Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

I believe in God

Story Rating:

Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa naranasan ko ......

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Ako si Sobbie 23 years old.

A Zombie fanatic basta may movie na lumabas about sa Zombie hindi pwedeng di ko sya mapanood, Im also collecting Zombie's figurine and staff,

I dont know kung anong meron sila basta ang alam ko na gusto ko sila..may mga taong nag sasabing baliw daw ako dahil gusto kong maranasan ang life with Zombies,

pano ba ang buhay?

mag su survive kaya ako?

kahit isang araw lang, okay na sakin.

Marahil sa past 4 years ng buhay ko na parang walang nangyayari..

paulit ulit,

nakaka boring

kaya gusto ko ng pag babago..

na isip ko lang na kung mag kakaroon ng mga Zombie magiging exciting ang bawat minuto ng buhay ng mga tao

Pero

Mali pala ako dahil ang exciting na buhay kasalo ang mga buhay na bangkay ay isa palang bangungot na bawat araw na lumilipas ay katumbas ng walang katapusan siglo.

DATE:JAN 20 2020 (TUESDAY)
TIME: 10:54 PM
PLACE: OFFICE (ALABANG)

"Hoy Sobbie mahuli ka dyan ni Manager, nasa work ka na nag su-surfing ka pa sa google"

"Ano kaba Rose wag ka ngang maingay talagang mahuhuli ako pag di ka tumigil saka di pa naman nag start shift natin ah"

I am a Business Processor, working in Alabang Munting Lupa sa isang American company, Apat na taon na kong nag tratrabaho dito at ang pag babasa ng mga zombie articles ang past time ko.

"Hulaan ko about Zombie na naman yan no?"

"Ano pa ba ang bago Rose eh tingnan mo na nga yang si Sobbie mukha ng zombie hahaha" wika ni Cy isa sa mga ka workmate ko

"ha ha ha" pang gagaya ko sa kanya.

"oo na, dun na nga kayong dalawa wag nyo kong guluhin"

tumawa lang yung dalawa at bumalik na sa kanya kanyang station

habang nag babasa naka agaw pansin sa akin ang isang Site na may pamagat na "HELP" after i click it dinala ako nito sa isang private website,

Wala akong nakita doon kundi isang video na na-upload about 2 days na ang nakakaraan. nang mag play ang video isang blonde na babaeng umiiyak ang binungad nito


"Please Help, If you see me please help me I'm begging you. those people killed my family and now they after on me"

ang mga sunod na salita nya ay di ko na maintindihan dahil biglang nawala yung sound

patuloy parin siyang nag sasalita at bakas na bakas sa mukha ng babae ang pagkabalisa at takot.

maya-maya ay kumuha sya ng papel at nag sulat,

80 S 8TH ST STE 700 MINNEAPOLIS MN.

Marahil ito ang kanyang kasalukuyang lokasyon.


papatayin ko na sana yung video dahil di ko na sya maintindihan,

ngunit bago ko pa man ma close yung video ay nakita kong bumagsak ang pinto sa kanyang likuran at iniluwa nito ang di mabilang na mga tao, di alam ng babae ang gagawin dahil naharangan na ng mga tao ang dadaanan palabas,

pinipilit ng babae na itulak ang mga taong lumalapit sa kanya, kumuha ang babae ng pamalo at pinag hahampas nya ito, ang nakakapag taka ay sa bawat hampas ay di nag babago ang ekspresyon ng mga ito, para bang di nasasaktan

maya maya pa ay isang di ka aya ayang pangyayari ang aking nasaksihan

kinagat ng isang lalaking na ka amerikana ang balikat ng babae, kitang kita ko kung paano sumigaw ang babae sa sobrang sakit, ang pag wakwak ng balat sa pamamagitan ng kagat at patuloy na pag agos ng dugo sa kanyang katawan ang mga sumunod na nangyari,

pagkatapos ang mga kasama naman nito ang kumagat sa ibat ibang bahagi ng katawan ng babae. para silang mga patay gutom na ngayon lang nakatikim ng pagkain, walang makikitang awa sa kanilang mukha at ang kahayukan sa bawat laman na kanilang nginunguya ang nagpapatunay na wala silang mga damdamin.

Buma bahang dugo at mga kasuklam suklam na tao ang huling nakita ko bago natapos ang Video. di ko alam kung prank lang ba ito pero talagang di ko nagustuhan ang nakita ko at may kakaibang takot ang sumisiksik sa aking isipan.

"Sobbie hoyy... Sobbie "

"Ha... bakit Rose?"

"Kanina pa kita tinatawag sabi ko may ipapasa akong case sayo, eh bat namumutla ka?"

"Ha!! ahh ehhh wala, ipasa mo nalang yung case"

"sige" pagkatapos nito ay tinalikuran nya na ako

Di parin mawala sa isip ko ang napanood ko kanina pero pinilit ko na lang itong iwaksi sa utak at nagsimula na akong mag trabaho at abalahin ang sarili.


  

Story Archive