Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Nagkatitigan kami

Story Rating:

Sa probinsya ng Tarlac nakatira ang tita ko,pinsan ng mama k......

2nd Cubicle

Story Rating:

Gaya ng sinasabi ng karamihan sa nagseshare ng story, hindi ......

MATUTONG MAKINIG

Story Rating:

May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa naging karanasan ko no......

White Lady sa Abandonadong Bahay

Story Rating:

Paambon-ambon na gabi, ako po ay lumabas para hintayin ang a......

Preserved Human

Story Rating:

kitang kita ng dalawa kong mata ang ginagawa nila, nakakadir......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Batang Itim

Story Rating:

...

Night Owl Chronicles: Gala

Story Rating:

I am a freelancer. Although US, UK and EU ang location ng cl......

Elevator

Story Rating:

So eto na, usap usapan na kasi sa company yung mga misteryo ......

Bata

Story Rating:

Kung ia-assess ko ang sarili ko, masasabi ko sigurong matapa......

Top Horror Stories

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Titig

Story Rating:

Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Al......

Sa Zambales

Story Rating:

Itago nyo nalang ako sa pangalang Kristy. Mga 19 years old a......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Nanay

Story Rating:

Tobong Occidental Mindoro po kami, that time hindi pa ganung......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Estudyante

Story Rating:

1st year college ako that time at SA(Student Assisstant) ako......

Kasabay

Story Rating:

Tinatahak ko ang mahaba at bako-bakong daan na napapaligiran......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Sleep paralysis

Story Rating:

Nilibot niya ulit ang mata, sa pagkakataong ito'y sa paanang......

 Fiction Trese

Story Rating:

Tinignan muna ng lalaki ang mga bayarang babae na nakapalibo......

 Fiction Sundo

Story Rating:

Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko, parang pinipiga yung pus......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 4 user(s)


Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyang inuupahang apartment. Walang pinipiling oras ito. Nahihirapan sya lalo pa’t malapit na ang final exam.


Nais na sana niyang umalis pero nakakapanghinayang ang ibinayad ng kanyang mga magulang dito para sa isang  buong taong pag-uupa.


Hindi naman nananakit ng pisikal ang multo. Sadya lang na mapaglaro ito. Pero ayon nga sa mga kwento, sa pananakit din ito hahantong na maaaring ikapahamak pa niya.


May suhestiyon ang ina nitong maghanap siya ng albularyo o espiritista para mapaalis ang naturang multo sa apartment.


 


Araw ng Sabado. Eksaktong tapos na sa pagliligpit ng bahay si Ricardo at ang kasintahan ng may pumaradang traysikel sa harap nila.


Mabilis na nagpakilala si Ricardo at Sheena sa tatlong babaeng bumaba. Pagkaalis ng traysikel, agad na inaya ng magkasintahan ang tatlo sa loob ng bahay.


Habang nagku-kuwento si Ricardo sa buhay nito bilang albularyo, mabilisang inusisa naman ni Lyca ang buong kabahayan. Simple lang ang bahay pero merong mga mamahaling gamit. Siguro’y napakagaling na albularyo ang lalaki kaya malaki ang kita.


Naupo ang lahat paikot sa mesa sa gitna ng sala. Sarado ang lahat ng bintana, pinto at ilawan para sadyang madilim na madilim ang paligid. Tanging mga kandila lang ang nakasindi sa gitna ng mesa at sa iba pang piling lugar paikot sa kanila.


Inutos ni Ricardo na ilabas ni Lyca ang mga lumang gamit mula sa apartment — na posibleng pagma-may-ari ng multo.


Agad namang inilabas ni Lyca mula sa bag ang isang suklay, singsing at libro.


Kinuha ito ni Ricardo at inutusan ang lahat na pumikit para sa kanyang pambungad na dasal.


Pagkatapos ng dasal, tahimik na napamulat ang lahat. Nagsimula ng magsalita si Ricardo na wari ba’y may kinakausap.


May limang nakasinding kandila sa lamesa. Magtatanong ang lalaki at gusto niyang sagutin siya ng multo sa pamamagitan ng kandila. Kung sang-ayon ang multo, papatayin lang nito ang kandila.


Dahil unang pagkakataon na makasaksi ni Lyca nito pati ng mga kasama, wala itong nagawa kundi ang makinig, magmasid at sumunod.


Tinanong ni Ricardo kung bakit ito nagmumulto. Kung bakit hindi sya matahimik. Dahil ba’y may gusto pa syang sabihin sa kamag-anak? Biglang namatay ang unang kandila.


Nabalot ng kilabot ang katauhan ng mga bisita sa nasaksihan.


Alam mo ba kung nasaan ang mga kamag-anak mo? O hindi mo na sila natatandaan? Namatay ang pangalawang kandila.


Hanggang sa natapos ang maraming tanong at namatay ang mga natirang kandila. Mas nakakakilabot ang sumunod na nangyari dahil inuutusan na ni Ricardo ang multo na lisanin ang apartment ni Lyca. Umihip ang malamig na hangin sa buong sala kahit sarado naman ang mga bintana. Naglaglagan din ang mga libro sa gilid ng telebisyon.


Halos mawala si Lyca sa sarili sa sobrang takot. Subalit sa awa ng Diyos, natapos din ang lahat.


Pagkatapos magbayad ng malaking halaga, nagpaalam na sina Lyca.


Pagkaalis ng traysikel na sinakyan ng mga bisita, abot hanggang tenga ang ngiti ng magkasintahan. Naka-loko na naman sila ng mga mapagpaniwalang mga tao. Napahalakhak nalang si Ricardo sa tuwa sa sarili dahil hindi parin siya pumapalya sa pekeng pag-a-albularyo.


Nakalipas ang dalawang araw. Isang tawag mula kay Lyca ang nagpagising kay Ricardo, maghahatinggabi na. Nagising din si Sheena kaya lumabas ito at kumuha ng tubig sa kusina.


Gusto lang daw ipaalam ng babae na hindi na nagpaparamdam ang multo sa apartment niya at nagpapasalamat silang dalawa ni Jessa sa pagtulong nito sa kanila.


Naibaba na ni Ricardo ang cellphone ng mapagtanto niyang isa lang ang binanggit ni Lyca na kasama niya pagpunta sa kanila. Kung ganoon, sino yung pangatlong babae.


Nasa malalim siyang pag-iisip ng may tumawag ulit. Si Sheena na nagpapaalam na double shift siya sa hospital kaya di muna siya makakauwi ng gabing iyon.


Halos mahimatay si Ricardo sa takot sa nangyayari habang naririnig niya ang yabag sa hagdan paakyat sa kwartong kanyang kinaroroonan.


  

Story Archive