Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 1 user(s)


High School Freshmen pa lang ako noon sa paaralang ERNESTO RONDON ACADEMY. Hindi ako pala kaibigan at bihira lamang ako makisalamuha sa ibang tao , kaya ang isipin na may bago nanaman akong mga ka-klase ay sadyang nakapanlulumo para sa akin. First day of school kaya inagaha ko tlga pumasok dahil hahanapin ko pa ang class room ko , at sa old building ito naka lagay


“ Ang malas ko naman” bulong ko sa sarili ko habang paakyat na ng hagdan.


Sa building kasi na iyon nag oopisina ang mga guro kung kaya bawal doon ang maingay lalo na ang mag cutting classes dahil tyak na mahuhuli ka. Ayon sa mga kwento ay ito ang pinaka unang building na naitayo sa school, naging dormitory na daw ito nong unang panahon. Hindi din lingid sa kaalaman ng mga estudyante ang isang aksidente ng sunog sa building na yon. Kahoy at halatang luma na talga ito , kung titignan mo ay para na itong haunted building .


Nasa ganun akong pag-iisip ng dumating ang isang guro na nagpakilalang si MRS. SORIANO isang history teacher , isa ito sa pinakamatandang guro sa eskwelahan. Ang sabi nila ay naabutan pa neto ang pagpapatayo ng old building kaya kung may gusto ka malaman ay sa kanya mo itanong, ngunit walang nangahas na magtanong sa kanya dahil sa ubod ng sungit nito minsan ay may pag ka weirdo din ito.


Biyernes noon at huling klase na namin kay Mrs. Soriano, nagpaalam na sya ngunit hindi nya pa din sya umaalis sa pagkakaupo nya. Ang sabi nya ay hihintayin nya daw kami hanggang matapos . Alam nyo na sa high school uso ang mga “cleaners of the day” . Ikinatuwa iyon ng mga ka klase ko, at ako naman ay nagpatuloy  lamang sa paglilinis, ng matapos kami ay huling lumabas an gaming guro ngunit lumingon ako sa likod nakaugalian ko na kasing tumingin sa likuran ko dahil baka may nakalimutan ako, laking gulat ko ng may nakita akong babae na nakaupo sa bandang harapan ng kwarto! Ibubuka ko na sana ang aking bibig ng biglang mag salita si maam Soriano na nooy ilolock na nya ang pinto.


“Magsi-uwi na kayo , gabi na baka hinahanap na kayo ng magulang nyo “


“opo maam “ tugon ni wena na isa sa mga nakakausap ko na sa klase.


Habang naglalakad kami pa uwi ay tila nanlalamig ang aking buong katawan.. Hindi pa din maalis sa aking isipan ang aking nakita. Nakauniform ito kakulay ng aming uniporme ngunit mas mahaba ang palda nito kung ikukumpara mo sa amin. Parang sinaunang uniform eto. Hindi ko napigilang mag tanong kay Weng.


“Weng , may alam ka bang namatay na estudyante sa skwelahan natin” prangkang tanong ko sa kanya..


“Langya te? Yan talaga ang tanong mo? Nakakawindang ka minsan alam mong matatakutin ako, pwede ba kung may alam ka man wag mo ng ikwento sakin, pero bakit may naramdaman ka na ba o nakita?” wika nya.


“Akala ko ba wag kong ikwento hayaan mo na wala iyon natanong ko lang nmn, kasi di ba lahat naman ng lugar ay may multo” tugon ko sa kanya.


Nanahimik na lamang ito at hindi ako sinagot batid kong sa mga oras na yon natatakot na sya kaya agad ko syang inaliw..


Pag kauwi ko ng bahay ay agad kong binuksan ang aking computer at nag search kay google itinype ko ang taon kung kelan nag simula ang school. 1968 , nag patay sindi ang ilaw sa kusina ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Lumabas ang history ng eskwelahan at may mga larawan dn ng mga estudyante per section scroll ko yun hanggang isang litrato ang nakaagaw sakin ng pansin. Batch 68 2nd year high school section Cadena de Amor. Ang babaeng naka upo sa harap at nakangiti ay kamukha ng babaeng nakita ko sa class room. Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumingon ito sa akin at tumitig ng nanlilisik. Napatayo ako sa aking kinauupan akmang patakbo  na ako ng aking pagharap sa kaliwa ay andun sya at nakatay! Ang mata nya’y walang itim na bilog nakapanlulumong duguan din ang kanyang mukha at ang kanyang bibig ay wasak hanggang sa kanyang tenga.. Akala ko sa mga horror movies ko lang ito napapanood, gusto ko syang itulak palayo ngunit walng lakas ang aking kamay , ni hindi ko maibuka ang aking bibig upang sumigaw…


Hindi na ako makahinga at tila nauubusan na ako ng hangin sa katawan


“ Ito na ba ang katapusan ko ?” ang tanging bagay na sa aking isip…


Ng biglang may tumapik sa aking balikat..


“Devy! GUMISING KA!! DEVY!! ANONG NANGYAYARI SAYONG BATA KA! Kanina ka pa riyan nag iiyak!”  wika na ang ina na nooy nakabistida lang.


“ANO? PARA KANG NAKAKITA NG MULTO? At bakit naman jan ka sa harap ng computer natulog? May kwarto ka naman sige na mag ayos ka na at akoy maghahain na ng hapunan” sunod sunod na tanong  ng aking ina.


Wala ako naisagot kundi ang yakapin na lamang sya ng mahigpit at bigkasin ang salitang:


“Salamat Ma ! Mahal na mahal kita “


Nagulat man noon si MAMA ay hindi na sya nagtanong pa ngunit di ko din naman balak sabihin. Lulutasin ko to magisa.


Break time namin at di ako nagpaiwan sa klase dali dali ako pumunta sa library upang ipagpatuloy ang aking research baka sakaling may makita ako dun na album at kung ano pa man.. Since di na uso ang libro mag isa lang ako na nasa loob ng library. Malamig sa loob ng library mas okay palang tumambay dito kesa sa classroom , naglibot libot ako upang tignan ang mga libro hanggang makita ko ang isang sulok medyo madumi na ito. Unti unti akong lumapit papalamig din ng papalamig ang aking nararamdaman. Nang makalapit na ako ay isang Year book ang aking nakita.


Hindi ako nagkamali, ito ay isa sa mga year book na kung saan nandun ang babaeng nagpaparamdam sakin, agad kong hinanap ang litrato nya at tinignan ang kanya pangalan at sya ay si “Liwayway Magdayao”  sa litrato ay mukha nmn syang masayahin , maganda ang kanyang hugis ng mukha, matangos ang ilong at kahit luma na ang litrato ay mapapansin mong maganda ang balat nya..


Ng aking hanapin ang kanyang litrato nang sya ay tumuntong ng third year ay wala na, humangin ng malakas ngunit naka sarado naman ang bintana sa loob. Dali dali akong lumabas ng library sa pangambang makita ko nanaman si Liwayway, sa aking pagmamadali ay nakabunggo ko si Mrs. Soriano na nooy mababakas mo sa kanyang mukha ang pagkairita, ngunit napalitan ito ng pag aalala ng makita nya ang aking hawak na litrato.


“Anong gagawin mo sa litrato nayan “ tanong nya na may diin.


“eh… ano…. maaamm …kasii..”


“Huwag kang makialam ng mga bagay na nabaon na sa nakaraan, hindi na dapat hinahalungkat pa ang mga matagal ng nailibing sa lupa” wika ni Mrs. Soriano


Nangamba ako sa kanyang binigkas na tila tumatak ito ng pulit ulit sa aking isipan. Nakita ko ang aking sarili sa loob ng aming palikuran kung kaya naghilamos na lamang ako noon ngunit laking gulat ko ng isang babae ang nasa aking tabi. But this time hindi na kasing pangit ng una naming pagkikita kung ano ang nasa litrato ay eto sya nakatayo sa aking harapan.


“Devy ikaw lang ang nakakakita sakin kaya alam kong matutulungan mo ako, tulungan mo ako .. tulungan mo ko….” Wika ng babae.


“ Liwayway? Ikaw si liwayway hindi ba? Manahimik ka na lang matagal ng nakalipas iyon 2016 na ngayon , umakyat ka na sa langit dun ka nararapat” tugon ko sa kanya, ngunit hindi ata iyon nagustuhan ni Liwayway nagdilim ang paligid lumakas ang hangin at nanlisik muli ang kanyang mga mata.


Biglang dumilim ang paligid , at huli ko na lamang natandaan ay dumilim at wala akong makita. Nagising ako at ganon pa din, isang napakalawak na lugar ngunit itoy madilim, malamig at nakakatakot. Wala akong nagawa kundi maupo sa aking kinatatayuan at magdasal. Napagod ako kakaiyak kaya nakaidlip ako.


Pag gising ko nabungaran ko ay isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa bintana kasunod neto ang mga kaklase ko na nooy nakaupo sa sofa at lahat silay nagsilapitan ng makita nilang akoy may malay na. Nakita ko si Weng na may kalmot sa mukha.


Dumating si Mrs. Soriano at hinawakan ang aking kamay bakas sakanya ang takot at pag –aalala. Niyakap nya ako at nag simula syang umiyak.Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi muna ako pinapasok ng 1 week, nabalitaan ko na ng mawalan ako ng malay ay nasapian daw di ako umano ng masamang espiritu. Hindi ko na muli pang nakita si liwayway pagkatapos ng aksidenteng iyon.


Bumalik ako sa eskwela na parang walang nangyari ngunit lahat ng estudyante doon ay siguradong ako ang pinagbubulungan , may ibang natatakot may iba naman na astigan sa pangyayari di ko nga alam eh biglang dumami ang circle of friends ko. Nagdaan pa ang ilang buwan at tahimik ang buhay ko.


Hanggang isang gabi lahat kami ay nasa eskwelahan meron kasing STAR GAZING PROGRAM ang school so aasahan mo talgang madaming estdyante noon, naka lock ang gate ng skwelahan upang walang makatakas at makalabas. Lahat din ng mga building ay naka padlock upang walang makapasok na estudyante para gumawa ng kababalaghan. Alam nyo na ang mga kabataang mapupusok.


So nasa loob lang kami lahat ng soccer field naming ala una na ng matapos ang program, since di kami pwedeng umuwi ay sa AB Building kami magpapahinga o matutulog hanggang sumikat ang araw para makauwi. Habang ang mga kaklase ko ay nagtatakutan ay muli nilang napagusapan si Liwayway.


“Alam nyo ba ? Sabi ng nanay ko yang dating old building nayan ay dormitoryo ng mga babae , isa din si Liwayway sa mga nasawi noong nasunog yan” kwento ni Rica.


“Naitanong mo ba kung bakit nasunog ang building na yan?” sabat ni Weng.


“Ang sabi daw ng mga pulis naiwang gasera daw ang pinagmulan ng sunog, dun mismo sa kwarto nila liwayway”


Nasa ganung paguusap sila ng maisipan kong tumayo at tumingin sa old building na katapat lng ng building namin. Tinitigan ko ang building na yun mula first floor hanggang second floor ng bigalng matanaw ng aking mata isang babae nakatayo at nakasilip sa bintana nakalabas ang isang kamay. Agad akong lumayo sa kinakatayuan ko at tinawag ang aking mga ka klase , agad naman silang lumapit.


“ Rica diba sarado lahat ng building at etong building na to lang ang bukas?” tanong ko habang nangingig ang aking buong katawan.


“Oo bakit? Ano bang nangyari???”  tanong nya..


Hindi ko na lamang sila sinagot dahil pagmumulan ito ng kaguluhan, tumakas ako sa grupo nila at pumunta ako sa tapat ng old building. Hindi ko alam kung bakit pero parang may tumatawag sakin. Nilibot ko ang bawat sulok ng building hanggang may nakita akong maliit na butas sa likod ng building. Pinilit ko isiksik ang aking katawan upang mag kasya ako. Pag pasok ko ay may isang hagdan doon, inakyat ko ito at ng aking buksan ang pinto ang tagos nito ay aming silid paaralan.


Doon ko nakita si Liwayway nakatayo sa may blackboard at umiiyak.


“Ano bang nangyari sayo” wika ko.


At lumapit ito sakin at biglang parang bumalik ako sa nakaraan ng iba ang itsura ng kwarto ng sandaling iyon, may anim na kama doon , doon sa dulo ay nakita ko si Liwayway na nakahiga , sya lang mag isa. Nang may dalawang lalaki na dahan dahang pumapasok sa loob ng kwarto. May dala itong mga baril kaya nagtago ako sa loob ng cabinet , kitang kita ko kung anong ginawa nila kay Liwayway.


Binaboy nila ang katawan nito, pinag samantalahan ng paulit ulit ng mapansin nila na hindi na humihinga ito, ginahasa pa ulit sya ng ilang ulit saka itinapon sa kama ang buks na gasera. Doon nagsimula ang apoy.  Samantala may nakita akong pumasok na batang babae at saking paningin ay pamilyar ito sumisigaw sya. Sinisigaw nya ang pangalan ni Liwayway , marahil ay pinipilit nto na gisingin ngunit imposible na. Habang tinititigan ko ang batang babae nayun doon ko sya na mukhaaan.


SYA AY SI MRS. SORIANO!!!!!  Iyak ng iyak ito at walang magawa hanggang matupok na ng apoy ang kwarto na yun ako naman ay nawalan ulit ng malay dahil parang nalalanghap ko na din ang usok na yun. Nang biglang yakapin ako ng  isang tao sa likod ko na talaga naman kinagulat ko! Si Mrs.Soriano!!!!


“MAAM?”


“LIWAYWAY IM SO SORRY DI KITA NAILIGTAS, KASALANAN KO ANG LAHAT KUNG BAKIT KA NAMATAY..”


Nakita ko si Liwayway sa tabi ko at ngsalita “Hindi mo kasalanan ang lahat Fe..”


Kaya humarap ako kay mrs. Soriano at nagsalita , inulit ko lang ang bawat sinabi ni Liwayway..


“Hindi mo kasalanan ang lahat Fe, kaya wag mo ng parusahan ang sarili mo dito. Alam ko may pamilya ka pang babalikan, sapat na ang ilang dekada na pamamalagi mo dito upang patunayan sakin ang pagsisi no wala kang kasalanan. Ikwekwento sayo ng batang ito kung ano ang tunay na nangyari sakin. Gusto ko ng matahimik. Pero bago ko gawin yun ay nais kong ipabatid sayo na kunin mo yung itinago kong kwintas para sayo nakatago iyon sa ilalim ng hagdan na ito. Maraming salamat sa lahat Fe at magkikita tayong muli PAAALAM”


Pagkatapos nun ay kinwento ko kay Mrs Soriano ang lahat, umiyak sya ng umiyak.


Pag tapos non di ko na muli pang nakita si Liwayway. Si Mrs Soriano naman ay nag resign na sa kanyang trabaho at umuwi na sa pamilya nya sa probinsya.


WAKAS.


  

Story Archive