Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Nung nag-OJT ako nung college, nakasama ko si Grace Reyes. isa rin syang estudyante kagaya ko, at dahil nga dalawa lang kaming OJT dun madali kaming naging close. Pero may iba kay Grace, na wala sa mga pang-karaniwang tulad ko.


May third eye sya.


At ikinwento nya sakin ang mga nakikita nya.


1. Isang gabi noong 6 years old palang sya, umuulan, brownout. Lumabas si Grace ng kwarto at sumilip sa kusina. May nakita syang taong naka-puti, inakala nyang nanay nya yun. 


"Mama anong ulam?" tanong nya.


Pero hindi sumagot ang Mama nya. Pumunta sya sa kusina. Wala dun ang nanay nya, bagkus isang lalaki ang nakita nya dun. Naka-suot ng puting barong. Kamukhang kamukha nito ang kanyang Mama. May bulak ito sa noo. Nakatingin ito sa kanya, umiiyak. Napaka-lungkot ng itsura ng lalaking yun sabi ni Grace, tipong nararamdaman din nyang parang gusto nyang umiyak at damayan ito. Narinig nyang bumukas ang pinto. Kasabay non nawala ang lalaking nakita nya. Pumasok ang nanay nya.


"Mama san ka galing, akala ko andito ka sa kusina"


"Bumili ako ng ulam sa karinderia"


At ikinwento nya sa nanay nya ang nakita. Tinignan ng Mama nya ang kalendaryong nakasabit at saka napaluha.


"Anibersaryo pala ng kamatayan ng tito mo. Ni hindi ko man lang nadalaw sa puntod o naipag-padasal sa simbahan."


Kwento ng mama nya, natagpuan na lang ang bangkay ng tito nya (kapatid ng mama nya) sa sementeryong malapit sa kanila, katabi ang isa pang bangkay ng hindi kilalang lalaki. Ang naging usapan ay sinalvage daw ito. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung sino at bakit pinatay ang tito nya na wala namang kaaway sa lugar nila.


Ang ipinagtataka ng mama nya, paanong nalaman ni Grace ang itsura ng tito nya samantalang nung namatay ito ay hindi pa naipa-panganak si Grace. Inisip daw ng nanay nya na baka nag-iimbento sya, pero nang i-describe nya ang itsura nito ganun daw nga ang itsura ng tito nya sa mismong kabaong noong ito ay ilibing.


Nagsalita pa si Grace.


"Mama sabi sakin ng lalaki, pauwi na daw sya nung may marinig syang ingay sa sementeryo. Tinignan daw nya. Nakita nya binaril ng mga lalaki yung isang lalaking naka-luhod. Tumakbo daw sya agad pero nakita nila sya. Hinabol daw sya, tapos nung naabutan sya binaril daw sya sa ulo"


Nanlaki ang mga mata ng nanay ni Grace. Napahagulgol na niyakap ang anak. Ngayon malinaw na ang totoong nangyari sa tito nya, na ang tanging pagkakamali ay ang maka-saksi ng isang krimeng hindi dapat nya nakita.


 


2. Sabi ni Grace kadalasan daw hindi nya alam na multo na pala ang kaharap nya. Mukha daw kasing pang-karaniwang tao lang din ang ibang multo. 


Minsan habang nagka-klase may isang babaeng pumasok sa classroom nila. Hindi ito pinansin ng adviser nilang nasa harap. Inisip nya isa itong visiting teacher mula sa ibang school. Tumayo ito sa gilid ng blackboard, at maya maya ay nagsalita, animo'y naglelecture din. 


Habang nagle-lecture ang visiting teacher ay hindi rin naman tumitigil sa pagsasalita ang kanilang adviser. Nagtaas sya ng kamay.


"Ma'am sorry po, hindi ko po naintindihan yung solution. Sabay po kasi kayong nagsasalita ni Ma'am" 


Saglit na natahimik ang adviser nila.


"I'm sorry Grace, kasabay akong nagsasalita nino?"


"Ni Ma'am po", nahihiyang itinuro ni Grace ang isa pang teacher na nakatayo sa gilid ng blackboard at nakatingin lang sa kanya.


"Grace, walang ibang Ma'am dito kundi ako lang. Nasa gitna tayo ng klase ha. Isa pa, palalabasin na kita!" galit na sabi ng teacher nya.


Nagtataka man, yumuko nalang si Grace na napahiya. Tinignan nya ang teacher na nasa gilid ng blackboard, nagsasalita ulit ito, nagle-lecture. Nilibot nya ng tingin ang buong klase. Ang lahat ay nakikinig sa teacher nila at walang pumapansin sa teacher sa gilid. Maya maya rin lumabas na ito.


Nung pinag-tanong tanong nya sa mga kaklase at ibang teacher ang itsura ng babaeng nakita nya, nalaman nyang ito ang dating principal ng school nila. Ipinakita ng isang teacher ang picture nito noong ito'y nabubuhay pa. At walang duda, yun nga ang babaeng nakita nyang pumasok at nag-lecture sa klase nila.


Doon nya na-realize na nakikita nga nya ang kaluluwa ng mga namatay na.


 


3. Noong nag-o-OJT kami ni Grace, iniiwasan ko ang CR sa 6th floor kasi napaka-baho. Amoy dugo. Minsan nagpasama mag-CR si Grace, niyaya nya ko sa 8th floor.


"Bakit sa 8th floor pa tayo magsi-CR? Iniiwasan mo din yung sa 6th floor no? Ang baho kasi eh" sabi ko.


"May namatay dun. Punong puno ng dugo ang CR na yun" seryosong sabi ni Grace. Nagulat naman ako kasi hindi ko ineexpect na ganun ang sasabihin nya.


Kwento nya, nung first day nya sa OJT, nag-CR sya dun. Pagpasok nya, may isang babaeng sumulpot kung saan, parang tumagos sa pader. Tumakbo ito papunta sa isa sa mga cubicle. Hindi nya yun pinansin at pumasok na rin sya sa isa pang cubicle para umihi. Habang nasa loob sya naririnig nyang umiiyak ang babae. Pinapalo pa nito ang walls ng cubicle na parang galit na galit. 


Lumabas sya ng cubicle, naghugas ng kamay, at sinulyapan ang cubicle na kinaroroonan ng babae. Medyo nakabukas ang pinto ng cubicle nito, nasilip nyang nakalupasay na ang babae sa sahig. Lumapit sya, dahan dahang binuksan ang pinto. Nag-aalala dahil baka napano ang babae. Nagulat sya nang makita punong punong ng dugo ang buong cubicle. Sa paanan ng babae ay isang fetus na nakakabit pa ang pusod. Biglang dumilat ang babae at nagsalita.


"Ang anak ko! Tulungan mo kami. Pinaglaglag nila ang anak ko!"


Napa-atras sya sa takot! Lalo pa syang natakot nang sa paglingon ay nakita nyang punong puno na rin ng dugo ang buong CR! Ang mga dingding, mga pinto, sahig, pati ang kaninang malinis na salamin at lababo ay puro dugo! Kasabay non naririnig pa nya ang iyak ng babae. 


Pumikit sya takot! Napa-upo. Nagtakip ng tenga. Takot na takot sya pero pinilit nyang taimtim na magdasal. Muntik pa syang mapasigaw nang maramdamang may kamay na kumapit sa balikat nya.


"Miss, okay ka lang?"


Nagmulat sya ng mata. Tumingala si Grace at nakita ang 3 babaeng empleyado. Wala na ang mga dugo sa paligid. Wala na rin ang babae at ang fetus, pati ang iyak nito ay hindi na nya naririnig. Tumayo sya.


"Gusto mo samahan ka namin sa clinic" tanong ng isang babae.


Tumanggi sya. Nagpasalamat saglit at dali-daling lumabas ng CR. Mula non hinding hindi na sya pumasok sa CR na yun.


 


4. Nasa 7 years old daw si Grace at naglalaro sa tapat ng bahay nila ng mapansin nyang nawawala ang headband nya. Maya-maya may narinig syang sumisitsit.


"Pssst. Nene ito ba ang hinahanap mo?"


Lumingon sya sa nagsalita. Nakita nya ang isang matandang lalaki. Hawak ang headband nya.


"Halika, kunin mo," naglakad daw ito papasok sa nakabukas na gate ng bahay na katabi lang ng bahay nila. Sumunod naman daw sya. Pumasok ang matanda sa nakabukas na pinto ng bahay at sumunod pa rin sya. Nakita nya madilim sa loob ng bahay, nakaupo ang matanda sa harap ng piano, tumutugtog. 


Maya-maya tumayo ang matanda, lumakad papunta sa sala, at humiga sa mahabang sofa. Pumikit na animo'y natutulog habang hawak ang headband nya. Dahan dahan syang lumapit, hinawakan ang headband at unti-unting hinila yun habang nakatitig sya sa mukha ng matandang natutulog. 


Laking gulat daw nya nang biglang dumilat ang matanda! Hinawakan nang mahigpit ang braso nya! Sa takot, hinila ni Grace ang braso nya at headband at kumaripas ng takbo palabas sa bahay. Doon sya naabutan ng nanay nya at niyakap sya. Katabi ng nanay nya ang kapit-bahay nilang lalaki.


"Anong nangyari?!" natatakot na tanong ng mama nya. Nasa loob pa rin sila ng bakuran ng bahay.


"May matanda Mama!!"


"Paano ka nakapunta dito anak?!" takang-taka ang nanay nya.


"Mama, yung matandang nasa loob nakakatakot! Pinapasok ako sa gate saka sa bahay"


"Susmaryosep!" nag-sign of the cross ang lalaking kapitbahay. "Halika na lumabas na tayo dito!"


Nilingon ni Grace ang bahay. Sarado ang pinto nitong puro agiw na at may malaking kandado. Binuhat sya ng kanyang Mama at pinagtulungan nila ng kapitbahay na itawid sya sa itaas ng gate ng bahay, na matagal nang naka-kadena at naka-kandado. 


Nilagnat daw sya pagkatapos non. At hanggang ngayong matanda sa si Grace, sa tuwing mapapag-kwentuhan nilang mag-ina ang nangyaring yun, hindi pa rin ubos maisip ng nanay nya kung paanong nakapasok si Grace sa bahay na yun. Simula nang lumipat sila don ay abandonado na ang bahay, hindi na nabubuksan ang pinto nito sa tagal ng panahon, at matagal nang naka-kadena ang hindi na nabubuksang gate nito! Inakyat pa ng mama nya at ng kapitbahay nilang lalaki ang naka-saradong gate nang makita sya ng mga itong umiiyak sa loob ng bakuran ng bahay.


Pero hindi nagbabago ang kwento ni Grace, yun ay ang nakita nyang bukas ang gate, at pinapasok sya ng matanda sa loob ng bahay.


 


5. Naka-ugalian na ni Grace tuwing umaga na bago pumasok sa classroom ay silipin muna ang pinsang babae na nasa katabing classroom lang din. May teacher na sila Anika sa loob at nag-start na ang klase. Nakita nyang nakaupo ito sa usual nitong upuan sa unahan at nasa sahig ang bag. Pero napa-kunot ang noo nya nang mapansing walang ulo si Anika! 


"Hoy!" hinila sya ng kaklase nya "Tara na, late na tayo!" at dumiretso na nga sila sa classroom nila.


Nasa kalagitnaan sila ng klase nang mag-ring ang phone nya, mama nya ang tumatawag. Sinagot nya ang phone after nya mag-excuse sa teacher.


"Mama nasa klase po ako", sabi ni Grace.


"Grace, wala na ang pinsan mo!" umiiyak na sabi ng Mama nya sa kabilang linya.


"Huh? Ano po?!"


"Si Anika, wala na. Patay na ang pinsan mo!"


"Paano po? Andito po sya school eh"


"Nandito kami sa ospital ng tita mo. Hindi na nakarating si Anika sa school. Nasagasaan!"


Naghihintay daw ng masasakyan si Anika nang isang jeep ang mawalan ng control at sinagasa ang lahat ng nakatambay sa waiting shed. Si Anika ang napuruhan, pumailalim at nakaladkad. Nahiwa at bumuka daw ang tyan nito. Dead on the spot ang pinsan nyang hindi na umabot sa eskwelahan.


Yun ang unang beses na nakakita ng taong walang ulo si Grace, at hindi yun ang huli.


  

Story Archive