Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Hi! Gusto ko lang ibahagi ang istorya ng kababalaghan na naranasan ko.


Nasa elementary pa lang ako noon nang lumipat kami sa isang bahay sa Quezon City. Hindi naman kami mayaman pero may mga kasambahay kami. Yung bahay na nalipatan namin eh may 2 kwarto sa taas, yung isang kwarto eh sobrang malaki, kaya pati mga kasambahay namin eh doon din natutulog. Ang mommy ko eh parang may 3rd eye ata, di ako sure kasi ayaw din nya bigyan ng pansin yun. Isang gabi, ako at yung 2 kasambahay namin eh andun sa malaking kwarto, dapat patulog na kami kaso nagkukwentuhan pa kami at nagtatawanan pa. Tapos narinig namin na may umaakyat sa hagdan, akala ko ang mommy ko at papagalitan kami kasi nga sobrang gabi na. Tapos biglang huminto ang mga yabag sa tapat ng kwarto namin, nagtalukbong kami ng kumot kasi ayaw namin mapagalitan. Pero walang nagbukas ng pinto, hindi naman nakalock ang pinto eh. Pero may kumatok nang tatlong beses sa pinto. Nung una, di naman kami natakot, kasi baka nga mommy ko lang at tinatakot lang kami, pero narinig namin ang mommy ko na nagtatype sa baba, kasi may ginagawang trabaho ang mommy ko, at mabilis sya magtype sa typewriter kaya naririnig namin. Dun na ako natakot kasi bakit hindi narinig ng mommy ko ang pagkatok. Kaya sinabihan ko yung dalawang kasambahay namin na bumaba kami at itatanong ko sa mommy ko.


Bumaba nga kami at tumakbo ako sa mommy ko at nagtanong sya kung bakit hindi pa kami natutulog, kinuwento ko ang nangyari. Sabi nya, "ah umakyat pala yun?" Sabi ko, "sino po ang umakyat?", sabi ng mommy ko, "may kumatok din dito sa pinto ng 3 beses, pero hindi ko pinansin kasi nakita ko ung anino na dumaan, yun pala umakyat at kumatok sa kwarto nyo?, ayan kasi eh eh, dapat natutulog na kayo, tinakot tuloy kayo!"


 


------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Eto pa ang isang karanasan sa parehong bahay:  Minsan pumunta kami sa kaarawan ng pinsan ko, ang naiwan sa bahay eh ung panganay na kapatid ng lola ko, ayaw nya kasi sumama eh.


Nakauwi kami ng mga alas sais na, nauna ako umuwi kasama ng mga kasambahay namin kasi maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Pagpasok namin sa gate, nakaupo sa labas ang kapatid ng lola ko ang nagpapaypay. Nagmano ako sa kanya at sinabi ko na aakyat na ako para gawin mga takdang aralin ko, pero nagpasama ako sa isang kasambahay namin. Pero bago kami umakyat, sabi ng lola ko, "o dahan dahan sa paghakbang at baka maapakan nyo ung pugot na ulo na kanina pa pagulong gulong pataas at pababa dyan sa hagdan" Sobrang kalmado lang ang lola ko at hindi ko man lang nakitaan ng pagkatakot. Pero ako at mga kasambahay namin eh sobrang takot na takot kahit di namin nakita ang pugot na ulo. Hindi na tuloy kami umakyat sa taas.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Parehong bahay pa rin: Tuwing may bisitang dumadating sa bahay namin, iisa lang ang tanong pag aalis na sila. Itatanong nila sa amin, "sino ba yung babaeng nakaputi na nakaupo sa hagdan nyo? Mahaba ang buhok nya." Kahit mga kaklase namin ng mga kapatid ko na pumupunta sa bahay namin, laging ang tanong tuwing aalis na sila, eh kung sino daw yung babaeng nakaupo sa hagdan? Wala man lang nakakita sa amin sa babaeng yun. Pero ang lagi ko noong sinasabi, sana wag sya magpakita sa akin, kasi sobrang matatakukin ako eh. At ang pinagtataka namin eh magtatanong lang ang mga bisita tungkol dun sa babaeng nakaputi pag paalis na sila. Minsan natanong ko kaklase ko kung bakit pag pauwi na sila saka lang sila magtatanong tungkol sa babae, ang sabi nya sa akin, "eh kasi nakalimutan ko eh, pero naalala ko pag paalis na ako". Tapos ganon din daw ang sabi ng mga kaklase ng mga kuya ko. Siguro ayaw nung babae na malaman namin na nagpapakita sya palagi sa mga bisita namin.


===========================================================


Parehong bahay pa rin:  Nung nakaisang buwan na kami na nakatira sa bahay na yan, nang lumabas kaming pamilya para mamasyal, may kapitbahay kaming nakasalubong at tinanong kami kung gaano na kami katagal na nakatira doon. Sabi nang mommy ko, isang buwan na. Nagulat sila at sinabi na kami lang daw ang nakatagal sa bahay na yan. Kasi lahat daw ng tumitira dyan, isang linggo pa lang eh umaalis na dahil madami daw nagpapakita sa bahay na yan. Noon daw kasi eh may binurol dyan na dating nangungupahan, sundalo daw yun. Nung namatay daw, sa bahay na yun ibinurol, pero wala man lang daw pamilya o kaibigan na pumunta, kaya yung may ari nang bahay ang nagpalibing sa kanya. Pero wala naman kami nakikitang lalaki na nagmumulto, babae lang ang nakikita ng mga bisita namin. Pero sa kusina namin, meron daw nakikita ang lola ko na nagkukuyakoy na binti ng lalaki na nakauniporme, pero binti lang na nakapatong sa malaking balde namin. At yung nagpakita din sa lola ko (nanay ng nanay ko), nung tinatawag nya ung isa pa nyang kapatid na nasa kwarto para kumain, eh babae din. Ang istorya nyan eh, umakyat ang lola ko sa kwarto para tawagin ang kapatid nya, nakita nya na nakaupo sa kama, kaya kinalabit nya at sinabi nya na bumaba na para kumain, tapos bumaba na ang lola ko. Pero pagbaba nya, nakita nya yung kapatid na galing sa labas, kaya tinanong nya kung bakit ang bilis naman bumaba nung kapatid nya?, nagtaka daw yung kapatid nya at sinabi na kanina pa daw sya na nasa labas. Kaya umakyat ulit ang lola ko sa kwarto para tignan kung sino yung babae, pagkita nya wala namang tao doon.


Salamat nang marami sa pagbasa ng mga kwento ko =)


 


 


 


  

Story Archive