Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

At The Kids' Camp

Story Rating:

This story happened last Friday (May 31, 2019) to my mother ......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

mauulan pa rin at malamig pa rin ang month n yun. 3rd week n......

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)



I wrote this story 2 days after it happened to me while I was working in Saudi Arabia sometime 2006. I posted this in another popular Filipino forum site and I just want to share it with you, my ka-PU's! Enjoy! - AP


Mga alas-8 pa lang ng gabi. Pero "patay" na ang atmosphere ng flat namin. Siguro dahil Linggo, second day of the week para sa aming mga nagtatrabaho dito sa Saudi. Pangalawang araw ng linggo kaya marami pang trabaho. Pagod lahat ang mga ka-flat ko. Baka naghihilik na nga yung iba. Ako naman sa room ko, nagpapahinga na ng mga oras na iyon. Kakatapos ko lang kumain at kasalukuyang naglalaro ng PS2.

Naalala ko bigla na hindi pala ako nakapaglaba ng mga damit ko nung weekend. Kaya lumabas ako ng kuwarto para tignan ang Laundry Room kung may bakanteng washing machine. Papunta sa Laundry Room, kailangan ko pang daanan ang 3 pintuan (mga dorm room din), at lumiko pakaliwa papunta sa pintuan ng mga elevator. Lalagpas ka pa ng elevators para makarating sa pintuan ng Laundry Room. "Ayos," sabi ko sa sarili, "bakante lahat ang mga washer at mga dryer." Ang ibig sabihin, mabilis akong makakatapos maglaba.

Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ang mga labahin ko. Isang washer ang magagamit ko para sa mga puti at isa naman para sa mga de-kolor. Nagkandahulog-hulog pa yung mga damit ko sa hallway sa kakamadali. Ayaw ko kasing maunahan sa washer. Gusto ko kasing matulog nang maaga. Kaya pagkahulog ng mga damit sa mga washer, takbo ulit ako sa kuwarto para balikan ang isang timba na ginawa kong lalagyan ng sabon at isang galong fabric softener. Isi-net ko ang timer at dali-dali na akong bumalik sa harapan ng TV para maglaro ng PS2. In-alarm ko ang cellphone ko para hindi ko makalimutan na lumabas at kunin ang mga damit para ilipat sa dryer.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Shit!" Napaigtad pa ako sa gulat. Nag-alarm na ang cellphone ko. Oras na para lumabas at kunin ang mga nilabhan. Malamig na sa hallway dahil winter na dito sa Taif (opo, may winter po kami dito sa Taif, KSA). Kaya isinuot ko muna ang pinakamakapal kong jacket. Marahan pang umiihip ang hangin papasok sa hallway kaya tinungo ko ang main door ng flat namin para isarado. Ayaw kong maging yelo pagtulog ko.

Hindi ko marinig kahit ang mga sarili kong yabag dahil carpeted ang hallway. Pasipol-sipol akong naglakad papunta sa Laundry Room. Pagliko ko sa may elevator ay nagulat ako sa aking nakita. May babaeng nakasuot ng "abaya" (kulay itim na parang long gown na isinusuot ng mga babae dito para takpan ang katawan nila kasama ang mga braso at mga binti) na may patong na winter jacket na mapusyaw ang pagka-orange. Abot-balikat ang buhok niya at hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya at natatakpan ang mukha niya ng nakalugay niyang buhok.

"Miss? Bawal dito sa men's dorm...," sabi ko. Hindi siya kumibo. Nakalapat lang ang noo niya sa pintuan ng isa sa dalawang elevator. Sa totoo lang... yun ang ikinagulat ko. May babae sa mens' dorm! Bahala ka ngang mahuli ng security guards dyan... isip-isip ko. Nilingon ko siyang muli bago ako pumasok sa Laundry Room dahil dahil parang naaawa ako sa kanya. Parang umiiyak kasi siya. "Sino naman kaya ang boyfriend nito at pinapunta pa sa dorm itong babae? Tapos paiiyakin pa?!" tanong ko sa sarili ko.

Sinilip ko ang washer. Umiikot pa ang isa sa dalawa dito kaya tumambay muna ako sa Laundry Room. Inisip ko ulit ang babaeng nadaanan ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may mali sa nakita ko. Nang sumagi iyon sa isip ko'y bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko. Pakiramdam ko'y may naglalagay ng yelo sa batok ko. Muli akong lumabas at sinilip ang harapan ng elevator. Nandun pa nga ang babae. Tinignan ko ang pindutan ng elevator upang makita kung tama ang napansin ko kanina. Hindi nga niya pinidot ang switch. Patuloy pa rin sa paggalaw ang balikat niya. Para siyang umiiyak pero hindi ko naman marinig ang mga hikbi niya. "Miss?" tawag ko sa kanya. "Miss, may problema ba?" tanong ko ulit. Hindi siya sumasagot. Napatingin ako sa paanan niya.

Nanlamig ako sa nakita ko at parang nakapako ang mga paa ko sa sahig. Hindi din ako makapagsalita kahit parang gusto kong sumigaw. Wala siyang paa! Lumulutang sa hangin ang babae! Nakatitig lang ako sa kanya at pakiramdam ko'y ilang oras na akong nakatayo dun.

Unti-unting gumalaw ang ulo niya... Lilingon siya sakin! Ayoko! Ayokong makita ang mukha niya! Tumakbo ako pabalik sa kuwarto ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at malapot pero parang ang layo ng tinatakbo ko. "Shit, shit!" yun na lang ang nasabi ko. Lumiko ako sa may hallway namin ng...

Nasa tapat ng pintuan ko ang babae! Nakahawak siya sa door knob at katulad ng sa elevator... nakadikit ang noo niya sa pintuan. "Put@ng-!na!" sigaw ko. Bigla siyang nawala na parang bula at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko! "Aaaaaahhhhh!" ang sigaw ko nang pagkalakas-lakas.

"'Tol, sinong kaaway mo?" tanong ni Rommel, isa sa mga ka-flat ko. "Wa-Wala pare. May nakita lang ako..." sagot ko. "Nagpakita sayo si Mildred, ano?" tanong niya sakin. "Sinong Mildred?" tanong ko. At ikinuwento niya sa akin...


Si Mildred pala, ang multong nagparamdam sa akin, ay Pilipina na namatay sa dormitory namin nung 1998. Madalas daw nilang ginagawa ng boyfriend niya na nakatira sa building namin ang pagpuslit nang ganun ng babae para dun matulog sa kuwarto ng nobyo niya. Isang araw daw, ayon kay Rommel, ay inabot si Mildred ng sikat ng araw sa kuwarto ng nobyo kaya't umabsent na lang ito. Iniwan siyang mag-isa sa kuwarto ng nobyo niya dahil hinanap ang lalaki sa opisina. Matagal nang nati-tsismis ang mag-nobyo sa gawain nila. Bigla na lang may umakyat na tatlong security guards na mga Arabo sa kuwarto ng nobyo ni Mildred habang nandoon siya. Pwersahan na binuksan ang pinto at nahuli siya. Sabi ng mga saksi sa labas ng gusali ay nakita nilang tumalon si Mildred mula sa bintana ng kuwarto ng nobyo niya sa ika-anim na palapag habang pinipigilan siya ng mga sundalong Saudis. Punit punit na raw noon ang pang-itaas na damit ni Mildred kaya may hinala ang Filipino Community na nais siyang gahasain sa kuwarto ng nobyo niya kaya siya tumalon sa bintana. Patay agad si Mildred pagbagsak niya.

Makalipas ang dalawang araw ay tumalon ang isang lalaki mula sa tuktok ng katabing gusali na kinamatayan ni Mildred. Iyon daw ang nababalitang masugid na manliligaw ni Mildred na katrabaho niya. Ang kuwento-kuwento'y nagseselos ito sa matamis na pagtitinginan ni Mildred at ng nobyo. Lalo pa nang kumalat ang tsismis na natutulog si Mildred sa kuwarto ng nobyo niya. Ayon sa kumalat na balita ay ito raw ang "nag-tip" na nasa kuwarto ng nobyo niya si Mildred nang hindi ito pumasok. Ang akala niya'y nandoon ang nobyo ni Mildred at mapapauwi lamang sila ng Pinas. Naging tulala raw ito nang malaman ang kamatayan ni Mildred at lalo na nang malaman nito kung bakit ito tumalon tungo sa kanyang kamatayan.

Nang malaman ko ang kuwento nito'y nabawasan na ang takot ko. Nag-alay na lang ako ng panalangin para kay Mildred... at sana'y huwag na siyang magpakita pang muli sa akin...


  

Story Archive