Menu

Tagalog Pinoy Horror Story

Maymomoo! - Mangamba... manginig... takbo!

The Philippines top horror story archive.

New Horror Stories

Third Eye

Story Rating:

Hello avid readers! I had shared my personal story here befo......

Silip

Story Rating:

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang s......

Life never ends, and Love never dies.

Story Rating:

I would like to share my own experience on this page, hindi ......

Weird na Kapitbahay sa Arpartment

Story Rating:

Hi ako nga pla si Jandel. 20 years old galing probinsya. Bag......

Babae sa Upuan

Story Rating:

Yung bahay ng lola ko dun up and down. Siya nalang ang mag i......

The Man in My Sleep

Story Rating:

This is one of my creepiest experience in my first dormitory......

Balsa

Story Rating:

Nung minsan bumagyo sa kanila kailangan iligpit ang mga bang......

Haunted in Australia: A pinoy horror story

Story Rating:

Naniniwala akong sa mundong ito may ibang nilalang pa tayong......

Matandang Babae na nakalutang sa Lupa

Story Rating:

Halos lahat na ata ng kwento dito sa page na ito ay nabasa k......

Road to Pampanga

Story Rating:

Way back 2016 nung naglibot kami ng Pampanga, ang sasakyan n......

Top Horror Stories

Ang Liham...

Story Rating:

Parang nawala ako sa sarili ko. Kumikilos ako ngunit hindi n......

 Fiction Tito Tope!!!

Story Rating:

Ilang minuto pa ay palakas na ng palakas ang mga galaw ni Ti......

Toll Plaza

Story Rating:

Isa akong ex-toll teller, kame ay inihahated at sinusundo ng......

Simbang Gabi (A Demon in the Catholic Church)

Story Rating:

A true story revelation of seeing a real demon in the Cathol......

Mga Patak ng Tubig

Story Rating:

Kwento ito ng isang kaibigan ko. Namatay ang asawa nyang lal......

Horror Stories

Story Rating:

Nangyari ito nung nagaffiliate kami sa Cebu for psych. Doon ......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

Jollibee Scare 2

Story Rating:

Ang kwento, may namatay daw na dating crew sa store namin, p......

Nagambala

Story Rating:

Iba ang naging takbo ng gabing iyon. Madalas ang alulong ng ......

Boarding house

Story Rating:

3rd year college na po ako sa isang private school sa Occide......

New Fictional Horror Stories

 Fiction WAG MO SAYANGIN BUHAY MO

Story Rating:

Shania... Gusto ko lang naman sabihin sayo na, nasa mabuting......

 Fiction LAPTOP

Story Rating:

Isang call center agent si Will, masipag sya... at lahat ng ......

 Fiction trahedya

Story Rating:

Ang lakas ng ulan na rumaragasa ngunit parang hindi man lang......

 Fiction LOLA

Story Rating:

Mabait, Magalang, Maganda, Matalino, Mahilig sa katatawanan,......

 Fiction Kotse

Story Rating:

KOTSE Matagal nang magkasintahan si Francis at Ruth - 4......

 Fiction Herika

Story Rating:

Nakatulog na ang mag asawa ng biglang may narinig sila na ka......

 Fiction "My weird boss"

Story Rating:

This will be the very first time that I will share my experi......

 Fiction The road

Story Rating:

Papunta ako sa bahay nang pinsan ko nang may makita ako sa d......

 Fiction Belong Itim

Story Rating:

Ginagamit ng mga matatanda noon ang belong itim sa iba't iba......

 Fiction Ampon

Story Rating:

halos apat na taon na silang kasal ngunit wala pa silang an......


Pinoy Horror Story



Story Rating

Rated (4/5)
by 1 user(s)


Hello avid readers! I had shared my personal story here before, only this time I want to share our experiences with my 2 siblings. This is a bit long but just bear with me until the end please. Isipin nyo na lang kasama na dito ang part 2,3, & 4.

3 kaming magkakapatid, I'm the eldest and only girl (Mhy, Mark and Marlon). Not really sure the year though but I think this happened in 2005 or 2006. Somewhere in Las Piñas nag rerent lang kami ng bahay isa sa mga subdivision doon ng mga kapatid ko kasi yung parents namin nasa abroad that time. Yung style ng bahay na inuupahan namin, yung 3 bahay 2 stories na magkakadikit tapos iisa lang yung gate namin, then kami yung nasa dulo. Medyo creepy yung pakiramdam ko sa bahay dahil siguro masyado malaki para saaming 3. Yung pakiramdam mo lagi may nakatingin sayo????, feeling ko palagi kapag naliligo ako may nakasilip palagi sa may bintana ng CR, tapos kapag nasa kwarto ako lagi ko naririnig parang may tao sa kabilang kwarto (kala ko mga kapatid ko) pero sa tuwing tinitingnan ko wala naman. Anyways, yung bahay may 2 kwarto at isang CR sa baba. Sa masters bedroom doon ako then yung isang room na may balcony sa 2 kong kapatid, then yung ilaw ng mga kapatid ko sa kwarto nila yung UV lights or glow in the dark na blue (hindi ko alam ang tawag dun, basta alam nyo na yun) ewan ko bat ganun ang ilaw nila sakit nga sa mata eh. May 3 asong aspin pala kaming kasama.

Sa 3 magkakapatid si Mark yung tahimik lang, sya yung tipong hindi mahilig mag kwento at hindi naniniwala sa mga multo multo na yan, madalas nya kaaway yung bunso namin kahit kaming 2 lagi din mag kaaway, kapag ganung magkaaway ang dalawa ayaw matulog ni bunso sa kwarto nila kaya minsan sa room ko sya natutulog.

On that day, from work isinama ko yung pinsan kong babae at friend nya sa bahay para doon mag sleep over saamin, normal ang lahat hanggang sa gumabi. Sa kwarto ko natulog yung cousin ko at friend nya nag latag lang sila ng banig sa may baba ng kama ko. As usual nag away na naman yung 2 kong kapatid kaya sa room ko matutulog si bunso. So that night 4 na kami sa room ko natutulog.

Past 3 am nagising ako para umihi, dahil patay ang ilaw sa room ang nagmimistulang liwanag nya yung ilaw na nanggagaling sa labas. Napansin ko parang ang dami namin sa kwarto ko, parang ang dami nilang magkakatabi sa baba ng kama ko, so hinayaan ko na lang, bumangon na lang ako para umihi. Hindi ko napansin sumunod pala yung bunso kong kapatid, napansin ko na lang sya nung nasa baba na ako ng hagdanan tapos sya nakaupo sa gitna (medyo mataas yung hagdanan namin). Sabi ko "Oh bunso bat gising kana maaga pa, iihi kaba?" medyo nakapikit pa mata ng kapatid ko nung sumagot sya saakin " Ate si kuya nasa kwarto mo natutulog" parang nagsusumbong, sagot ko naman "oh bakit? Kaya pala sikip sikip natin eh" sumagot sya "minulto daw sya" hindi ko alam kung tama yung pagkakadinig ko kaya pinaulit ko sknya.."anong sabi mo? Anong minulto?" Sumagot sya "minulto nga daw sya, nakita daw nya eh, nanginginig pa nga si kuya" medyo kinilabutan ako, knowing my brother, never yun natulog sa room ko, ska alam ko kapag nagsisinungaling sila. Kaya sabi ko sa bunso namin "anong multo multo, sya hayaan mo sya. Balik kana doon, ihi lang ako". Pag balik ko ng kwarto tiningnan ko ulit sa baba ng kama ko andoon nga yung kapatid kong isa natutulog.

Kinaumagahan, habang nagpeprepare kami ng breakfast nagkwento na kapatid kong si Mark. 12am hindi sya makatulog bukas lang yung ilaw nya (UV light),bukas ang sterio pero mahina lang tamang sound trip. Medyo naiinitan sya kaya binuksan nya yung pintuan nya sa may balcony and then sa lapag sya humiga. Ang style ng higa nya..nakatagilid sya facing balcony, then may yakap yakap syang unan na nakatakip sa mukha nya. Nakapikit lang sya nung maramdaman nyang parang bumibigat yung sa may bandang paanan nya...so dahan dahan nyang inangat yung unan nya para silipin yung sa may paanan nya...nakita nya may babaeng mahaba ang mga buhok na nakaputi, nakapatong ang ulo sa paanan nya..natigilan sya, hindi sya makagalaw parang buong katawan nya namanhid at nanginginig. Parang may sinasabi yung babae na hindi nya maintindihan, sinubukan daw nya sumigaw pero wala daw lumalabas na boses. Pumikit sya ulit at tinakpan ang mukha ng kanyang unan, dahil nasa isip nya baka namamalik mata lang sya, then sinubukan nya silipin andun pa din yung babae pero this time pakiramdam nya may mga kamay na nakahawak sa ulo nya, halos hindi sya makagalaw at takot na takot na daw sya. Pumikit sya ulit at nagdasal, sa pagkakataon na yun pag dilat nya nawala yung babae sabay bangon nya at tumakbo sa kwarto.

Mangiyak ngiyak ang kapatid ko habang nagkukwento saamin. Sabi ko sa kanya "baka nanaginip ka lang di kaya?" Sabi nya "hindi ate, gising na gising ako nun, hindi nga ako makatulog eh, T****Ina hindi ko sya inaano, bat sya nagpapakita sakin.." takot at galit ang kapatid ko sa pangyayari na yun. Bigla sumagot yung frend ng pinsan ko si "Diane" (not her real name) sabi nya " I think alam ko kung bakit nagpakita sya sayo." (May third eye pala siya)

Kwento ni Diane: pag pasok na pagpasok nya daw sa bahay nakita na nya may bata sa may hagdan (kaya pala sya nag tanong noon saakin kung may bata kaming kasama..sabi ko wala..) tapos sa labas ng cr kung saan andoon yung bintana ng cr may lalaki na naagnas ang mukha na nakatayo. Sabi nya nung gabi na at tulog na kami may nakita sya sa may paanan nya babaeng nakaputi na mahaba ang buhok, iba daw itsura yung parang na naagnas na, puros dugo, basta masagwa daw itsura,pinipilit sya gisingin nito, pero 2 beses syang tumanggi ang sabi nya lang dito " ano ba? Umalis kana, gusto ko na matulog" (napaka casual nya lang diba). Dahil hindi nya pinansin yung babae, lumipat daw sa kapatid ko.

Tinanong ko si Diane kung ano kailangan nya bat sya nagpapakita. Hindi nya daw alam. Paliwanag nya saamin sa tuwing nakakakita sya hindi daw tlga nya pinapansin kasi nga kahit sya natatakot din. Sabi ko sknya na baka pwed nya sabihan na wag na sya magpapakita sa mga kapatid ko. Sabi nya hindi na daw yun magpapakita pag alis nya.

Sa bahay na sanay na kami sa kawirduhan na mga nangyayari though aware kami na hindi lang kami ang naninirahan doon basta wag lang sila magpapakita saamin. Madalas kapag tumatahol ang aso namin yung tahol na akala mo may tao syang nakikita sinasaway lang namin.

=====

May pagkakataon noon na mag isa lang ako sa bahay sobrang tahimik parang nakakabingi ang katahimikan. Pumasok ako sa room ko, nasa labas ng kwarto ng mga kapatid ko yung aso namin na isa natutulog. Pumasok ako sa room ko at sinara ko pintuan kasi mag aayos ako ng kwarto ko. Maya maya may naririnig ako na kaluskos parang naglalakad sa labas ng kwarto ko, tumigil ako sa ginagawa ko para makiramdam, bigla nawala yung kaluskos, so tinuloy ko ginagawa ko maya maya biglang may malakas na bagsak ng pintuan, hindi ako lumabas para tingnan kasi akala ko dumating na yung kapatid ko, then maya maya narinig ko umiiyak yung aso namin, parang nanggagaling sa kabilang kwarto. Lumabas ako ng room ko para tingnan, pag bukas ko sa room ng mga kapatid ko nakita ko yung aso namin sa loob sabay takbo palabas ng kwarto. Medyo natigilan ako kasi sobrang weird nya...pano nakapasok yung aso namin sa room ng kapatid ko? Eh sarado yun nung makita ko.

=====

Isang araw maaga ako umuwi galing work, expected ko ako palang tao sa bahay kasi nasa work pa si mark then si marlon nasa school pa. Nasa labas lahat ng aso namin, tapos nakasara yung pintuan.. (by the way kapag umaalis pala kaming lahat hindi namin sinasara yung bahay, hinahabilin namin yun sa katabi naming bahay, nakalock lang yung mga rooms namin tapos lagi nakalock yung main gate. saka para labas pasok lang yung aso namin sa bahay.) so yun na nga binuksan ko pintuan para makapasok yung mga aso, maya maya paakyat na ako sa kwarto sana ng nakita ko sa hagdanan may bakas ng paa may nakaapak ng tae! Ang weird lang kasi, lets say 12 na baitang yung hagdan namin (not really sure) yung bakas nya nag start sa 4 na baitang tapos lahat right side lang ng paa, so naisip ko yung kabilang paa lang ang may tae at mukhang mahaba ang paa nya kasi naglalaktaw sya bawat baitang paakyat. Pero hanggang hagdanan lang sya kasi pag dating mo sa itaas wala ng bakas. Lumabas ako para mag tanong sa kapit bahay. Tinanong ko si ate sa kabilang bahay. "Ate may pumasok ba sa bahay?" Sumagot sya "Wala naman pero kanina maingay yung mga aso. Kala ko nga may tao na eh. Pero wala naman ako nakikitang may tao sa loob." Hindi ako makapasok ng bahay, napapaisip tlga ako, kinikilabutan na ako at kinakabahan (basta hindi ko maipaliwanag) Kaya lumabas ako para hintayin mga kapatid ko.

=====  

Yung bunso namin si marlon lagi nya sakin sinasabi may 2 lalaki daw na nakaitim na may hood (black cloak) na nakasunod sknya at nakabantay. Kala ko gawa gawa lang nya. One time may sakit sya, since wala pasok s mark sa work hinabilin ko sknya kapatid nya. Pag uwi ko ng bahay nung gabi dumiretso ako sa kwarto ng mga kapatid ko, nakahiga si marlon nanginginig at umiiyak at ang taas ng lagnat. Tinanong ko sya "asaan si kuya mo?" Sumagot sya "umalis ate eh kasama kaibigan nya" galit na galit ako kay mark at awang awa ako kay marlon. Sabi ko sknya " humanda yan si kuya mo saakin makakatikim sya. Dito ka lang huh magluluto lang ako para makakain ka at makainum ka ng gamot" bumaba na ako para magluto, sumunod pala kapatid ko saakin na mangiyak ngiyak pa sabi nya "ate nagpakita na naman sila saakin, yung dalawang nakaitim" hindi ko alam ang gagawin ko awang awa ako sa kapatid ko, kinikilabutan ako noon at kasabay pa noon ang iingay ng mga aso namin kaya mangiyak ngiyak na din ako, napayakap ako sa kapatid ko at sabi ko "T***na nyo, kung sino man kayo, wag na wag nyo gagalawin kapatid ko, bwisit kayo, hindi namin kayo inaano..kaya nakikiusap ako sainyo tigilan nyo na kapatid ko.." (deep inside abot abot ang panalangin ko. mahal na mahal ko kasi mga kapatid ko eh).

=====
 
Lumipas ang mga araw, weekend noon nasa labas ako ng bahay namin at nag lalaba, lumabas ung kapit bahay namin sa unang pinto (close ng bunso naming kapatid ung mga nakatira sa unang pinto, mababait sila at very generous sa kapatid ko.) lumapit si kuya "Ben" saakin (not his real name). Nalaman ko malakas third eye nya, sabi nya madalas daw nya nakikita yung bata sa may pintuan lagi nakasilip, akala nga daw nya dati kapatid din namin, tapos yung 2 lalaki na cloak na kwento ng kapatid ko totoo daw yun kasi nakikita daw nya yun nakasunod sa kapatid palagi.
 
Yan lang yung highlights ng story ko mga bes. Actually madami pang kaganapan noon sa bahay, parang na sanay na nga kami eh kaya hinahayaan na lang namin minsan basta sabi ko nga skanila wag na wag silang magpapakita para manakot..o kantiin isa sa mga kapatid ko kasi kung hindi palalayasin ko sila!. Wala na kami sa bahay na yun hindi ko alam pano kami lumipat. (hindi ko maalala na). By the way recently lang pala nalaman ko na may third eye pala tlga yung bunso namin, pero sa tingin ko kaya na nya ihandle sarili nya.

Thank you mga bes sa pag tyaga magbasa until the end of my story alam ko nakakaduling but still I really appreciate it. Thank you admin for the privilege.

God Bless everyone!!!


  

Story Archive