Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

KAMA

Story Rating:

This happened to me when I was young, I think 13 palang ata ......

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

Ang lalaking walang Mukha 3 (Short Story)

Story Rating:

kararating lang ng kapatid kong lalaki dito sa cebu almost......

Hatinggabi

Story Rating:

Pumunta kami don sa probinsya namin sa Samar para mag bakasy......

Kalabog (Short Story)

Story Rating:

Ako po yung dating nagkwento ng " Anino". Gusto ko po ulit s......

Takot ako!

Story Rating:

Ako nga pla si Jia at ngayon ay 32 anyos na ako. Nais ko lng......

3 Times Knock (Part 1)

Story Rating:

I am 21 years old, and at my age hindi talaga ako naniniwala......

Lalaking walang mukha 2

Story Rating:

Nangyari po this year lang, mga march po siguro ito ay bas......

lalaking walang mukha

Story Rating:

Ako po si kenie at dito po ako ako sa cebu ng tatabraho ......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Elemento o Demonyo?

Story Rating:

6 years ago nagtrabaho ako sa isang fast food chain kung saa......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

The Gifts

Story Rating:

Ipinanganak akong may kakayahang na makakakita, makakarinig,......

"Kilabot Sa Bahay Namin"

Story Rating:

Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, in......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

Check-in

Story Rating:

Wala akong magawa kundi magpalipas ng gabi sa Baguio nang ma......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Lalaking Nagmamasid

Story Rating:

Itong istorya na ito nagsimula nung mga panahong nagsialisan......

 Fiction Duty sa Ospital ng Maynila

Story Rating:

Isa sa mga hindi ko makakalimutan karanasan nuong ako ay est......

 Fiction Ang Bahay namin

Story Rating:

Sana po matulangan nyo ako dito at malinawan man lang. Ito a......

 Fiction Gusto

Story Rating:

Nung bata pa ko, di talaga ako naniniwala sa mga multo o kwe......

 Fiction Text Message

Story Rating:

Bandang 2:30 am hindi pa ako natutulog so naisipan ko na man......

 Fiction Sing-Sing

Story Rating:

Isang Sepulturero si Kian sa isang public cemetery. Siya ang......

 Fiction Mahal Kong Impakto

Story Rating:

Sa loob ng isang maingay na night club, maraming tao ang nag......

 Fiction The Horror Lab (A short story)

Story Rating:

Agosto 19, 1989. 3:00 AM. Natapos gawin ang Lab ng monterser......

 Fiction Room66

Story Rating:

Ito ang araw kung kailan mayroon kaming school fair sa aming......

 Fiction Nandito na sila

Story Rating:

Isa akong business man. Mahilig akong bumili ng lupa dahil n......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (5/5)
by 3 user(s)


Hello Maymomooo!


 


Share ko lang po ang nakakakilabot na story ko sa bahay namin!


 


Naaalala ko pa noong nasa ika 7 baitang palang ako. Nung, inutusan ako ni mama na magluto nang kakainin ko para sa tanghalian. Upang mamaya makakabalik na ako sa paaralan para sa afternoon session ng klase namin. Si mama noon aya nasa likod ng bahay namin. Walang tao sa loob at medyu malayo pa ang kinaroroonan ni mama ng mga araw na yon. Ang bahay kasi namin ay malapit sa baybayin. IIkot ka pa sa likod kung dadaan ka papunta sa likod kung saan, nandoon si mama. Walang tao sa bahay noon. Umalis muna ako upang bumili ng mantika upang magluto ng ulam. Maya-maya'y, nakasalubong ko ang aking kapatid na may dalang bag at payong. Ibinigay nya sa akin yung bag at payong nya para ako nalang daw ang maglagay nito sa bahay. Dahil yung kapatid ko mahilig yan sa computer. Minsan di muna uuwi dahil uuna muna sa computer shop na medyo malayo pa sa amin. Si papa naman nasa Sorsogon kaya, imposible na pati siya sambit sa mga horrorific pranks sa bahay. At hindi naman ugali nila ang manakot. Pagkauwi ko nang bahay, nabigla ako na kung bakit ang gasul ay bigla nalang nag onn ang apoy pero wala naman akong pan na inilagay. Di naman ako siguro baliw na iiwan ko nalang na nakabukas ang apoy sa gasul. Kaya tinanong ko si Mama. "Ma, ikaw ba yung nagbukas ng gasul natin?" tanong ko kay mama. "Ha, bakit ako? Diba, inutusan kita na ikaw ang magluto nang ulam nyo? at papaano ako makakapunta dyan? Eh, nandito ako sa likod? Saan ako dadaan?" Sagot ni mama. Sa mga panahong iyon napag isip-isipan ko na parang may kakaiba sa bahay. Kaya binalewala ko. Patuloy pa rin ako sa pagluluto. Dalawang araw ang nagdaan, simula nung pangyayaring iyon, di ko aakalain na mauulit ang mga nakakakilabot na mga pangyayari sa bahay namin. Matutulog na kami nang gabi noon. Pumunta ako sa banyo upang kunin ang sabon na naiwan ko. Kasi kapag iniwan ko ang sabon doon sa banyo may posibilidad na mahulog sa inidoro at mag clog di na ma flush. Ilang beses kasi ito nangyari sa amin. Kumakanta ako noon nang "For the Lord is my Tower" nasira agad yung ilaw sa loob ng banyo. At papasok na sana ako, nang may biglang pumatid sa tyan ko. Malamig yung katawan at parang may mga sunog siya sa katawan. Kaya binigkas ko ang salitang "I rebuke you, in the Name Of Jesus Christ!" akalain mo na para bang may lumabas na dalawang babae pero di ko naaninag ang mga mukha nila dahil madilim. Pero ang silhoutte nila kitang kita. Pero lakas loob pa rin akong pumasok dahil sa isip ko mas makapangyarihan pa ba sila sa Panginoong Hesus ko?. Pangatlo, mga ilang buwan ang lumipas, naiwan akong mag isa sa bahay dahil sila ni mama nakipanood nang TV sa kapitbahay. Dahil wala kaming TV nang time na yun. Wala kasing pera pambili kaya sa tiyahin kami nanonood. Naghuhugas ako ng plato noon. Bigla nalang ang kutsilyo nahulog sa sahig. Pinulot ko at hinugasan ko ulit. Ang lagayan kasi nang kusilyo ay ikinabit lang mismo sentro sa kinatatayuan ko kapag naghuhugas. Nilagay ko doon nang pahiga. Kaya kapag nalagay na doon, makikita mo sa steel ang loob ng banyo pati ang nasa likuran ko. Maya-maya ay kumuha ako nang bimpo upang ipahid sa mga basang parte ng hugasan. Naaninag ko tuloy ang isang babae sa steel ng kutsilyo. Maganda siya, maputi, nakapikit ang kanyang mga mata na makikita mo ang mga mahaba nyang mga pilik mata. Nasa likuran ko siya at parang nakadikit yung mga kamay niya sa mga balakang nya. Nagdasal agad ako. Pagkamulat ko nawala agad ang babae. Isinumbong ko agad nina mama at sa boyfriend ko na kararating lang sa trabaho. Sabi ni mama, "Ilang beses ko na rin nakita ang babae na maputi at maganda. Tinawag nya nga akong mama". Doon, nalaman ko na may kapatid pala akong babae na namatay 21 years ago. Angkop din sa itsura na nakita ko sa steel. Magkaiba ang mukha namin sa kanya. Maputi kasi siya at mapula pula ang mga pisngi. Mahaba ang kanyang pilik mata na nagbibigay ganda sa kanyang blue colored eye at brown naman ang color ng kanyang mga buhok. Ang mukha ng kapatid ay sumunod sa mukha ng lolo ka na half Spanish-American. Siya lang mismo sa lahat ng apo ni lolo ang sumunod sa mukha ni lolo. Ang sanhi ng pagkamatay niya ay fracture sa buto simula nang mahulog siya sa isang puno ng manga habang kumukuha ng manga. Malakas ang impact ng pagkahulog nya nasadin sa malaking bato ang likod nya. 3 days after, nilagnat siya ng malubha. ‘Di naman siya madala dala sa hospital dahil malayo pa lugar namin. Sasakay kapa ng isang oras sa Bangka at pagkarating mo sa pier ay sasakay ka ulit ng motorsiklo sa loob din ng isang oras bago ka makakarating sa hospital sa bayan. Nasa isla pa sina mama at papa noon. Kaya nagpaalaman ko na ito rin miso ang dahilan kung bakit natatakot ang mga kaibigan, pinsan at kapitbahay ko tuwing pumupunta sila sa bahay. Isang araw din kasi nang pumunta ang isa matalik kong kaibagan at bali pinsan ko din siya. Nagtaka daw siya na merong isang babae na parang nagsusuklay ng buhok at maputi daw insakto sa babaeng nakita ko sa likuran ko noon, na ang sabi ni mama kapatid ko raw. Tinawag nya daw ito sa pangalan ko at di daw siya pinansin. Pumunta doon si insan sa kinarooronan ng babae, na bigla nalang tumakbo sa loob ng kwarto ko. Nang sinundan siya ng pinsan ko ay bigla nalang itong nawala na parang bula. Nasa banyo ako noon at naglilinis ng inidoro. Nang bigla nalang siya pumunta sa akin. At tinanong niya ako, “Cuz, natatakot na ako sa bahay niyo!” sagot ko, “At, bakit ka naman matatakot?” Sumagot ang pinsan ko na parang natatakot, “Alam mo ba, na may nakita akong babae pagpasok ko sa sala. Nakatalikod siya at nagsusuklay ng buhok. Akala ko nga ikaw eh, kaya tinawag ko siya sa pangalan mo. Pero di siya sumasagot at bigla nalang tumakbo papuntang kwarto mo. Nang sinundan ko eh, nawala naman ng bigla. In fairness, parang ang ganda niya at makinis ang balat. Di ko lang nakita ang mukha niya. But I believe, she’s beautiful!”


At isa pang pangyayari, first time na pumunta ang naging boyfriend ko noon. Nanliligaw pa siya sa akin in that time. Gusto niya kasi na pormal siyang manliligaw sa akin. Hinarap niya si mama at papa. Kaya nga siya nagustuhan ng papa ko dahil pumunta siya talaga sa bahay naming para manligaw sa akin. Nagluto si mama ng hapunan. Piniritong isda at ginisang gulay. Nang bigla nalang bumuhos ang matinding ulan. Uuwi na sana ang boyfriend ko noon kapag tumahan ang ulan. Unfotunately, di talaga tumahan ang ulan. Kaya nagpasya sila ni mama at papa na doon nalang sa bahay namin patutulugin ang boyfriend ko. Sa sala siya natulog. Pinatay na namin ang ilaw. Mga ilang oras ang lumipas, nakaramdam ang boyfriend ko na para bang may humihimas sa mukha niya. Ang lamig daw ng kamay niya at para bang tinitingnan siya. Di nya raw ito pinansin, nagpatuloy sa pagtulog. Hanggang parang humiga din sa gilid nya at sinasampal siya ng di naman kalakasan. Parang nagagalit daw at gigil na gigil. Napaihi noon si papa nang mga oras ding yaon, binuksan ni papa ang ilaw. At bigla nakita ni papa na isang palaka ang tumungtong sa mukha ng boyfriend ko. Dahil sa silaw ng ilaw. Bigla nalang nakaidlip ang boyfriend ko. “Abah! Mahilig ka pala sa palaka!” pabirong sabi ni papa. Nabigla ang boyfriend ko at bigla itong pinahid nang patapon ang palaka sa mukha niya. Kinaumagahan, habang nag-aalmusal kami. Sinabi niya sa akin na bakit daw palaka ang bumulabog sa kanya. Dahil sa gabing iyon, isang babae ang humaplos sa mukha nya at sinampal daw siya. Kaya sa mga sinabi niya nagdududa na ako na meron nga talagang ibang elemento sa bahay! Marami pa ang mga tao na pumupunta sa bahay na napapansin ang dalawang babae tumatalikod daw. Isa rin sa mga kaibigan kuna may third eye ang nakakakita sa kanila. Ang nanay ng boyfriend ko ganon din ang sabi. Ang kapatid ko naman habang nakikinig ng music ay bigla nalang daw nakilabutan na parang maraming bata ang sumasabay na sumasayaw sa tugtog at mayamaya ay dahan dahang miniminimize ang volume ng radio. Nakita ng kapatid ko kung paano umikot ang volume. Pagkalingon niya meron na siyang nakitang lalaki na nakabarong. Tinititigan daw siya kaya, tumakbo siya palabras na hindi na nakasuot ng tsinelas dahil sa sobrang takot. Agad siyang pumunta sa amin ni mama sa bahay ni auntie. Umiiyak siya na takot na takot. Agad naman kami bumalik sa bahay upang tingnan pero wala naman. Si lola ganon din. Hay! Nako anon a baa ng nagyayari sa bahay naming. Kaya hanggang ngayon, parang nasanay na kami. Kaya minabuti ko na mag bible study kaming magpamilya at mag praise and worship sa Panginoon. Simula noon di na sila nagpapakita. Siguro natatakot na sila dahil ang Panginoon ay nasa bahay na namin kasama namin.


Kaya sa mga nagbabasa nito, kung meron man pong mga nakakakilabot na pangyayari sa bahay niyo kaugnay sa mga pangyayari na naranasan ko noon o iba pa, mas mabuting manalig at umawit ng mga awitin na nagbibigay puri sa Panginoon. Magbasa ng bible at yakapin niyo ito o isama sa pagtulog niyo. Mag bible study rin kahit sa pamilya niyu lang. Dito, di na sila makakapenetrate. Dahil ang Panginoon ay makakasama niyu lagi at ang mga masasamang espiritu ay matatakot na yang gumambala.


Pero ang pinagtataka ko lang, kung isa lang ang kapatid ko ang namatay, eh bakit marami sila? Sinu-sino kaya sila? Saan sila nanggaling? May kaugnayan ba sila sa amin?


 


Sana po magustuhan po ninyo ang totoong kwento ko po! Maraming salamat po sa pagkakataon! God bless you po!


 


  

Story Archive