Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Meditation for 3rd eye aftermath

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Baby Handprints

Story Rating:

This is a true story told by my officemate. Last October 19,......

Lolo's Experience

Story Rating:

Ang kwento po ngayon ay kwento ng lolo ko noong binata pa po......

Ghost Town Explanation

Story Rating:

So bale higit 3 years na po akong nag tatatrabaho dito sa Al......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


Karanasang hindi ko malimutan magpa-hanggang ngayon. 


Taong 2010


Alas-onse ng gabi, tumatawag ang boyfriend ko, naisipan kong lumabas ng bahay bago sagutin ito, dahil baka marinig ako ng nanay ko na may kausap sa telepono (hindi pa nya noon alam na may boyfriend na ako). Tumungo ako sa likod ng bahay namin na kung saan maraming puno ng kawayan at kung ano ano pang halaman. Kasalukuyan akong nakikipag-usap sa telepono nang mapansin kong may itim na aninong naglalakd sa di kalayuan ng kainalulugaran ko, pinagmasdan ko ito at sinundan ng tingin, nagulat na lamang ako nang bigla itong lumingon sa kinatatayuan ko. Nangilabot ako lalo na nung makita kong dali-dali nitong tinutunton ang lugar ko. Mabilis akong tumakbo pabalik sa loob ng bahay namin. Pinilit na makatulog at kalimutan ang nakita. 


 


Nakalipas ang ilang buwan, Pasado Alas-Onse na naman ng gabi, kasalukuyan ng paparating ang tulog ko.. nang bigla kong maramdaman na parang may naglalaro ng kulambo ko na para bang pilit ako nitong ginigising. (Gumagamit kami ng kulambo gawa nang kami ay nakatira sa bukid na kung saan di maiwasan ang lamok. Nagkataon na itinatali ko ang Kulambo ko malapit sa bintana ng kwarto ko. malapit sa bintana ko nakasabit ang salamin ko kasama ng mga headband ko at iba pang abubot.) Ayun na nga, idinilat ko ang mga mata ko, at nakita ko ngang may gumagalaw ng kulambo, tumayo ako at sinindi ko ang ilaw inisip ko na baka sakaling umalis ang sinumang nanakot sa akin dahil iisipin nyang gising ako. Pero kahihiga ko pa lamang ulit, patuloy na naman nyang niyuyogyog ang kulambo ko, kasama pang nagliliparan ang mga nakasabit kong headband. Sobrang takot ko nang makita ko ang namumulang mata na nakasilip sa bintana, sumigaw na ako ng malakas at tinawag ko ang nanay ko na nasa kabilang kwarto. Lumabas kami ng bahay at sinubukang tignan kung may bakas ng tao, pero wala kaming nakita. Sobrang nanginginig ako sa takot nung gabing iyon, hindi na ako natulog sa kwarto ko at tumabi na lamang ako lagi sa pagtulog sa aking nanay. 


Akala ko matatapos na dun ang karanasan ko, hindi pa pala.. 


Alas-Onse ng gabi, kasalukuyan kaming kumakain ng dinner ng kaibigan ko na makikitulog sa bahay namin. Naiwan kong bukas ang pinto ng kusina namin. Habang nagkwekwentuhan kami bigla ako napatingin sa may pinto ng kusina namin at laging gulat ko na lamang nang may makita akong nakasilip na pula ang mata. Sa gulat ko, nagsisigaw ako ganun na din ang kaybigan ko. Sinubakan kong habulin ang nilalang na nakita ko, ngunit mabilis itong nawala. 


Naiwan na naman akong nag-iisip kung bakit sa akin lagi ito nagpapakita at nagpaparamdam nung mga panahong iyon. Kung bakit hindi ko din naisipang humingi ng tulong sa mga eksperto tungkol sa mga ganitong kababalaghan.


 


Taong 2017


Ngayon may asawa at anak na ako, natigil na ang ganong klaseng karanasan ko, pero palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung anong klaseng nilalang ang nanakot sa akin, nang magkaparehong oras. Hanggang ngayon tuwing naaalala ko iyon, natatakot at nangingilabot pa din ako. 


 


 


  

Story Archive