Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (2/5)
by 1 user(s)


Pangako Ng Patay
-X_cyt

Walang patid ang tawanan ng mga kabarkada ni Jayme pagkatapos niyang ibida sa mga ito ang bagong biktima niya. Isang probinsiyanang babae at bagong salta sa Maynila ang nagawa niyang utuin at walang kahirap-hirap na naangkin ang katawan nito. Ang mga ganoong pangyayari ay achievement para sa kanya at nunca na ilihim niya. Kung kinakailangang ibando niya iyon sa buong mundo ay gagawin niya.
“Kahit kailan ay manyakis ka talaga, Jayme,” wika sa kanya ng kaibigang si Paul. “Hindi ka na naawa ro’n sa pobre. Iba pa naman ang kultura ng mga laking-probinsiya. Baka shotgun wedding ang kahantungan mo.”
“Hindi mangyayari sa `kin `yan,” pagmamalaki ni Jayme. “Ako pa?” Buong yabang na itinuro niya ang sarili. “Simula nang makuha ko ang gusto ko ay hindi na ako nagpapakita sa tangang babaeng iyon. Ano siya, sinusuwerte? Kilala ninyo naman ako na ang gusto ay iyon lang.”
“Ingat ka lang, pare,” wika sa kanya ni Paul. “Baka makarma ka.”
“Hindi tumatalab ang karma sa akin, pare,” pagyayabang pa niya. Ilang babae na ba ang nagdaan sa mga kamay niya?


Halos hindi na niya mabilang. Pero kahit minsan ay wala namang nangyayaring malas sa buhay niya. Sinuwerte pa nga siya. Ipinaubaya na sa kanya ng mga magulang niya ang isa sa mga negosyo ng mga ito—ang punerarya sa Quirino Highway na kumikita nang malaki. Laging busog ang bulsa niya kaya naman napakadali sa kanya ang mambola ng babae. Alam na alam niya ang weakness ng mga ito—bulaklak, chocolates, alahas at kung anu-ano pang materyal na bagay na kaya niyang samahan ng ka-sweet-an.


“Hindi mo masasabi, pare,” wika pa rin ni Paul. Sa pakiwari niya ay naiinggit lamang ito sa kanya. Sa kanilang magkakabarkada ay ito lamang ang walang ibinibidang sex life.
“Tumikim ka rin kasi para marating mo ang langit,” wika niya rito sa tonong punung-puno ng panunukso. Gusto rin niyang maimpluwensiyahan ito dahil parang santo ito. Alangan ito sa kanilang grupo.
“Ayoko ng bawal. Good boy ako,” wika lamang ni Paul.
“Bahala ka. Mamamatay kang hindi nararanasan ang tunay na ligaya sa mundo.” Humalakhak siya at tunay na nagpakasaya. Sa ganoon umiikot ang buhay niya. Sa sex at barkada. Para sa kanya ay hindi magwawakas ang kaligayahang iyon. Hindi malulugi ang punerarya. At kung malugi man ay may mga magulang naman siya na sasalo sa kanya. Milyones ang pera ng mga iyon sa bangko, may investment pa sa kung anu-anong establishment, may mga paupahang apartment, at malawak na lupain sa probinsiya. Siya ay tunay at lubos na pinagpala.
“This is life, full of pleasure,” ang madalas na bukambibig niya. Wala siyang balak na baguhin ang lifestyle niya.

PAGKATAPOS makipag-inuman sa mga kabarkada ay katakut-takot na pag-iwas kay Marina ang ginawa ni Jayme. Tawag ito nang tawag sa kanya kahit hindi niya kinakausap. Wala ring tigil ang pagpapadala nito ng mga nangongon-siyensiyang text messages. Hindi naman siya apektado. Ni hindi niya sinagot isa man sa mga mensahe nito.
“Boba!” bulalas niya pagkatapos burahin ang sangka-terbang text messages nito. Hindi pa ba sapat ang pag-iwas niya para mapagtanto nitong wala itong mapapala sa kanya? Tapos na siya rito. Naangkin na niya ang gusto niyang angkinin kaya dapat ay manahimik na lamang ito katulad ng mga naunang biktima niya. Pero muling nag-text ang dalaga, nagpapaawa sa kanya. Nakikiusap ito na magkita sila at mag-usap once and for all. Binura lang uli niya ang message na iyon.

NATUWA si Jayme nang mga sumunod na araw. Hindi na siya ginagambala ni Marina. Ni isang message ay wala na siyang natanggap buhat dito. Malayang-malaya ang pakiramdam niya. Nagbabalak na naman siyang humanap ng panibagong biktima. So far ay wala pa siyang nakikitang idadagdag sa listahan niya. Mga ismarte ang mga nakilala niya at halatang may mga karanasan na. Ang gusto niya ay iyong inosente at virgin na katulad ni Marina. Naniniwala siyang hindi nauubos ang mga ganoong tipo sa mundo.

ISANG gabi ay binisita ni Jayme ang punerarya. Inabutan niya roon ang mga natutulog na tauhan niya. Pero bago pa man niya nagawang magalit ay may umagaw sa pansin niya— si Marina. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang makikita ito roon.
“Paano mo nalamang narito ako?” tanong niya rito. Gusto niyang mainis pero hindi niya magawa sapagkat nagagawa pa rin nitong pag-initin ang katawan niya. Kamunduhan pa rin ang umiiral sa kanya. Kinalimutan niya ang nakasanayan niya na kapag tapos na siya sa isang babae ay hindi na binabalikan pa ang mga ito. Kumbaga sa ulam ay wala siyang paboritong putahe. Ang gusto niya ay palaging bago.
“Nami-miss kita, Jayme,” wika ni Marina na lumapit sa kanya. Naaninag niya ang mahubog na katawan nito sa manipis na puting nightdress na suot nito.
“Nakarating ka rito nang—” Hindi na niya naituloy ang iba pang nais sabihin dahil hinila na siya nito papasok sa silid kung saan ginagawa ang pag-eembalsamo sa mga patay. Nahiga ito sa mesang naroon at lalong pinag-init ang katawan niya. Nakalimutan na niya ang lahat at buong kasabikang inangkin ang nakalatag na kagandahan. Nasa kalagitnaan siya ng pag-angkin kay Marina nang biglang bumukas ang pinto. Nagitla siya. Ngunit mas nagitla ang mga tauhan niyang nakasungaw sa pinto.
“Bossing, bakit po pati patay ay hindi ninyo pinaligtas?” tanong sa kanya ni Caloy na may halong paninita at pandidiri.
Ang kahihiyan ay bahagya na lamang niyang naramdaman nang tingnan niya ang kaulayaw. Si Marina pa rin iyon ngunit isa nang malamig na bangkay. Sa bandang ulunan nito ay nakita niya ang malalaking bote na halos mapuno ng dugo. Tiyak na nagmula iyon sa katawan nito.
“Bossing, magbihis na po kayo at nang maituloy na namin ang paglalagay ng gamot sa bangkay. Matagal daw itong ibuburol dahil nasa malayong probinsiya ang pamilya.”
Hindi na niya tiningnan ang isa sa mga tauhan niyang nagsabi niyon. Ang buong kamalayan niya ay tila hinila patungo sa kailaliman ng lupa. Paano niya makakalimutan ang kababalaghang iyon? Mababaliw yata siya sa sobrang sindak.


“Kapag niloko mo ako, Jayme, magpapakamatay ako para multuhin ka,” naalala niyang wika sa kanya ni Marina noong unang pagkakataong ibinigay nito ang sarili sa kanya.


Dama niya na nagwakas na ang maliligayang araw niya.


  

Story Archive