Menu

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Nakakalimot na

Story Rating:

Naalimpungatan ako sa manipis na liwanag na dumudungaw sa ak......

SLEEPING QUARTERS (Another CallCenter Story)

Story Rating:

Mahilig tumabi sa akin si April sa tuwing 1 hour lunch break......

Sino Siya?

Story Rating:

Nangyari ang kwentong ito last week, September 7, 2017. It's......

Ulan

Story Rating:

Isang hapon bumuhos ang malakas na ulan. Kasama ko noon sa b......

 Fiction Biyaheng Kamatayan

Story Rating:

Agad na tumabi ang jeepney at tumigil sa may kanto. Isang ma......

Sapi

Story Rating:

Nung bata pako lapitin na ako ng mga engkanto , multo at asw......

Sinong Pumatay ng ilaw?

Story Rating:

May matagal nang katulong sila tito, 12 years na simula baby......

Walang tulugan

Story Rating:

Sa loob ng bahay nila,nanonood kami at tahimik na ang gabi,m......

Bride

Story Rating:

It was June 1999, she told me, her bestfriend "Tita Mera" wa......

Rooftop ng Starmall Alabang

Story Rating:

Ang starmall daw ay dating malaking sementeryo at ito ay tin......

Top Horror Stories

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Three Scratch Marks

Story Rating:

Natapos ang klase namin nang biglang humapdi ang likod ko. P......

Lucena

Story Rating:

Sa province namin, student ako non, working student sa MCDO.......

Resort sa Laguna

Story Rating:

Kasalukuyan nag lalagay ako ng shampoo sa buhok ko nang may ......

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

Jollibee Scare 3

Story Rating:

Ang sabi nya, nung tinitigan nya yung lalaki, nakita nyang n......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

The Exorcism of Clarita Villanueva

Story Rating:

The smaller entity was almost like a dwarf. He would climb u......

The Prayer Room (Call Center Stories)

Story Rating:

irst kong mag BPO, I was 21 years old. A year after I gradua......

Balete Drive

Story Rating:

"Boss..." sabi niya sa guardia, "Kilala mo ba yung nakatira ......

New Fictional Horror Stories

 Fiction Biyaheng Kamatayan

Story Rating:

Agad na tumabi ang jeepney at tumigil sa may kanto. Isang ma......

 Fiction PABILI NG KARAYOM

Story Rating:

“Pabili po! Pabili po! Pabili po!” sabay-sabay na sigaw ......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

 Fiction ANG ALBULARYO

Story Rating:

Hindi na matiis ni Lyca ang mga pananakot ng multo sa kanyan......

 Fiction DEMONYO

Story Rating:

Ilang sandali palamang mula sa aking pagkakaidlip ay sigaw a......

 Fiction Don't Let Anyone To Be Alone

Story Rating:

2nd year college nako nun,since semestral break ko palang nu......

 Fiction Ang Lumang Bahay (Short Story)

Story Rating:

Noong Grade 4 Palang ako nagtatrabaho si mama bilang tagaban......

 Fiction ANG BABAE SA OLD BUILDING

Story Rating:

Tinitigan ko ang larawan at laking gulat ko ng biglang lumin......

 Fiction SUMPA

Story Rating:

"SUMPA"marami sa atin ang naniniwala sa sumpa at marami din ......

 Fiction Behind the wall

Story Rating:

Umiyak na lamang si jake habang pinapanood ang mga taong naa......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (3/5)
by 1 user(s)


Linggo ng umaga.


 


Naalimpungatan ako sa manipis na liwanag na dumudungaw sa aking bintana. Sa isip ko, salamat naman at pagkatapos ng 6 na araw na pagpapapanggap bilang isang mabuting nursing student eh makakapaghinga na ako. 


Nagulat ako ng bigla kong narinig ang boses ng mga kaklase ko na sina Terrence at Karen. Alam kong nasa kwarto ko lang ako pero bakit nandito sila? Hindi ko sila nakikita, at wala naman akong balak tumayo para hanapin kung nasaan sila.


Kinakausap nila ako. Pabulong pero parang naaalarma. Sinasabihan nila ako na umalis na ako dahil malapit na daw siya. Sinong siya? Apat na beses akong nagtanong, apat na beses din nilang sinabi nang paulit-ulit: umalis na daw ako dahil malapit na siya. Sa panlimang beses na pagtatanong, wala na akong nakuha pang sagot.


Pero dun na ako natakot. 


Biglang uminit ang buong likuran ko na parang may dumikit sakin mula ulo hanggang paa. Naramdaman kong may brasong yumakap sakin para ndi ko magalaw ang itaas na bahagi ng aking katawan at malakas na mga binti na pumatong sa ibabang bahagi naman ng aking katawan. Wala akong nakikitang mga braso at binti na nakapatong sakin pero nararamdaman ko ang init at bigat ng mga yun. 


Nagdasal ako. Isang Our Father-anjan parin siya. Isang Hail Mary- hindi siya bumibitaw. Isang Glory Be To the Father- walang epekto. Nagdasal ako ng The Apostle's Creed. Nangangalahati na ako sa dasal na iyon ng maramdaman kong unti-unting lumuluwag ang pagkakayakap nya. Nararamdaman kong unti-unti na siyang nawawala at malapit na akong makagalaw. Tumigil na ako sa pagdadasal dahil akala ko tapos na.


Mali ako.


Handa na ulit akong bumalik sa pagtulog ng naramdaman kong yumakap siya ulit. Sobrang higpit na parang hindi na ako makahinga. Hindi ako makasigaw at hindi ako makagalaw. Nagulat ako. Tinapos nya ang aking dasal. Ramdam na ramdam ko sa tenga ko ang hangin na lumalabas sa bibig nya habang sinasabi nya ang Apostle's Creed. Pagkatapos ng dasal, unti-unti na siyang nawala at hindi na bumalik pa.


Hindi ko napansin na nakatulog pala ulit ako. Pagmulat ko, tirik na tirik na ang araw. Naalala ko ung nangyari sakin. Dun ko lang naisip na hindi nakakatakot ung boses nya. Iba sa mga napapanood ko sa mga pelikula. Meron sa boses nya na nakapagpakalma marahil sakin kaya nakatulog ako.


Feeling ko guardian angel ko un. Pinapaalala lang nya na nandito lang siya and si God. Baka daw kasi nakakalimot na ako.


 


NOTE: True Story


  

Story Archive