Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

Boses

Story Rating:

Kasalakuyan nag-aantay kami ng elevator paakyat sa flat nami......

Bangungot

Story Rating:

Simula pa nung bata ako malakas na pakiramdam ko sa mga di n......

Lady inside the car (A short story)

Story Rating:

Ito po totoong mga nangayari sa loob ng workshop kung saan a......

Ghost in the flat

Story Rating:

Isa po akong OFW dito sa Dubai, at 15 years na akong naninir......

Sleep Paralysis Nga Ba? (A Short Story)

Story Rating:

Im from QC. Usually ang mga tao late na talaga natutulog dah......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

Kaluskos sa FVR

Story Rating:

Buntis ako ng panahon na nasa Pinas ako para magbakasyon. Hi......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

Airport ghost story 3

Story Rating:

Habang ako ay nag pipicture, nasa walkalator ako nun nang ma......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Opisina (Story 2)

Story Rating:

...

Noong Buntis ako

Story Rating:

Ang taon na nagbuntis ako sa panganay kong anak, Ang baha......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......

 Fiction Ang Ganti ng Lambana

Story Rating:

Sa kabundukan ng masukal na probinsya ng Bicol, may nakatira......

 Fiction 3:00 am part 1

Story Rating:

Gabi ng biyernes nung nag-sleep over ako sa bahay ng kaibiga......

 Fiction Ang Pamana

Story Rating:

Ako si Angela at ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan sa......

 Fiction Ang Kaibigan Ko

Story Rating:

Ito na nga ang aking kuwento. Ang Kaibigan ko si Nicole napa......

 Fiction Ang Matanda sa Bus

Story Rating:

Hi Admin, gusto ko lang i-share yung story ni Papa na itatag......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 2 user(s)


So ito ay totoo, ang tita ko, bata pa lang ay lapitin na talaga ng mga di nakikita o yung mga tao sa ibang dimension. Ang tita ko ay may asawa at mga anak na noong nangyari ito.

 

Nakatira sila sa isang barangay, medyo bundok pa ito. Bago makarating sa bahay nila may dadaanan kang lupang hagdan paakyat. (Yung lupa na ginawang hagdanan)

 

Isang gabi, nagtaka ang tito ko (asawa ni tita) kasi gabing gabi na, wala pa ang tita ko, hinayaan niya lang, paggising niya nasa tabi na niya tulog. Laging ganito ang nangyayari kaya todo duda ang tito ko sa tita ko na baka may ginagawang kalokohan.

 

Ang bahay nila lola ay nasa itaas na bahagi ng barangay, ang bahay nila tita ay sa ibaba. Isang tirik na araw, pumunta ang tita ko sa bahay nina lola, tinawag si lola at ang iba pang mga kapatid sa pamamagitan ng pag kaway o pag anyaya gamit lang ang kamay, hindi ito nagsasalita. Kakaiba daw ang itsura ng tita ko kasi parang nakatabingi ang ulo niya. Yung tipong konti na alng didikit na ang tenga sa balikat.  dahil hindi na bago sa lola ko ang mga nangyayari na kakaiba, nilapitan niya tita ko at alam niyang hindi iyon ang tita ko.. umupo sila at Maya maya pa nagsalita na si tita,

 

 “Pasensya na po, pero mag papaalam sana ako, hihiramin ko po muna si Rosalie (tita ko) para hanapin ang prinsipe namin, nawawala kasi siya noong isang buwan pa.” Napaka liit ng boses ng tita ko, imagine yung parang maliit na maliit na tao na nagsasalita na napaka tinis. Ganoon ang boses niya.

 

Sumagot ang lola ko : “ Sino po sila at bakit anak ko at ano nangyari sa prinsipe niyo?”

 

“Ako nga po pala si Cherry, duwende po ako sa isang lawa doon sa kabilang barangay. Nawawala po ang aming prinsipe, hindi po namin siya mahanap, sa mundo po ninyo kami naghahanap baka sakali po na mahanap namin siya. At si Rosalie po ang napili naming kasi po madali niya kami makita at nakakausap po namin siya” aniya ng duwende.

 

“hanggang kalian mo siya hihiramin  at nagpaalam ka na sa kanya?” tanong ng lola ko

 

“payag po naman po siya nanay, isang buwan lang po.” Sagot nito

 

“isang buwan? Ang tagal naman ata”. Nabigla si lola sa narinig

 

 

“ang katumbas po ng isang buwan sa amin ay isang lingo lamang po sa inyo nanay” magalang nitong sagot

 

 

 

“Akala ko ay isang buwan talaga, kung pumayag si Rosalie at isasauli nangangako ka na hindi siya masasaktyan at makakauwi ng maayos, payag na rin ako.” Sabi ng lola ko

 

 

 

“ Opo nanay! Pangako po.” Sabi ng duwende sa lola ko.

 

(nanay din ang tawag niya kay lola, baka tanda rin ng pag galang.)

 

Kung nagtataka kayo na parang kaswal lang sa lola ko ang ganoong pag uusap, o kung bakit di natakot si lola, kinalakihan na po ni lola ang iba’t ibang kababalaghan at nakakusap niya rin po ito kaya sa kanya rin nagmana ang mga anak at apo niya. Hindi na rin ito bago sa pamilya namin. Kaya alam na naming kapag mabait o hindi ang mga kabilang dimension. Alam din naming kung paano sila palayasin ng hindi nasasaktan ang may ari ng katawan.

 

 

So ayun, ganoon na nga ang naging kasunduan. Pero hindi pala nasabi ni tita sa tito ko. Haha

 

Eto naman si tito todo duda na, gabi-gabi na lang kasi wala at nauwi daw umaga na. Kaya napagplanuhan ni tito na i-lock lahat ng pinto at wag matulog para mahuli nya daw si tita. 

 

 

 

Kung nagtataka kayo, ang umaga sa atin ay gabi sa kanila, halimbawa, 6 AM sa atin, sa kanila ay 6 PM vice versa.  For the explanation? Tinanong naming sila one time.

 

Nakahiga si tito sa sala nila, inaabangan si tita na umuwi ng bahay, at nasa isip niya na dahil naka lock ang pinto ay kakatok ito para makapasok dahil wala din naman siyang susi doon. Iyon lang din ang papasukan niyang pinto kaya talagang nag-abang si tito. Maga bandang alas 2:30 ng umaga narinig nyang may yabag na nglalakad sa labas kaya naisip niya na si tita na iyon,

 

‘andyan na siya’ ang nasa isip ni tito.

 

 

 

Tutuk na tutok siya sa pintuan,  habang nakahiga at inaabangan ang pagtangkang pagbukas ng pinto, dahil alam niyang naka lock ito.

 

Nanlaki ang mga mata ni tito sa nakita niya,

 

Naglakad si tita papasok ng bahay! Tumagos ito sa pader!

 

Nagpanggap si tito na tulog para di mahalata. Naglakad si tita habang nakapikit at tumabi sa kanya.

 

Maya-maya  pa at hilik na hilik na ito at tulog na. Hindi na nakatulog si tito ng umaga na iyon.

 

Paggising ni tita ay kinausap siya ni tito tungkol sa nakita nya nung gabi. At ipinaliwanag ni tita ang nangyari.

 

Matapos ang isang lingo, tapos na ang kasunduan ng dwende at ni tita gayundin ni lola.

 

 

 

Nagpasalamat ang dwende sa kabaitan ng tita ko at ng pamilya namin.

 

 

 

Hindi ko na matandaan kung anong nagyari o kung natagpuan ba ng dwende ang prinsipe nila. Pero naikwento ni tita ang lahat ng nakita niya noong kinukuha o ginagamit siya ni Cherry.

 

Kwento ni tita, dinala daw muna siya sa kaharian ng mga dwende na nasa gitna na lawa. Di niya alam kung paano sila nakapasok doon pero alam niya na nakasakay daw sila sa isang magarang karawahe. Sobrang ganda daw ng lugar na iyon na parang paraiso. Sabi daw ni Cherry sa kanya ay wag na wag siyang kakain ng kung ano man na nasa kanilang mundo, kung hindi daw, hindi na makakabalik ang tita ko sa mundo namin.

 

 

 

Yan lang ang matandaan ko. Mejo matagal na kasi yun. Sa ngayon nasa manila si tita nagtatrabaho bilang kasambahay at doon sa trabaho niya ay may nagkagusto sa kanya na isang maligno na hanggang sa probinsya ay sinundan siya haha.

 

Salamat sa pagbabasa.
 


  

Story Archive