Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

Creepy Stories (Part 12)

Story Rating:

Nagtatrabaho ako noon sa isang opisina sa Ortigas. Meron kam......

Katok (based on personal experience)

Story Rating:

...

SPIDERMAN

Story Rating:

Hello po sa inyo! Ako nga po pala si Jeff, gusto ko lang po ......

Selos (2)

Story Rating:

Continuation ito ng kwento ko tungkol sa experience ko ditto......

Selos

Story Rating:

Hatinggabi na ng matapos ung movie ng mapansin kong nakatulo......

Pssst... I heard it too!

Story Rating:

This story is not really a terrifying one. It was one of tho......

Totoo talaga ang aswang own experienced

Story Rating:

September 8, 2017 dito nagsimula lahat around 10:00 pm hindi......

APARTMENT FOR RENT

Story Rating:

Madami ng cobwebs sa loob kasi raw matagal na siyang di nabu......

Basement

Story Rating:

Bata pa lang ako ay nakakaramdam nako ng mga kakaibang bagay......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Matagal na kong wala sa serbisyo bilang isang sakristan, employed narin ako. Mahabang panahon na ang nakalilipas ngunit hindi ko malilimutan ang mga panahon nayon. Ako ang tumayong leader ng grupo namin sa isang simbahan sa San Mateo, Rizal. Lagi akong naiiwan sa simbahan para magligpit at minsan nga ay doon pa ako natutulog upang magbantay dahil nung mga panahong yun ay ginagawa ang aming parokya. Minsan ay may lumapit sa akin na isang binatilyo para sumali sa ministry namin, galing daw sya sa isang mallit na parokya sa Valenzuela. Sa pagpapakilala nya ay isa raw syang adviser sa pinanggalingan nya kaya naman nilagay ko sya agad sa isang antas na tanging para lamang sa mga bihasang sakristan. Mula pa sa umpisa ay may kakaiba na sa kanyang mga ikinikilos at mga pananalita. Isang umaga ay ginising ako ng isang masamang panaginip, sa simbahan ako natulog nung gabing yon, naghahanda na ako para sa misa ng umaga nang bigla syang dumating. Sabi nya, "Kuya ang tahimik mo pala matulog, hindi ka pala malikot." Nagtataka ako sa sinabi nyang yon at tinanong ko kung pano nya nalaman. Ayon sa kanya ay nakikita daw nya ako dahil galing sya sa likod ng simbahan nung gabing yon. Kinilabutan ako agad, bakit, dahil ang likod ng simbahan ang may malalim na hukay gawa ng konstruksyon na hindi pa natatapos. Binalewala ko muna iyon at niyaya ko syang mag-almusal. Lumipas ang mga araw at tinamaan ng matinding tag-ulan ang aming lugar, dahil doon ay nagpaalam sya na baka pwedeng doon muna sya matulog sa aming kwarto sa simbahan, pinayagan ko naman sya. 


Pagkatapos ng misa nung gabing yon ay nagliligpit na ako. Habang itinatabi ko ang mga gamit ay nakarinig ako ng isang kuliling ng bell malapit sa bukana ng simbahan. Napatingin ako sa sacristy at nakita ko namang nandon ang bell namin at ako pa nga ang naglagay non doon. 


Hindi ako mapakali at medyo natatakot narin ako kaya naman pumasok nako sa kwarto ngunit hindi ko nakita roon ang aking kasakristan. Nangamba ako para sa kanya lalo na't napakadilim at hindi nya pa kabisado ang aming lugar dahil nga bago palang sya roon. Palakas ng palakas ang ulan at kumikidlat pa kaya naman nagpasya na akong hanapin sya sa labas. Paikot-ikot ako ngunit hindi ko makita kung nasan sya hanggang sa naiisip ko kung san ko sya pupuntahan. Laking gulat ko nang makita ko sya sa likod ng simbahan, nakatayo malapit sa hukay at tila wala sa sariling nakatitig doon! Kinikilabutan na ako ng sobra ngunit ng makita kong unti unti syang lumalapit sa napakalalim na hukay ay patakbo akong pinigilan sya. Pag hila ko sa kanya ay napatingin sya sakin, malalim ang kanyang titig ngunit nakinig sya sakin na pumasok na sa simbahan. Kinabuhkasan ay pinulong ko ang mga officers, pinag-usapan namin sya at napagpasyahan namin na alamin kung saan talaga sya galing. Inalala ko lahat ng kwento nya sakin nung nag-aapply sya kaya nammn kasama ang aming vice president ay pinuntahan namin ang lugar kung saan sya nanggaling. Nagkaliligaw-ligaw kami sa layo ng lugar, nang marating namin ang simbahan ay hindi na kami nagpatagal pa at hinanap namin ang leader ng mga sakristan doon. Hindi namin matukoy agad kung sino sya, binanggit namin ang kanyang pangalan ngunit hindi sya makilala ng kagit sinong sakristan doon, sa tagal nang aming pagsasaliksik ay may dumating na isang lay minister na pumunta lang sa simbahan nung araw nayon para kumuha ng schedule. Narinig pala nya ang usapan namin at nakisali sya, ayon sa kanya ay kilala nya ang aming tinutukoy. Isa raw itong dating sakristan sa kanilang parokya na lubhang napakamisteryoso. Ka-batch daw nya ito noon. Minsan daw, kahit saradong sarado ang simbahan ay nakikita ito ng mga tao sa loob na palakad-lakad may labing limang taon na ang nakakalipas. Nanginig ako sa kilabot! Bakit tila ka-edad ko lang sya kung ganon na pala katagal ang nangyari at kabatch pa sya ng isang lay minister?! Ipinakita nya sa amin ang isang larawan na nagpatunay na sya nga ang aming tinutukoy. Hindi na daw nakakapagtaka ang aming pakay dahil marami na daw ang pumunta sa kanila upang hanapin ang pagkakakilanlan ng sakristan na ito ngunit ang pinaka-nakakapangilabot ay nang sabihin nyang ito daw ay patay na at sa kanila daw ito huling nakapagserve. Wala ni isa man ang nakatukoy sa kamatayan ng sakristan na naganap sa likuran ng kanilang simbahan. Hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko kaya naman pag tapos ng aming mga natuklasan ay agad kaming umuwi at bumalik sa aming parokya. Nagpasya kami ng aking kasama na hindi muna ipaalam kahit kanino ang aming natuklasan. Inantay ko buong araw at buong gabi ang aking bagong kasakristan ngunit hindi na sya nagbalik, kaya naman nagpasya na akong sabihin ito sa aming meetings lalo na sa aming spiritual director na isang pari. Hindi na nga sya bumalik.


Makalipas ang ilang linggo ay may tumawag sakin mula sa ministry sa kabilang parokya na nagtatanong tungkol sa kanya dahil ayon sa kanila ay nasa kanila na ang misteryosong sakristan na matagal na daw patay kaya naman agad akong pumunta sa simbahan na yon at pinag-usapan namin ang tungkol dito. 


Sa totoo lang ay kilala ako bilang isa sa pinakamahigpit na leader ng mga sakristan kaya nagtataka ang mga officers namin kung bakit ang dali kong tinanggap ang bagong salta at nilagay ko pa sa isang mataas na posisyon ngunit sa totoo lang, kahit ako sa sarili ko ay nagtataka.


Wala na akong balita sa dati kong minahal na ministry ng mga sakristan ngunit dasal ko na lang na sana ay lagi silang ligtas at huwag nang balikan ng mga ganitong kakatwang bagay. Sana ay laging ligtas ang aking mga kasakristan.


  

Story Archive