Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

MATA

Story Rating:

I'm chad, 20 yrs old. I was born blind po. Pero naoperahan p......

School Stories

Story Rating:

Galing ako sa isang Catholic High School. Magkatabi ang scho......

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

Ghost town

Story Rating:

Noong 2015 nag pumunta na po ako dito upang manirahan. Sa un......

Anino mula sa ibabaw ng sasakyan

Story Rating:

...

Barong

Story Rating:

Sa Bulacan noon merong bahay ang tita at tito ko kasama mga ......

Sa kwarto

Story Rating:

Nag-outing kami noon sa Pampanga. Umupa kami ng bahay na may......

Babae sa Terrace

Story Rating:

Bata pa lang ako sobrang close na ako sa pinsan kong si Ate ......

Ang dati kong boss

Story Rating:

Ang unang naging boss ko ay babae, pero makalipas ang isang ......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Ang Prosisyon

Story Rating:

Noong buhay pa ang aking lola ay hilig niyang mag tanim ng m......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Guardian angels

Story Rating:

Isang gabi may babaeng naglalakad pauwi sa kanilang bahay. M......

 Fiction GUSALI

Story Rating:

Nang kami ay nasa gusali na pasado ala-siyete na ng gabi, me......

 Fiction Lalaking Naka-itim Part 2

Story Rating:

Si Marjorene ay isang masipag at mabait na anak na pangalawa......

 Fiction Magkasintahan (Short Story)

Story Rating:

Meron magkasintahan. Sobra nilang mahal ang isa't-isa. Konte......

 Fiction Lalaking Naka-itim

Story Rating:

Wala imik noon si Girly, di niya pinansin ang kaibigan at ha......

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


"Buhay pa ba yan?"

"Oo naman nakita mo namang humihinga pa diba."

Unti unti akong dumilat upang alamin kung sino ang pinang gagalingan ng mga boses.

"Ralf mukhang nag kamalay na si Pogi"

Isang babae na may pagka chubby at lalaking nakasalamin ang nasa naka paligid sakin.

Pinilit kong bumangon ngunit bigla na lamang akong nahilo, ramdam ko rin ang hapdi ng mga sugat sa ibat ibang parte ng aking katawan,

Teka ano nga bang nangyari, ang huling natatandaan ko ay isang malakas na pag sabog bago ako mawalan ng malay..

"Oh wag ka muna masyadong gumalaw at mukhang di ka pa kaya" wika ng babae

Tinulungan naman ako ng lalaki na umupo at sumandal sa pader, kahit medyo nahihilo pa ay iginala ko ang aking paningin.

May kadilim ang lugar na aming kinarororoonan, at tanging ang flashlight lang na hawak ng babae ang nagiging silbing ilaw namin, mga gumuhong pader at sirang kagamitan ang na aaninag ko.

"Pogi okay ka lang ba?

Nginitian ko ang babae at pag katapos ay tumango.

Oo nga pala ako si Marissa at ito namang kasama ko ay si Ralf,

Tiningnan ko ang lalaki na nag ngangalang ralf at nginitian, Isang tango naman ang isinagot nya sa akin. Muling nag salita si Marissa

"Nag hahanap kami ng malalabasan ng makita ka namin, akala ko nga patay ka na teka ano nga pala ang pangalan mo pogi"

"Ako si Sobbie"

muli kong nilibot ang aking paningin at bagamat alam ko na ang sagot ay nag tanong parin ako upang makasigurado.

"teka nasaan na ba tayo?

Si Ralf ang sumagot

"Nandito parin tayo sa AMG, di ba gumuho tong building dahil sa mga bomba. Maswerte tayo at hindi tuluyang bumigay itong ground floor dahil kung nag kataon nalibing na tayo ng buhay"

Doon tuluyang nanumbalik sa aking alala, ang bangungot na gusto kong takasan. Ang dugo na animo'y lawa, mga nagkalat na laman ng tao, mga halimaw na kumakain sa kanilang biktima ng walang pag aalinlangan, mga patay na muling nabuhay.

"Marissa ikaw na muna bahala dyan kay Sobbie, mag iikot ikot muna ako at baka sakaling makahanap ako ng pwede nating labasan, Sobbie mag pahinga ka muna dyan dahil tiyak na kakailanganin natin yang lakas mo sa kalaunan"

Isang tango ang isinagot ko kay Ralf bago ito tumalikod at nag lakad papalayo.

"Haaaayyyyy kaasar naman ano bang nang yayari satin, kanina ang ganda ganda ng araw ko tapos ganito yung mangyayari buti nalang pogi kayong dalawa ni Ralf kaya may bawi naman"

Nag simulang mag kwento si Marissa, patungkol sa sarili nya, nalaman kong nag iisa lamang siya dito sa Manila dahil nasa Probinsya ang kanyang mga magulang at kapatid, Tubong Bacolod at medyo weird ang rason nya kung bakit siya nakipag sapalaran dito sa kabihasnan, Hinahanap nya daw kasi ang kanyang One and true Love at malakas daw ang pakiramdam nya na dito nya matatagpuan iyon, natawa nga ako habang kinu kwento nya iyon sa akin. Masayahin at mukhang palaban yan ang tingin ko kay Marissa.

"Sobbie sa tingin mo anong nangyayari sa mundo natin, yung mga Zombie totoo kaya yun?"

Katahimikan ang namayani sa amin at mga ilang saglit pa ay nag pasya akong basagin iyon.

"Hindi ko alam, pero kung ano man ang mangyari dapat maging handa tayo, kinakailangan nating lumaban"

**************************************
RALF POV

Sa totoo lang masaya ako at buhay pa ako, masuwerte na at galos lang ang natamo ko pagkatapos gumuho ang building na kinaroroonan ko, hanggang ngayon naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, natutulog kasi ako at na alimpungatan sa sigaw ng mga tao, akala ko nga may sunog kaya tumakbo agad ako sa fire exit.

Habang pababa sa hagdan ay nakarinig ako ng mga pagsabog, palakas ng palakas hanggang sa gumuho na lang bigla yung kinaroroonan ko.

Mabuti at napa ilalim ako sa mga bakal na galing sa hagdan kaya naman di ako nadaganan ng mga bato, mga ilang minuto rin ako nagpahinga bago nagpasyang tumayo at mag hanap ng malalabasan. masyado akong nahihirapang kumilos dahil bukod sa mga batong nakaharang sa mga dinaraanan ko ay masyadong madilim.

Habang nangangapa sa dilim ay nakarinig ako ng Sigaw na nag mumula sa babae.

"Tuloooooonnnng!!!! Sino mang nakaririnig sakin.. tulungan nyo ko.... Super mannn.. Batttttmaannnn tulungan nyo ko.. May tao ba dyan.. Tulongg... o kahit maligno okay lang basta tulungan nyo ko"

Di ko alam kung may sayad yung sumisigaw dahil sa ganitong sitwasyon, walang matinong tao ang magsasalita ng ganyan..

Patuloy ang pag sigaw ng babae..

"Lord kung mamamatay man ako ngayon, patawarin nyo ko sa lahat ng kasalanan ko, aaminin ko na pong ako yung kumuha ng bente sa bulsa ng nanay ko, inihingi ko rin po ng tawad ung sa pag bato ko sa bahay ng kapit bahay namin Chismosa, Lord kung iligtas nyo lang po ako kukumpletuhin ko ang simbang gabi at di ko na po pag nanasahan ung ka work mate kong Pogi."

Bilib din ako sa babaeng sumisigaw nagagawa pa nyang mag biro kahit sa ganitong sitwasyon.

Sinundan ko yung boses hanggang sa makita ko na yung babae.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng nya

"Miss okay ka lang ba?"

Tumingin muna sakin ang babae at tumingala..

"Ayyyy Lord salamat sa padalang Tulong, Your the Best!!!! Aldub You Promise ipag sisindi kita ng kandila sa Quiapo"

Muling bumalik sa akin ang tingin ng babae at ngumiti

"Okay naman tlaga ako kaya lang di ako makaalis dito, akala ko kasi kasya ang Sexy kong body dito sa butas hindi pala. XD"

Medyo nakaka tawa ang pwesto ng babae, siguro gusto nyang makatawid sa kabila kaya pinilit nyang sumiksik sa butas ang problema nga lang ay may katabaan sya at sa kasamaang palad yung kalahati lang ng katawan ung nalusot nya kaya di na sya makaalis.

"Miss Sandali lang mag hahanap lang ako ng pedeng gamitin pang tibag sa mga bato para medyo lumuwag yung butas"

Isang tango ang sinagot sa akin ng babae at pagkatapos ay nag simula na akong mag hanap ng pedeng gamitin.

Isang makapal na bakal ang nadampot ko na sa tingin ko ay tamang tama lang pang tibag sa bato para maka alis sa pag kaka-ipit yung babae.

Habang tinitibag ko ang bato ay patuloy naman sa pag kwekwento ang babae, Marissa pala ang kanyang pangalan at sa sobrang daldal ng babae.. ay na kwento nya na ata ang buong buhay nya sa loob lamang ng sampung minuto.

matapos matanggal sa pag kakaipit si Marrisa sa mga bato ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto bago nag pasyang mag lakad upang maghanap ng malalabasan, habang nag lalakad ay na ikinuwento nya sa akin kung anong nangyayari bago maganap ang pag sabog ng kina roroonan namin.

Di ako makapaniwala sa mga pinag sasabi nya, sa mga Patay na kumakain ng mga buhay. kalahati ng utak ko ay ayaw maniwala sa mga sinasabi nya subalit sa mga nakikita at nangyayari samin ay di ko maaaring itanggi ang posibilidad na totoo ang kanyang sinasabi.

Ilang bloke na rin ang nadaanan namin ng mapansin ni marissa ang isang lalake na nakahiga at mabuti naman ay buhay pa.

Sa ngayon ay tatlo na kaming mag kakasama at mas okay na rin na dumadami kami dahil sa ganiong sitwasyon mukhang kinakailangan namin ang lakas ng bawat isa.

Sa di kalayuan ay nakapansin ako ng kaunting liwanag, nilapitan ko at kinapa ang pader, sa pag kakatansya ko ay maaring sirain ang batong ito upang makalabas kami.

Isang munting pag asa ang ang aking narandaman.

********************************************


  

Story Archive