may nasense yung sensor na may tao sa loob. Mula noon, kahit 7:30am ang dapat bukas ng lab namin, lagi na ako nag aantay ng 8am pag mag kasama na ako bago ako pumasok, kasi sobrang natakot talaga ako. Nakakatakot, pero nakakalungkot din ang istorya ko ='(


Thank you for taking time reading my story.


 


  

Story Archive