Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

Sabi nila

Story Rating:

Paakyat na si Linda ng makasalubong ang kumareng si Mary sa ......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

1000 peso bill (Short Story)

Story Rating:

Last year ito nangyari sa may kwarto ko, bali nakikitira lan......

White Lady

Story Rating:

Usong uso pa dati 'yung laro na "BANG SAK" 'yung parang tagu......

Doble (Short Story)

Story Rating:

Pasko nun,at alas 12 na ng hatinggabi,pero kami ay tuloy par......

Dalaw

Story Rating:

Nung mga panahon na yun ay pinaghahandaan ng parents ko ang ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

Who is She?

Story Rating:

Ito naman ay experience ng pinsan ko. Same BPO kami, siya ka......

Sa Rest Room

Story Rating:

Ito naman ang pangalawang experience ko sa pangalawang BPO k......

Top Horror Stories

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

Jollibee Scare 4

Story Rating:

Marami nang crew ang nakakakita sa multo ng isang bata sa is......

ANG MANIKA KONG SI SAM

Story Rating:

I have this doll named SAM, binigay sya sakin ng lola nung 9......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

New Fictional Horror Stories

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......

 Fiction Baby Rhyme

Story Rating:

Dala-dala ni angie ang PT na binili sa Pharmacy bago umuwi n......

 Fiction Another life

Story Rating:

5 am ng muling imulat ni bloosom ang mga mata. Inilibot ito ......

 Fiction Horror House

Story Rating:

Nang makalayo na ay hapung-hapo na tumigil sila sa isang tab......

 Fiction Hanggang sa Kabilang Buhay

Story Rating:

...


Pinoy Horror Story


A Tragedy


Story Rating

Rated (4/5)
by 2 user(s)


Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang naramdaman ni Judith. Lalo na ang lamig na sumusuot sa kanyang balat. Tinakbo niya ang kahabaan ng kalsa pa uwi sa kanyang boarding house. Habang pa ulit-ulit na naririnig ang boses ni Ejhay bago ito lumisan...


"Im sorry judith pero hindi na kita mahal patawad hindi ko sinasadyang ma saktan ka mas mahal ko lang talaga si Princess" lumuhod at nagmakaawa sya dito para wag lang iwan nito ngunit walang sabi-sabing iniwan na siya ng maramdaman ang patak ng ulan.


Naiwan si Judith sa gitna ng plaza kung saan sila laging nagtatambay ni Ejhay na nakaluhod pa rin at kasabay ng mga luha sa kanyang mata ang biglang buhos ng malakas na ulan na halos hindi niya maramdaman.


"Bakit ganito! Ano bang nagawa kong mali? Lahat naman binibigay ko naging tapat at totoo akong magmahal ngunit lahat sila mga manloloko!" Mapait na sigaw ni Judith sa sarili habang yakap-yakap ang sarili sa loob ng banyo. Hindi niya pa rin makalimutan ang lahat na nangyari sa ginawa ni Ejhay kahit 2 weeks na ang nakaraan. Parang naka ukit na ito sa kanyang isip at bumaon ng tuluyan. Lalo pa siyang naawa sa sarili ng maalala ang una at pangalawa niya minahal parehong pareho ang ginawa sa kanya ang ipagmukha na hindi na siya mahal ng mga ito. Lumabas na siya sa banyo at nakita ang sarili sa salamin. Makakabangon din ako at pinahid ang mga luhang namuo sa kanyang mata. Ginupitan niya ang kanyang buhok.


"Simmula ngayon you will not be the same Judith na talunan magiging matapang kana at wala ng pwedeng maka panakit sayo" buong tapang na sabi sa sarili matapos gupitan ang kanyang buhok. Iniba niya ang buong pagkatao pati pananamit niya. Iyon ang kauna-unahang paglabas niya sa boarding house pagkatapos ng dalawang linggong pag stay doon.



"Uy Judith ang sexy mo huh saan ka pupunta mukhang ibang-iba kana!" Bulalas na sabi ni Mark ng makita siya nito na naghihintay ng taxi.


"Sa bar magpapalipas ng oras" at ngingitian niya ito na dati hindi niya ginagawa.


"Wala ka yatang kasama gusto mo samahan na kita?"


"Ikaw kung available ka ba naman eh"


"Sandali hintayin mo muna ako magpapalit lang ako" sabay takbo at tinungo ang bahay nito na katabi ng boarding house na tinitirhan niya. Bumalik din naman ito agad at tumawag na ito ng taxi at tinungo na ang bar. Sa kaunaunahang pagkakataon uminum siya at nanigarilyo din. Medyo tinamaan siya agad kahit nakaisang lagok pa lang siya. Sumayaw sila ni Mark at halos hinahalikan na siya nito. Nag excuse lang siya sandali at tinungo ang banyo ngunit sa pagbalik niya meron na itong kasayawan lumapit siya dito pero halos hindi siya pinansin. Umupo siyang mag isa sa mesa at may lumapit din sa kanyan. Maya-maya nakita niya si mark na umalis kasama ang isang babae kibit balikat na hinayaan niya na lang ito. Maya-maya pinasya niya na rin umuwi. Nag alok pa ang lalaki na ihatid siya ngunit hindi niya ito pinaunlakan at sakay ng taxi na umuwi.

Isang balita ang gumimbal sa buong Baranggay Lanzones na natagpuan si Mark at ang kasama nitong babae na halos maligo na sa sariling dugo ilang saksak ang natagpuan sa katawan nilang pareho at wala na rin ang ari ni Mark na nakitang nasabasurahan


"Judith nabalitaan mo ba ang nangyari kay Mark?"


"Huh sinong Mark? Yang kapit bahay natin? Bakit anong nangyari sa kanya ate Alma?".


"Natagpuang patay sa isang Inn kasama yung gf ata niya ewan yun ang sabi sa balita".


"Grave naman sino naman ang may gawa nun?".


"Yung suspek nila ang totoong bf ng babae, buti nga yan mga malalandi kasi".

Pagkatapos ng trabaho dumaan muna si Judith sa mall dahil may bibilhin siya. Nasa isang botique siya ng makitang dumaan si Jesse ang unang bf niya Kasama nitong ang isang babae na sa tingin niya gf nito. Lumabas na siya ng botique at tinungo ang Jolibee para bumili ng biglang may pumansin sa kanya.


"Hi judith ikaw nga ba yan?" Napalingon siya sa tumawag at nalaman niyang si Jesse.


"Oh hi! Yeah its me".


"Grabe ang laki ng pinagbago mo, you look gorgeous" bulalas nito ng makita ang pinagbago ng dating katipan.


"Ikaw naman Jesse sobra ka naman mag salita, anyway nasaan na gf mo?"


"Well hindi ko yun gf pinsan ko yun na una nang umuwi eh".


"Ah ganun ba. Gusto mo sabay tayo kumain? Treat kita" at ngingitian niya ito ng ubod tamis.


"Sure kahit ikaw pa i-treat ko sa ganda mong yan eh mahihindian ba kita" tumawa na lang siya dito at sinabayan na rin siya sa pagpila sa counter.


Masaya silang nag-uusap habang kumakain ng tumunog ang cp ni Jesse at sinagot ito at nag excuse pa sa kanya pagbalik nag paalam na ito dahil may emergency daw. Tumango na lang si Judith at hinatid ng tanaw si Jesse na papalayo. Pagkatapos kumain umuwi na rin siya at nagpahinga.

"Aaaaaahhhhhh!!!" Sigaw ni Violet ang gf ni Jesse ng makita ang katipan sa kama sa sariling apartment nito na wala ng buhay. Naliligo na sa sariling dugo at warak ang leeg nito habang wala narin ang ari at nakita sa sahig. Hindi parin maka bawi si Violet sa nasaksihan nanginginig ang katawan at walang tigil ang pag iyak. Habang ang mama naman ni jesse halos mawalan na ng malay ng makita ang anak. Walang makapagsabi kung sino ang suspek kundi ang naisip ng mga pulis ang gf nitong si Violet. Pagkatapos sa nangyari kay Jesse sumunod na natagpuan ang katawan ni Marvin office mate ni Judith na mahilig din sa babae. Apat na saksak ang nakita at ang sanhi ng pagkamatay nito ay ang malalim na sugat sa dibdib na naabot na ang puso. Katulad sa dalawa nakita ang ari nito sa mesa na nilalangaw na dahil tatlong araw na ito bago makit ang bangkay sa sariling condo.

"Ayan ang ganda mo pa lalo. Teka may kulang dagdagan mo pa ang lipstick. Ayan pulang pula na ang mga labi mo sigurado kahit sino maka kita sayo malalaglag ang panga sa kagandahan mo" kausap ni Judith ang sarili ng mga oras na iyon habang naka tingin sa salamin. "Alam mo naman ang mga lalaki makakita lang ng sexy at maganda naku parang luluwa na yung nga mata nila" patuloy na salita nito habang tinapos na ang pagpapaganda at nilisan ang kwarto.


Pumunta siya sa bar at doon tumambay nakita niya si Ejhay ang lalaking nagdala ng trahedya sa buhay niya.


"Sabi ko na nga ba magkikita tayong dalawa" tumayo siya at parang hindi sinasadyang binundol niya ito, na basa pa ito ng alak na hawak-hawak niya.


"Im so sorry hindi kita na--"


"Judith?" Tinignan niya ito sa mukha na animoy hindi niya ito na pansin.


"Oh hi Ejhay ikaw pala sorry hindi ko talaga sinasadya".


"Its ok but what are you doing here?"


"Nagpapalipas oras lang".


"Anong nangyari sayo? You look so different now, but anyway care to drink with me?".


"Sure" at magkasabay na tinungo ang mesa na bakante at doon naginuman at kwentuhan kahit napaka ingay ng paligid.


"Nasaan na yung dating mahinhin na Judith na nakilala ko?".


"Well people change with some circumstances that you never expected to happened so here i am" at ngumiti dito ng ubod ng tamis.


"You wanna dance?" Tanong naman ni Ejhay sa kanya tumango siya dito at hinapit na siya papunta sa dance floor. "Wow hindi ko akalain na magaling ka palang sumayaw" bulong nito sa tenga niya. Nagsitayuan naman ang mga balahibo niya sa ibang bahagi ng katawan.


"Oo naman Ejhay maliit pa lang ako hilig ko na talaga ang pagsasayaw".


"I didnt know that" at hinapit pa siya nito lalo na parang ayaw siyang pakawalan. Nang mapagod bumalik na sila sa Mesa at malalim na ang gabi ng yayain siya ni Ejhay sa apartment nito. Pinaunlakan niya rin ito at inakay na siya palabas ng bar. Tumawag si Ejhay ng taxi at nagpahatid sa apartment nito. Pagkapasok nila sa loob ng bahay hindi na nakuha ni judith magsalita ng bigla siyang sinibasib ng halik ni ejhay. Dahil sa mahal niya pa ito kaya tinugon niya na rin ang mga halik ng dating katipan. Hanggang sa ang halik na iyon humantong sa isang pagtatalik. Pagkatapos nakatulog na si Ejhay ngunit hindi si Judith, pumunta siya sa banyo at naghilamos ng makita ang sarili.


"Ano? Magpapadala ka nanaman ulit sa matatamis niyang dila? Pare-pareho lang silang lahat na sinaktan ka!" Sabi ng munting tinig na narinig niya. "Pero mahal ko siya" na pa iling pa siya sa sarili at naalala ang huling tagpo ng iwan siya nito. "Isa ka lang na parausan para sa kanya hindi ka niya mahal. Mahal niya si Princess hindi ikaw" sabi ulit ng munting tinig. "Ako lang ang nagmamahal sayo kaya ang dapat sa kanila mawala na sa mundong ito" pinahid ang mga luha at ang talim ng tingin sa salamin.


Lumabas siya ng kwarto at kumuha ng patalim.."Ganyan nga habang na tutulog pa siya gawin mo na ang nararapat" dala-dala ang patalim na tinungo ang kwarto tinabihan niya pa ito sa kama at hinalika sa mga labi medyo na gising pa si Ejhay at ngumiti sa kanya.


"Mahal na mahal kita Ejhay kaya lang kagaya ka rin nila na mapaglinlang" pagkayakap sa dating katipan walang sabi-sabing sinaksak niya ito sa sikmura ng dalawang beses.


"Ba...bakit? Ju...dith?".


"Im sorry Mahal na mahal kita!" Umiiyak na sinaksak niya ulit ito sa dibdib. Hindi alintana ang dugo ni Ejhay sa kanyang mukha at katawan. Ng malamang wala ng buhay tsaka niya lang ito tinigilan at hinaplos pa ang pisnge nito..."mahal na mahal kita! Kaya ako nagbago dahil sayo". Pinahid niya ang mga luha na sumandal sa headboard ng kama habang nakatulalang kinakanta ang favorite song nilang dalawa at yakap-yakap ito.


"Mahal pangako sayo hindi magbabago ikaw lang ang iibigin ko kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako asahang di maglalaho..."


Maya-maya napatigil siya ng mamataan ang picture nilang dalawa na andun pa rin sa itaas ng mesa dali-dali niya itong nilapitan at ng may mahulog na isang sulat.


"Dear Ma, Pa. Im so sorry pero hindi ko pala kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Siguro hindi pa huli ang lahat para balikan ko ang dating katipan kong si Judith. Simple lang siya at totoong magmahal. Patawad Ma, Pa, pero mahal na mahal ko siya. Siya ang gusto kung pakasalan hindi si Princess na pinili niyo para sa akin. Nagmamahal Ejhay"


"Hindi! Hindi to totoo! Hindiiiiii!!!" Naguunahan nagbagsakan uli ang mga luha at tinakbo ang wala ng buhay na katawan ni Ejhay.


"Ejhay Im so sorry gumising ka please. Mahal na mahal kita. Hindi ko sinasadya" halos hindi na siya makapagsalita sa nararamdamang at sa pagiyak niya. "Ejhay!!!!" Yakap-yakap niya ito na nanginginig ang katawan sa pag-iyak. Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon tumawag siya ng ambulasya para madala ito sa hospital. Dahil gulong-gulo ang isip binalikan niya ang katipan, hinugot niya ang patalim na ginamit sa pagpatay dito, sabay sinaksak din ang sarili ng paulit-ulit pati puso niya sinaksak niya rin. Bumagsak ang katawan niya sa katawan ng dating katipan ang mga dugo nila naghalo na at bukas ang mga matang nakatingin sa minamahal niyang lalaki habang hinihimas ang mga labi nito na meron pang nga dugo.


 


Kinilabutan ako sa kwento ni Cheche tungkol sa pag-ibig ng kanyang tita Judith dahil dinadalaw pa nila ito noon sa mental hospital ngunit ng huling dalaw nila patay na ito at hindi nila alam kung ano kinamatay dahil nakabuka pa ang bunganga at nakatirik ang mata na naka higa sa kanyang kama "

««« WAKAS »»»


  

Story Archive