Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira na isang lalaki na pangangaso ang ginagawang kabuhayan. Mag-isa syang nakatira sa bundok kasama ang kanyang tatlong anak. Biyudo na ang lalaki sa asawa at magisa nya na lang na tinataguyod ang kaniyang mga supling. Isang araw, malakas na binabayo ng hangin at ulan ang bundok na kung saan nakatira ang lalaki. Kahit na masama ang timpla ng panahon, nagbakasakali siya na may mahuhuli na usa or kaya naman ibon na maari nyang katayin para maipagbili ang karne sa bayan. Kailangan nya ng pera upang mabuhay sila ng kanyang mga anak. Ngunit sa kasamaang palad, nabigo ang lalaki na makahuli ng kahit anumang hayop. Marahil ay dahil na rin sa di mabuting panahon, nakakubli ang lahat ng hayop sa bundok at wala ni isang nahuli ang kanyang mga patibong. Mabigat ang loob ng lalaki na binagtas pauwi ang kanyang tirahan.


Habang naglalakad, nakarinig ang lalaki ng impit na mga iyak. Natigilan ang lalaki sa paglalakad at nakinig ng mabuti. Mistulang isang maliit na nilalang ang gumagawa ng iyak. Ilang segundo pa at nagpasya syang hanapin ang gumagawa ng nakakadurog na pusong ingay sa paligid. At iyon nga, matapos ang ilang minuto ng paghahanap, may nakita syang isang munting nilalang na nagkukubli sa isang malaking dahon ng isang halaman. Tumambad sa kanyang harapan ang isang lambana (diwata). Kasing laki lamang ito ng isang manika, mga anim na pulgada. May mahaba itong buhok na kulot at kulay ginto, mga nangungusap na asul na mata, maputi at makinis na balat, at mapula at makipot na labi. May mga pakpak ito na parang tulad sa isang tutubi ngunit napansin agad ng lalaki na bali ang isa dito. Nanginginig sa lamig at takot ang lambana. Nanlalaki ang mata nito at di malaman kung tatakbo o lalapit sa lalaki. Hanggang sa nakapagpasya ito at kinausap ang lalaki.


"Ginoo, nagmamakaawa ako sayo. Maaring bigyan mo sana ako ng konting tulong. Nabali ang aking pakpak dahil nabangga ko ang isang puno dahil sa sobrang lakas ng hangin. Hindi mainam sa tulad kong lambana ang manatiling basa dahil maari namin itong ikamatay. Pakiusap, dahil mo ako sa isang tuyong lugar na malapit sa apoy para ako ay matuyo. Nangangako ako na gagantimpalaan kita bilang kabayaran sa iyong kabutihan." Sabi ng lambana sa lalaki.


Saglit na nagisip ang lalaki at walang imik na kinuha ang lambana mula sa lupa at nilagay sa sisidlan na pinaglalagyan nya ng mga karne ng nahuhuling hayop. Nagpatuloy sa paglalakbay ang lalaki at labis naman sa pasasalamat ang lambana.


"Maraming salamat ginoo! Tatanawin ko itong malaking utang na loob!" Sambit ng lambana.


Ngunit di man lang tumugon  ang lalaki at patuloy ang pagbagtas nito patungo sa kanyang tirahan. Lalong lumakas ang ulan na sinasabayan ng dumadagundong na kulog at nakakasilaw na kidlat.


Nanahimik na lang ang lambana. Naisip nito na baka di lang talaga palasalita ang lalaki o baka mahiyaan lamang ito. Kumalma ang pakiramdam ng lambana at inisip na marami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo. Masaya nyang inisip na mabilis na maghihilum ang kanyang pakpak pag nalapit sya sa apoy.


Hanggang sa makarating na sa kanyang tirahan ang lalaki. Tahimik ang buong kabahayan. Walang kuryente sa bundok at tanging kandila at gasera lamang nagsisilbing liwanag tuwing gabi.


Ang mga anak ng lalaki ay mahimbing na natutulog sa isang silid. Pinuntahan ng lalaki ang bukas na silid at tiim bagang pinagmasdan ang kanyang mga anak. Pagkatapos ay lumabas ito ng kwarto at may  kinuha mula sa kanilang munting kusina. Pagkatapos, nilabas nito sa kanyang sisidlan ang munting lambana.


"Salamat ginoo! Tatanawin ko itong utang na..."


Di natapos ng lambana ang kanyang sinasabi sapagkat marahas na tinapon sya ng lalaki sa isang planggana na puno ng maruming tubig. Nagkiwal-kiwal ang lambana at lubhang nataranta. Nakainom ito ng maruming tubig na nasa planggana. Sa wakas nakatayo ito at hanggang leeg ng lambana ang tubig na nasa planggana. Gulat na gulat ito sa pangyayari. Gimbal na gimbal ang lambana sa nangyayari. Nanginginig sa pagkadismaya na hinanap ng kanyang tingin ang lalaki at nagsimulang magusisa.


"Ginoo, anong ibig sabihin nito? Bakit mo ako dito inilagay? Mamatay ako dito." Natatakot na pagtatanong ng lambana.


Sa wakas, binasag ng lalaki ang kanyang katahimikan.


"Sinadya ko na ilagay ka dyan upang unti unti kang malagutan ng hininga." Walang emosyon na sagot ng lalaki.


Labis na hilakbot ang lambana sa narinig.


"Ngunit ginoo, bakit mo ito ginagawa? Kung ipahihintulot mo, alisin mo na ako dito. Nangangako ako na gagantimpalaan kita kapag gumaling na ang pakpak ko. Aalis din ako agad."


Nagpakita ng poot at pagkasuklam ang lalaki at dinuro ang lambana.


"Akala nyong mga engkanto, mas mataas ang antas nyo sa aming mga pangkaraniwang tao. ano ang pakiramdam na wala kang magawa, na ikaw ang mahina sa pagkakataon na ito?" sabi ng lalaki na may halong poot ang tono.


"Namatay ang aking asawa isang buwan na ang nakararaan." Pagkukuwento ng lalaki. 


"Aksidenteng nakasagi sya ng isang elemento at labis syang pinarusahan. Nakita ko kung paano naghirap ang asawa ko. Tinubuan sya ng mga bukol sa kanyang buong katawan at sumusuka ng dugo. Walang nagawa ang mga albularyo na tulungan sya. Nagsumamo kami, halos lumuhod, para patawarin ng elemento ang asawa ko ngunit sa huli, di kami pinagbigyan. Namatay ang inosente kong asawa dahil sa kagagawan ng kauri mo! Ngayon ay magisa kong bubuhayin ang aking mga anak. Kaya sumpain ang mga kalahi mo! Ang langit na ang gumawa ng paraan para makaganti man lang ako kahit paano."


Lumuha ang lambana at nagmakaawa sa lalaki.


"Ginoo, kinalulungkot ko na malaman ang sinapit ng iyong asawa. Ngunit di ako ang may gawa nun sa kanya! Hindi ko rin kilala kung sino ang elemento na labis na nagpahirap sa kanya. Kaya pakiusap, huwag mo itong gawin sa akin. Inosente ako sa salang nagawa ng elemento na iyon sa iyong pamilya. Nagmamakaawa ako, huwag mo itong gawin sakin." Pagsusumamo ng lambana. Ngunit nanatiling matigas ang puso at sarado ang utak ng lalaki.


"Wala akong pakialam kung hindi ikaw ang pumaslang sa aking asawa. Ang importante sa akin, nakaganti ako sa iyong kauri.  Kahit ano pa ang sabihin mo, ang gusto ko mangyari ay mamatay ka!"


Labis ang hinagpis ng lambana. Nagmakaawa pa rin ito sa lalaki.


"Nangangako ako na gagawin ang lahat para mapanagot ang elemento na gumawa ng masama sa asawa mo. Huwag mo itong gawin sa akin. Pangako, kakalimutan ko ang pagtangka mo sa aking buhay. Tanggalin mo na ako dito, ginoo. Nanghihina na ako."


Subalit hindi na sumagot ang lalaki. Naupo ito at pinagmasdan ang lambana buong magdamag, hindi ito natulog o halos kumurap. Gusto nitong makasiguro na di makakawala ang lambana.


Umiyak ng umiyak ang lambana. Hinang hina na sya. May mga oras na bumibigay ang kanyang tuhod at napaupo ito planggana, dahikan para lumubog ito sa tubig. Nakainom na naman ang lambana  ng maruming tubig. Nagpumilit naman ang lambana na tumayo. Napahalakhak naman ang malupit na lalaki habang nakikita ang pagdurusa ng kawawang lambana.


"Ilang oras na lang siguro at tuluyan ka na manghihina at mamatay. Makakamit ko na ang hustisya."


Makalipas ang ilang oras, tuluyan na bumigay ang lambana. Nanghina ang mga binti nito at di na nagawang tumayo. Nagkiwalkiwal ito ng kaunti hanggang nanigas ang katawan nito sa pagkawala ng buhay. Matapos ng ilang saglit, lumutang na ang patay na katawan ng lambana sa tubig na nasa planggana.


Kinuha ng lalaki ang lambana at pinisil-pisil ang katawan nito, sinisiguro na hindi ito nagkukunwari lamang. Hindi pa nakuntento ang lalaki. Ginawa nya na parang bola ang walang buhay na katawan ng lambana. Initsa itsa nya ito at hinahayaan na mahulog sa sahig. Halos magkalasug lasog ang katawan ng lambana.


Nang magsawa sa malupit na paglalaro, kinuha ng lalaki ang katawan ng lambana. Dinala nya ito sa malapit na ilog at doon tinapon. Pagkatapos ay masaya na umuwi ang mangangaso. Lumipas ang ilang araw at ni minsan, di na muli nakahuli ng hayop ang lalaki. Labis nya itong pinagtataka dahil maganda na ang panahon. May mga panahon dati na matumal ang paghuli ng hayop ngunit kahit paano, may nahuhuli naman sya.


Pagkatapos ay sunod-sunod na nagkasakit ang kanyang mga anak. Nagsimula ang mga ito na parang nababaliw. Hinahataw ang mga ulo sa pader at kung anu-ano ang sinasabi. Napilitan ang lalaki na itali ang kanyang mga anak para wag nila masaktan ang kanilang sarili.


Ilang araw pa at inapoy ng lagnat ang mga anak nya. Sobrang init ng mga katawan nito. Sobrang init. Literal na inapoy ito ng lagnat sapagkat biglang nagliyab ang mga katawan ng kanyang mga anak habang nakahiga lamang ang  mga ito sa kama. Kasamang natupok ang bahay ng mangangaso at wala syang nagawa kundi tumangis sa pagkawala ng kabuhayan, bahay, at mga anak. Di lang dun natapos ang kanyang paghihirap. Nagkaroon sya ng misteryosong sakit na kung saan may mga tumutubong parang galis sa kanyang katawan. Hindi sya nilulubayan ng mga langaw at insekto na gustong manirahan sa katawan nya. Pinandidirihan sya ng lahat ng makakita sa kanya. Sa mga sumunod na araw, may mga bumubulong na maliliit na tinig na puno ng suklam at galit kay.


"WALANG KASALANAN ANG AMING ANAK!!!"


"WALA KANG KARAPATAN NA PATAYIN SYA! KARUMALDUMAL ANG GINAWA MO SA KANYA!"


"HINDI KA NAMIN TITIGILAN HANGGANG MAY NATITIRA PA SAYO!"


"MAGHIHIRAP KA HABANG BUHAY! IYAN ANG SUMPA NAMIN SAYO!"


Magsisi man ang lalaki sa kanyang ginawa, ngunit huli na. Kailangan nya tanggapin ang parusa ng mga magulang ng pinaslang nya na lambana. Kaya ikaw, na nakikinig nito, huwag mong hayaan na kainin ka ng poot at galit. Huwag mong hayaan na madungisan ang iyong dangal dahil sa paghihiganti. Dahil sa huli, matindi ang balik nito sa iyo.


Wakas. 


  

Story Archive